Chapter 12 When the chord is out of tune.

34 0 0
                                    

Chapter 12

Chord’s POV

“Papa Chord. Nakita ko yun. Akala ko ba hindi mo gusto si Karee?”

“Anak ng. Pang-ilang ulit mo ng tinanong yan. Sinabi ng WALA nga lang yun!”

“Eh ba’t ka natulala tapos ngumiti ka?”

FLASHBACK.

"Okay. Sige. Wag na!"

Hay! Taena. Tumigil din!

"Pero thank you pa rin."

“tsup”

Sabay takbo siya.

Kiniss niya ako sa pisngi.

Napahawak ako sa part na hinalikan niya. Siraulong babae. Pero napangiti ako. Ewan ko kung bakit.

“Baliw.”

END OF FLASHBACK.

“Tangin* naman oh. Isa pa. Di ka titigil ?”

“Chill Chord, Rico. Punta na lang tayo sa Syndrome.”

“Bagong buhay na ako Akrei! Di na ako mambababae kasi stick to one na nga lang ako. Kay KAREE ANDREA ALEGRE lang ako.”

“Lul. May emphasis pa talaga yung pangalan niya ah.”

“Naman. Para malaman ng ISA DIYAN na akin siya.”

“Lul. Tara Akrei. Kung ayaw ng ISA DIYAN na sumama eh di tayong dalawa na lang.”

“O-oy! Joke lang! Tong mga to hindi na mabiro!! Papa Chord!”

Sumakay na ako sa kotse ko. Pagpasok namin ng Syndrome, di ko inaasahan ang nakita ko.

Si Kria at si.. ungas. Magkasama. Sumasayaw sila sa gitna ng dance floor.

Papalapit na ako sa kanila kaso pinigilan ako ni Akrei.

“Chord, chill.”

“Pumasok na tayo sa den.”

Sumunod naman sila sa’kin. Ganun ba talaga? Kailangang ipamukhang mas masaya siya ngayon kesa sakin dati?

Habang umiinom kami, at nambababae si Rico, nakatingin ako sa kanilang dalawa. Sobrang saya nilang magkasama. Tawa ng tawa si Kria. I never saw her laugh like that with me. Hindi ko naman siya dinadala dito sa Syndrome eh.

They are dancing like hell. Sexy dance. Or should I say, DIRTY DANCE?!

Nakita ko kung nasan na yung kamay ni ungas. Malapit na sa may “ano” ni Kria, yung “ano”.. ay pucha!

Lumabas ako ng den.

“Chord! San ka pupunta?”

“Saglit lang.”

Hinawakan ko yung kamay ni ungas. Pinilipit ko.

“Aray! Ano b-“

BOOGSH!

Laglagan yung mga baso at bote.

Napahawak si Kria sa bibig niya.

“Bastos ka ah!”

Kinuha ko yung collar ng shirt niya tapos tinulak ko siya sa may bar.

Dun ako kumuha ng bote tapos tinaas ko. Hahampasin ko na siya pero..

“STOP! STOP IT CHORD!!!!!!”

That voice.

“Ano ba sa tingin mo ginagawa mo ha?”

Nabitawan ko yung bote. Nalaglag sa sahig at nabasag.

“I’m just protecting you Kria.”

“You don’t have to. We’re over.”

Tinulak ako ni ungas. Sinapak niya ako pero wala akong maramdaman. Kahit konting sakit. Lunod na lunod na ako sa nararamdaman ko.

REJECTION.

ANGER.

BETRAYAL.

Di ko na napapansin ang paligid ko.

Sinapak ni Rico si ungas. Tumba si ungas.

Umalis na si Kria at si ungas.

Tumayo ako tapos sinundan ko sila Kria.

“Kria.”

“Chord please.”

“Makinig ka naman sakin. Kahit ngayon lang. Please naman Kria.”

“Sabihin mo na. Kristoff, mauna ka na umuwi. I can handle myself.”

Sumunod naman si ungas.

“Go ahead.”

“Di ko kayang mabuhay ng wala ka Kria. No. Let me erase that. Hindi na masaya ang buhay kung wala ka Kria. Please. Come back to me. Remember? Pupunta tayo ng Paris. Magpapakasal pa tayo. Magkakaroon tayo ng 4 na anak. Si Yumi, Kean, Eicka at Gray. We had plans. I remember you saying you see yourself seating in front of our house’s porch and waiting for me to comeback from work. Tapos bibisitahin tayo ng mga apo natin.. Tapos magiging masaya tayo.. and we will be on our death bed, holding hands as we face eternity.. Can you still imagine that? Hindi mo na ba matandaan? 2 years yun. Ganun ba kadali yun? Limot mo na ba agad?”

Nakatulala lang si Kria. Emotionless.

Please. Don’t reject me please.

“You don’t understand Chord. I can’t leave Kristoff.”

Pumitik na ako. Anong meron sa ungas na yun ha?

“TANGIN* NAMAN KRIA! ANO BA MERON SA UNGAS NA YUN? BINABASTOS KA LANG NUN EH! AH! ALAM KO NA! I grinned. SIGURO MAGALING SIYA SA KAMA NO? IS HE GOOD? I’M WAY BETTER THAN HIM KRIA! SABIHIN MO LANG! GUSTO MO NGAYON NA?”

-SLAP!!

“You’re impossible Chord Reim Montenegro.”

Sumakay na si Kria sa kotse niya.

Arrgh! Ang tanga ko! Bwisit! Hindi ko mapigilan eh. Ano bang magagawa ko? Eh naasar na talaga ako. Bakit ba yung ungas na yung ang paulit-ulit niyang pinipili?

BWISIIIIIIIIIIT!

Brokenheart ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon