Chapter19

187 3 0
                                    

Makalipas ang ilang oras matapos umalis si Miguel Difronzo, parang nabunutan ng tinik ang buong HQ. Balik na ulit sa trabaho ang intelligence section. Ang intelligence section, ay kung saan ang nagtatrabaho ang mga magaling mag espiya at ng teknolohiya.
At ang guardian section naman ay kung saan nagtatrabaho ang mga magaling sa armas at sa pakikipaglaban.
Iba ang kaso ni jessy, kahit wala siyang alam sa labanan kinuha siya ni christina bilang guardian. Guardian na marunong mag espiya at sa teknolohiya.

"All guardian section & intelligence section come to my office now. We have important meeting" sabi ni evan, dinig ng buong section ang boses na yun. Dahi bawat section may nakalagay na speaker.

Pagkatapos ng ilang minuto nagtipon-tipon na ang lahat, kasama na doon si christina at jessy.

"pinatawag ko kayong lahat upang simulan na ang plano" panimula ni evan. Napatango nalang ang iba.

"Intelligence section i-monitor niyo kung saan ang hideout at Magiging hideout ng mga rizutto. At guardian section, bawat lugar na posibleng maging hideout ng mga rizutto ay palibutan niyo. Wag na wag kayong magpapahalata" dugtong naman ni christina.

"Lady christina pano po pag biglang sumugod ang mga rizutto na di namin namalayan?" Tanong ng isang guardian.

"May ilalagay kami na speaker sa bawat isang guardian. Ang taga intelligence section na ang mag monitor kung may susugod ba o wala. Lalagyan ng spy camera bawat posibleng maging hideout ng mga rizutto, may ilalagay din kami na tracker sa inyo oras na magkagulo" sagot ni christina.

"Di magtatagal daniella ikaw ang mamumuno sa buong difronzo, napakagaling mong pinuno" paghanga ni evan sa anak. Umirap nalang si christina.

" sige na magsimula na kayo, mahal ang oras baka pasugod na ang mga rizutto" biro ni christina agad na nagsitayuan ang lahat upang simulan na ang trabaho.

"jessy samahan mo ko sa training center" sabi ni christina, napailing nalang si evan sa kinikilos ng anak, parang handang handa na ito sa darating na laban.
ang training center ay malo-locate sa ilalim ng HQ. Isa itong malaking space na kasya ang limang daan ka tao. Kumpleto na ito ng shooting range at isang ring na malaki para sa arm to arm combat.

Samantala

dumating na si juan rizutto sa bansa para sa nalalapit na laban. Sikreto lang ang pag punta nya para daw hindi mahalata ng taga lacosa nostra na sasali sya sa labanan sa pagitan ng rizutto at difronzo, alam nyang hindi magkasundo si evan at kanyang ama kaya gumawa ito ng sariling organisasyon. Pero ang di nya alam nakahanda si evan na pababain ang pride nya para lang matalo ang mga rizutto kaya wala siyang ka alam-alam na dumating na ng pilipinas si miguel difronzo para tulungan ang anak.
Pagdating ni juan rizutto sa bahay ng kanyang anak agad na nagyukuan ang mga butlers at maids dito.

"Welcome dad"-richard

"Welcome lo"-rachelle

"Welcome dad"-angel

ngumiti nalang si juan sa pamilya ng anak.

"Kamusta na iho" sabi ni juan sa anak.

"I'm fine dad" napatango nalang ang ama.

"tara sa opisina ko dad" sumunod nalang si juan ky richard.

*sa opisina*

"Iho magpapadala ako ng mga guardian ko para madali lang ang paglusob sa mga difronzo"

"Salamat dad. sa susunod na linggo na po ang laban. May isang linggo pa tayo para makapaghanda"

"Good. Ako na ang bahala sa mga armas. Ipapadala ko nalang dito bukas para ma check mo" ngiting ngiti si richard sa sinabi ng ama. Ramdam na ramdam na nya na sila ang mananalo.
sinalinan ni richard ng wine ang ama. At nakipag toast dito.

"Cheers dad!"

"Cheers!" At nagngitian na parang demonyo ang mag-ama.

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon