Within minutes naman ay nakarating na ako ng school. Nag-park na ako at tsaka pinatay ang engine. Lumabas na ako ng kotse at kinuha ang mga gamit ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako magsimulang maglakad.
This is really insane! All of them are looking at me! May mga napapasecond look pa. Geez! Ganto pala yun!
"Ma'am Mags?"
Nilingon ko ang nagsalita at nginitian ko naman ang dalawa kong estudyante. Napanganga pa sila.
"Yes? Good morning." Ngumiti ako ulit at inunahan na sila. May mga co-teacher akong nadadaanan at ginigreet nila ako. Pati yung magbe-bestfriend na bitch teachers na nanglalait sakin eh nalalaglag na ang panga. Ano kayo! Pwe! Hahahahaha
Nakarating ako ng faculty at ngitian ko nalang din silang andun. Nakalapit na ako sa table ko at nilapag ang gamit ko.
"Mags?!"
Nilingon ko si Trisha. Nginitian ko siya. Siya ang kaisa-isang teacher na close ko dito sa school na to. Well kasi lahat naman eh may ayaw sakin. Loshang daw kasi. Hahahaha
"Bes! Ganda mo ngayon! Anyare sayo? Nabagok na ba ulo mo? Buti naman! Hahahahahaha!" May pagkaloka-loka din tong babae to eh.
"Hindi ah. Naisipan ko lang na kahit isang araw eh makapag ayos ako sa sarili ko." Tumawa ako. Natapos kami sa pag-uusap at nagbell na. Hudyat na magsisimula na ang flag ceremony. Sabay kaming lumabas ni Trish at saka naman ako nilapitan ng co-teacher kong manyakis.
"Hi Mags. Looking good. Lunch tayo later?" Napangiwi ako at tinignan siya. Ito na din ata ang araw na mababara kitang hinayupak ka.
"Well, Mr. Kenji, di ako sumasama sa di ko ka-close. Sorry. Allergic kasi ako sa mga manyak." Nginitian ko siya na kinalaglag naman niya ng panga. You deserve that. Napapalakpak pa ang bruha sa tabi ko.
"Grabehan ka Bes! Nilalabas mo na talaga ang tunay mong kulay! For the win! Papagawa ako ng banner mamaya kela Kaloy! Number one fan mo na ko!" Tumawa kami parehas. Baliw talaga to.
Nakapila na kami at saka naman sumingit tong leader ng bitch club sa tabi ko. Mas matangkad ako sa kanya kaya dinungaw ko naman ang bruhilda. Ni-head to foot niya ako at ganun din ako sabay taas kilay. Damn! I feel so good!
"Anong demonyo sumapi sayo ngayon, Gryndor?" Ngumisi siya. Mas nginisihan ko siya.
"Eh ikaw? Ano bang klaseng demonyo sumapi sayo simula nung bata ka pa? Feeling bitch kahit di naman. Eww. Low class." Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at nag-walk out kasama ng mga alipores niya. Tinignan naman ako ni Trisha.
"Iba ka na Bes. Queen na ang peg! Napa walk out mo ang bruhilda na yun ah! Ikaw na. Hahahahaha!" Napangiti lang ako. This day will gonna be the best day for me.
_______________________________
"Ilan pa ba?!"
Sumasakit na ang ulo ko. Tinignan niya lang ako. Ngumisi siya at kalaunan ay tumawa.
"I don't know! You have no patience ha!" Sabay inom niya ng baso ng tubig. Umilling ako.
"Alam mo, I can give you what you want para matapos na to! Pero eto pa parusa sakin!"
Tumawa siya. Naiinis talaga ako!
"Kasi naman. You don't need that potion! Mayaman ka! Gwapo! Why do you need such a love potion?"
Ang kulit naman neto. If I can get her, then di na ko hihingi ng tulong sa hinayupak na ito.
"Tsaka, I don't need your money or whatever! Meron din ako niyan, bruv. You ask for it, I gave it. But may consequences ang lahat pag pumalpak. Oh eh di nakita mo na?" Tumawa siya. Tangina kong di ko lang siya kaibigan, mapapatay ko na to!

BINABASA MO ANG
Cursed for Love
Narrativa generaleOriginally, The Sex Cat. Magdalene Sethia Gryndor -- A 25 years old lady who wants to have a lovelife but she can't. Why? No man will ever even touch her because the way she is before. Will she ever find her true love?