Chapter 14 - PLAYING CUPID

16 0 0
                                    

Chapter 14

Playing Cupid

Akrei’s POV

Nagtataka siguro kayo kung bakit bigla na lang naging ganun si Chord kay Karee no?

Well.

Ako lang naman ang dahilan.

^_____________________________^

BADING MANG PAKINGGAN, pero I am PLAYING CUPID.

Bakit?

Eh, wala lang. :)

Hindi, joke lang.

Gusto ko lang kasi talaga na maging okay na yung kaibigan kong yun. Tyaka, mukha naman may gusto din si Karee sa kanya eh.

Ops. Bago niyo isipin na gusto lang gawin ni Chord na panakip-butas si Karee, nagkakamali kayo dun.

FLASHBACK.

“Chord, di sa nakikialam ako bro, pero, matagal na yung nangyari sa inyo ni Kria, bakit di mo i-try na mag- move on na?”

Matagal na hindi sumagot si Chord habang iniinom niya yung Tanduay Ice na kanina pa namin tinutungga.

Nakatitig lang siya dun sa shot glass niya. Sad eyes.

Then he smiled.

Weak smile.

“Kahit anong pilit ko bro, mahirap eh. Gusto ko pero, di ko alam. “

Umiling-iling siya. Tapos mahinang tumawa.

“Bro, sabi nga di ba? Every time daw na may nawawala sa’tin, may pumapalit. Every time we end a relationship, it already is a one step ahead to the right person for us.”

Shet. Dinugo ilong ko dun.

“Tissue nga! Dinudugo ilong ko sa sinabi mo eh. Natutuyo utak ko. Hahahaha!”

Tumawa na din  ako.

“Pero seryoso. Pare, what do you think about Karee?”

“Maingay.”

“Haha! Ano pa?”

“Lampa.”

“Ano pa?”

“Maganda.”

Yun yon eh. ^___________________^

“Ehem. I smell something fishy!”

“Lul.”

“Pero di nga bro? Maganda naman talaga si Karee. Bakit di mo i-try. I think you’re both attracted with each other.”

Naman. Napapa- English talaga ako eh. Hahahaha!

“Hindi ah.”

“Sino niloko mo?”

“Hindi nga.”

“Eh kitang-kita kolang naman na galit na galit ka nung may mga picture na nagkalat sa lahat ng room sa school na tungkol kay Karee at sa’yo.”

“Pulang-pula ka na nga non eh. Kala mo makakapatay ka na ng tao.”

Natulala siya.

EPEKTIB!!!!!!

“Di mo na naman kailangan pang ipagkaila sakin bro, kaibigan mo ko. Gusto ko naman na sumaya ka. Why don’t date Karee?”

Nasamid siya.

“Ano? DATE? *cough*”

“Hahahaha! Para namang di kita kilala. Mga palusot mo. Paubo-ubo ka pang nalalaman.”

“Manahimik ka nga.”

“Chord, walang masama kung tumigil ka na sa paghabol kay Kria. Matagal na naman yun di ba? You have proven to her and to everybody that you love her. Pero, binabalewala niya na lang yun. Aminin mo man o hindi. Quit this shit Chord, get a life.”

“Akrei. Natatakot ako na baka, masaktan ko lang si Karee.”

Sabi na eh.

“Natatakot kang masaktan siya o natatakot ka na baka masaktan ka ulit?”

Napatigil ulit siya.

HULI.

“See? Chord, love is a game. Susugal at susugal ka. Kung talagang nagmamahal ka,there’s no way in hell na hindi ka sumugal. ‘Pag hindi nangyari yon, men, hindi ka in love.”

Tulala ulit siya.

“Lahat ng nagmamahal nagpapakatanga.”

“Lahat ng nagmamahal nasasaktan.”

“At lahat ng nagmamahal, sumasaya.”

A/N: Wala akong pinaghuhugutan ah! Grabe lang. Hahahaha! Nasobrahan lang sa pagkahopeless romantic! Haha.

“Ang bading mo Akrei.”

“Hahahaha! Tado. Pero tama naman ako di ba?”

Tumango siya.

“Oo na lang.”

“Lul.”

END OF FLASHBACK.

Need to say more guys? Yun na yun. Haha. At mukhang masaya naman sila ngayon kung nasan man sila eh. Hindi na rin masama para sa baguhang cupid na kagaya ko di ba?

Brokenheart ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon