Chapter22

191 4 0
                                    

Nagsisimula na ang laban sa pagitan nila christina at rachelle.

"My lady naka set na po ang bomba, marami rami na pong namatay na guardian natin. Pero wag kayong mag alala lalaban sila hanggang huli. Mag iingat po kayo lady christina" rinig na rinig ni christina ang boses na yun ni jessy sa earpiece nya.

Agad na nagpakawala ng dalawang suntok si rachelle pero nailagan lang yun ni christina at sinipa si rachelle sa sikmura na nagpawala ng balanse nito.
nginitian lang siya ni christina. Agad na bumangon si rachelle at kinuha ang baril niya sa kanyang holster. Agad siyang nagpaputok pero nagtumbling lang si christina ng dalawang beses. Agad namang nagpag-pag ng kamay si christina.

"Kapatid ko, walang-wala yang training mo sa training ko pano maging assassin nung nasa battle underground pako. Dun ako tumira halos kalahati ng buhay ko. Walang-wala ka sakin, mahina ka pa. Kaya ako ang karapat-dapat na maging prinsesa ng mga lee. Hahahaha" pilit na inaasar ni christina ang kapatid. Isa ito sa mga estrahiya niya. Nalaman niya kasi kung ano ang kahinaan ni rachelle at yun ay ang tawagin itong mahina.
Binato siya ni rachelle ng dagger pero nasalo niya ito at agad binato pabalik kaya natamaan sa balikat si rachelle.

"Aaa--aahhhh! ff--fvck you! Ako ang dapat na prinsesa at hindi ikae! Sampid ka lang!!" Galit na sigaw ni rachelle.

"Hahahahaha. Ako ang panganay, para lang sa mga panganay ang tronong yun. Panganay ako diba? Ibig sabihin una ako. Kaya sino satin ang sampid? Hahahahaha" tawang-asar pa rin ni christina. Binunot ni rachelle ang pocket knife niya at agad na tumayo kaya napuruhan si christina sa leeg. Pinunasan lang ni christina ang nagdudugong leeg gamit ang kamay niya at agad niyang sinipa ang pocket knife ni rachelle at sinalo at mabilis na tinutok sa leeg ng kapatid.

Samantala

"Evan"  napa smirk nalang si evan sa nagtawag sakanya.

"Handa ka na bang bumagsak? Hmm?" Tanong ni richard.

"ang dami mo pang satsat, simulan na natin ang laban" mabilis na bumunot si richard ng baril kaya napatalon si evan sa salamin na bintana ng HQ.
agad na nagpaputok si evan kaya nakapagtago agad si richard sa pader.
Naubusan na ng bala si evan, nilabas  niya ang .45 piatol niya at agad na umakyat sa hagdan para pumunta ng rooftop.

"Bang! Bang!" sunud sunud na putok ang ginawa ni richard at sumunod na rin siya kay evan papuntang rooftop.

"Ano evan? Tanggap mo na ba ang pagkatalo mo huh?" agad na tinutukan ni evan si richard  ng baril. Kaya parehong nakatutok ang kanilang mga baril.

"Hindi man ako ang makapag pabagsak sayo, asahan mong anak ko ang gagawa nun para sakin" nakangiting sabi ni evan.
Tumawa nalang si richard.

"Kawawa ang anak mo, nagkaroon siya ng walang kwentang am--" di na natapos ni richard ang sasabihin niya dahil mabilis na sinipa ni evan ang kanyang baril kaya lumipad ito. Mabilis na sinuntok ni richard si evan sa mukha kaya nawala ito sa balanse at nabitawan ang baril.
sumuntok uli si richard pero nailagan ni evan agad namang sinikmuraan siya ni evan kaya napasuka siya ng dugo.
hinampas niya si evan sa batok kaya nagpa gulong-gulong ito. Mabilis naman nilang kinuha ang kani-kanilang baril at tinutukan muli ang isa't-isa.

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon