Chapter 5 - Dumbfounded

34 0 0
                                    

Chord’s POV

EPAL calling….

Tss. Ano na namang kailangan nitong matandang ‘to?

“Problema mo?”

“Hoy Chord Reim Montenegro! Ba’t ka lumipat diyan sa Leighmee ha?!!!!”

Tss. EPAL talaga. Ano ba yan.

“Ano bang pakialam mo ha?”

“Walanghiya ka tal---toot”

END CALL.

Haha. Bahala ka sa buhay mo.

“Si Ate Cherry ba yun?”

“Oo. Alam mo na nagtatanong ka pa.”

“Haha. Mukhang nakarating na sa kanya yung balita ah.”

“Chord, tatambay lang ba tayo dito sa bleachers ha?” - Rico

“Sige. Tara na. Pasok na tayo sa klase natin.”

“Yun. Makikita ko si Karee.”

“Tado ka talaga. Sinabi ng off limits yun. Patay ka kay Kiel.”

“Akrei naman eh. Bayaan mo na ako, ako ng bahala kay Kiel.”

(<_<) --> Itsura naming dalawa ni Akrei.

Napakalandi talaga nitong Rico na to. Ang hilig sa babae. Tss.

“Hoy. Anong klaseng itsura yan ha? Psh. Tara na. Pasok na tayo!”

Naglakad na kami papunta sa building namin. Dahil 2nd class na kami pumasok, after nun. Break kagad. 30 minutes lang naman.

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!

Yon. Break na. Saan kaya yung room ni Kria?

“Akrei. Samahan mo ko. Hanapin natin yung section ni Kria.”

Sumunod naman si Akrei ng di umiimik.

Lakad. Lakad. Lakad. Tss. Asan ba yung babaeng yun? Mauubos na yung 30 minutes break di ko pa rin makita si Kria.

“Ouch!”

“Aray!”

Ano ba yan? May nabangga na naman ako? Bwisit oh.

Tumayo ako. Nakakainis talaga!

“Ano ba yan? Di ba uso salitang ingat sa lugar na to?”

“Sorry! Di ko sinasadya!”

Anak ng timawa. Yung kapatid na naman ni Kiel.

“Di ka ba talaga marunong mag-ingat? Nakakainis ka alam mo yun? Tumingi—“

Aba? Umalis? Ba’t tumakbo? Anak ng . Walang tumatalikod kay Chord Reim Montenegro! Aissssh!

“Hoy! Lampa! Tumigil ka nga sa pagtakbo! Bumalik ka dito! Sisipain kita diyan eh!”

Tuloy-tuloy lang siya sa pagtakbo hanggang makarating na kami sa may Parking lot ng school.

“HOY!!”

Umupo siya. Tapos tinakpan niya yung mukha niya. Lumapit ako sa kanya.

“Alam mo bang pinagod mo ko? Nakakairita ka! Nakakainis ka! Wala kang karapatang talikuran ako! Hindi mo ba ako kilala ha? Akala mo kung sino ka! Hindi porke’t kapatid ka ni Kiel sasantuhin kit—“

“Manahimik ka nga! Hindi mo ba alam na nakakairita ka din? Bakit ka ba kasi nag-eexist kayo sa mundo ha? Mamatay ka na ! Isama mo yung lecheng impaktang Kria na yun!! Magsama-sama kayong lahat!”

I was speechless. Dumbfounded. She is crying. Punumpuno na ng luha yung pisngi niya. Sinasapak sapak niya pa yung katawan ko habang sinasabi niya yun at iyak ng iyak.

I found myself hugging her and comforting her.

“Sshh. Stop crying. C’mon. Gusto mo bang lumabas? Pahangin lang tayo. Para naman maging magaan yang pakiramdam mo.”

She nodded. She’s still crying.

Pumunta kami sa kotse ko. Hindi ko naman alam kung saan niya gusto pumunta.

Brokenheart ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon