Chapter 15

16 0 0
                                    

Chapter 15

Chord’s POV

Ang saya pala makalaya.

Kanina, habang kasama ko si Karee, puro masaya lang.

Enjoy din siyang kasama.

Ignorante siya sa mga bagay. Palibhasa daw kasi, bantay sarado siya.

Kaya nakakatuwa talaga. Kanina nga, nakita ko siyang nakatingin sa fishball.

Parang takam na takam na ewan.

Sabi ko,

“Gusto mo ba ng fishball?”

“Ayoko.”

“Sus.Ayaw daw pero kung nakakakain lang ang mata, kanina pa siguro ubos yun.”

Nag-blush siya.

Hinawakan ko kamay niya tapos inakay siya papunta dun sa manong na nagtitinda ng fishball.

“Manong, pabili.”

“Sige. Tusok na lang kayo diyan.”

Kumuha naman ako ng stick at lalagyan pero nakita ko siyang naghehesitate kumuha.

“Hindi naman yan nakakamatay Karee.”

“Eh kasi, pinagbabawalan akong kumain niyan.”

“Masarap ang mga bawal.”

I grinned at her.

Nag-smile naman siya kaya kinuha ko na siya ng stick tapos binigyan ko siya nung lalagyan.

After 1 hour.

“Gusto ko pa Chord, please!!”

*_______________*

Ay nako. Nakakailan na siya. Grabe, san niya nilalagay yung pagkain niya?

Kanina pa siya kain ng kain diyan.

“Sige, kuha ka lang hanggang sa magsawa ka.”

“Yehey!”

Parang bata.

Tapos habang kumakain siya, nalagyan ng sauce yung bibig niya kaso hindi ata niya napapansin kasi naman, kain pa rin siya ng kain.

Nilagay ko yung kamay ko sa balikat niya tapos pinaharap siya sakin. Kaso busy pa rin siya sa pagkain kaya hinawakan ko siya sa baba niya tapos tinaas ko para tumingin siya sa’kin tapos pinahid ko yung sauce na nakalagay sa may bibig niya.

Tapos, napatulala siya tapos nag-blush.

Ako din napatigil.

Napatingin tuloy ako sa ibang direksyon.

After noon, umalis na din kami.

Sabi niya kasi baka hanapin na siya nung driver nila.

Sabi ko, tawagan niya na lang tapos sabihin niya ihahatid ko na lang siya.

Tumawag naman siya at pumayag naman yung driver niya kaya hinatid ko siya.

After a gazillion years,

Di, joke lang. OA no. Haha

Nakarating din kami sa bahay nila.

Pinapapasok niya nga ako pero sabi ko next time na lang.

Nag-drive na ako pauwi.

At eto ako, parang 13 year old na nakaranas ng first date kaya inaaalala lahat ng nangyari kanina.

“aray!”

May bumatok sakin.

Sino pa ba? Isa lang naman nambabatok dito sa’kin sa bahay eh.

Brokenheart ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon