Chapter21

171 3 0
                                    

Araw na ng pagtutuos ng mga difronzo at rizutto.  Nakahanda na ang mga difronzo alam nilang sa mga oras nato pasugod na ang mga rizutto. Pero sa di inaasahang pagkakataon nagkaroon ng malaking problema ang mga difronzo.

"Lord evan patay po ang limangdaang guardian na pinadala ni lord miguel" sabi ni steven.

"Ano!!" Gulat na sabi ni christina. Samantalang si evan tumahimik nalang, parang nawalan sya ng boses.

"Mga montreal po daw ang may gawa" dugtong pa ni steven.

"Intelligence section! Tignan nyo ang mga nakalagay na tracker sa bawat guardian! Alamin nyo kung napapasabak na ba sila!" Agad na kumilos ang taga intelligence section.

"Jessy e-set mo na yung bombang pinagawa ko sayo. 5 hrs. From now, pakinggan mo lang yang speaker mo may mga sasabihin pa ako sayo"

"Masusunod po my lady"

"Steven bantayan nyo yung buong gate ng HQ harangan niyo!"

"Yes my lady"

"Evan halika na, dun tayo sa underground" sunud-sunuran nalang si evan kay christina parang ang anak nya ang boss.

Samantala

"hon, rachelle, sama sama tayong papasok dun. alam kong may haharang dun sa gate nila mga guardian na natin ang bahala dun." Utos ni richard sa mag-ina.
Tumango nalang ang mag-ina niya.

Nagkaputukan na ang mga guardian ng mga rizutto at difronzo. Marami ng patay na guardian sa mga diftonzo, mas kakaunti na lamang sila kontra sa mga rizutto at montreal.
Nakapasok na sila richard ng gate kaya pumasok na rin sila sa loob ng HQ.

"Halughugin ang bung HQ!" Utos ni richard sa mga guardian.

"Hon maghiwalay na muna tayo. Rachelle mag-iingat ka, kaw din richard" sabi ni angel sa asawa.
Agad na silang naghiwalay tatlo.

*balik kina christina*

"calling all intelligence section! Bumaba na kayo ng underground! Umalis na kayo dito! Limang oras simula ngayon sasabog na tong buong HQ!" rinig na rinig sa bawat speaker ng kada section ang boses ni christina. Hindi nya gustong gawin ang pagpasabog sa buong HQ pero para rin to sa buong difronzo organization.

"Evan magkita nalang tayo dun sa rooftop, may chopper na susundo satin"

"Mag-iingat ka anak ko" ngumiti nalang si christina at naghiwalay na ang mag ama.

nakaalis na ang buong intelligence section. Tanging sila christina kasama ang kanilang guardian at mga kalaban ang natitira sa HQ.
may limang guardian ang sumugod ky christina pero binaril niya lang ito sa ulo.

"Bang,! Bang! Bang! Bang! Bang!" Headshot.
agad na pumasok si christina sa isang underground ng HQ.
Nagulat siya sa nakita niya roon, at napangiti ng demonyo.

"Rachelle Rizutto" agad na napalingon si rachelle sakanya

"nung unang beses kitang nakaharap iba na talaga ang pakiramdam ko sayo" nakangiting pang-asar pa rin ni christina.

"Christina Difronzo, my dear sister" naka evil grin na sabi ni rachelle.

"Well, magdasal ka nalang na mapatay mo ang ate mo. Dahil kung hindi" agad pa na nag isip si christina.

"Hindi mapupunta sayo ang trono na matagal ng habol habol sa kin ng mga lee. Hahahahaha" asar na asar na si rachelle kaya bigla niyang binato si christina ng dagger pero nasalo lang nito.

"sinimulan mo na ang laban. Well, I officially announce. LET.THE.GAME.BEGIN" nakangiting sabi ni christina.

AN: guys wala pong lovelife si christina para maiba naman. baka maboringan lang kayo pag may mga lovelife.lovelife ek-ek XD
(Pero di po talaga ako bitter. Hahahahahahahahaha)

The Fearless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon