iv

8 0 0
                                    


Natapos ang meeting. Sumakit ang ulo ko sa mga napag-usapan at kailangang gawin. Tatlong buwan nalang, ga-graduate na ang first batch ng Special Section. Kaya puspusan ang kahandaan namin lalo pa't kailangan naming makita ang results kung sino ang magto-top in the end of February. Para na din maprepare namin ang mga university or college schools na pwede nalang pagpilian.

Inayos ko ang gamit ko tsaka tinignan si Trisha.

"Ano nga ulit next class mo?" pasigaw ng kaunti. Hinintay ko siyang makalapit sakin. Hindi kase kami magkatabi.

"Science, Bes. Grade 11." Tumango ako at sabay na kaming naglakad ng tawagin ako ni Sir Angelo. Napahinto ako at nahihiya pang tumingin sa kanya.

"Bakit po?" ngiti kong tanong.

"Stay for a while. We have to talk." Tumango ako at tumingin kay Trisha na kulang nalang eh mapunit ang labi sa ngiti.

"Sige, Trisha. Una ka na." Ngumiti ako ng pilit at binigyan niya ako ng magkwento-ka-mamaya-look. Lumabas na si Trisha at lumapit naman ako kay Sir.

"Please have a seat." Naupo naman ako. Tinignan niya ako and para akong nahi-hypnotize sa ganda ng mga mata niya. Mahaba ang pilik mata ni Sir at green ang mga mata.

Yes. Di siya talaga isang Pilipino. Ampon lang siya ni Sir Fedel na galing sa isang orphanage sa Santorini. Mabait din si Sir. Parang pangalan niya lang. Mala-anghel ang ugali at--alam niyo na yung katawan. Lande!

"I just want to say thank you, ikaw ang head ng mentors and I can see that you are doing your best para sa section na 'to. And I've seen that the students are doing great. I am so sorry if palagi akong wala at ikaw ang nagha-handle ng mga dapat ay ako ang gumagawa. Bakit kasi di ka nalang mag-aral ulit. I can help you. You know." He smirked at me. I know that sometimes, may paka-devil din to si Sir pero mas nangingibabaw talaga ang kabutihan niya.

"Nako Sir. Di na po kailangan. I'm contented for what I have. At least naman po, secured ko na ang buhay ko. Kaya no worries. And don't thank me Sir. It's my job naman po at I understand your position. Kaya I'll do my best to make all possible." Ngumiti ako. Tumango siya.

"By the way, you look different today ha?" Lumabas dimple niya. Kinilig ako bigla!

"Ahhh. Naisipan lang po mag-ayos. Pero bukas back to normal na ako. I just try to be different today." Tumawa siya at kalaunan ay hinawakan ang kamay ko which makes me blush! Gosh! Nakakahiya!

"Magdalene, You are beautiful. What matter you wear, angat ang kagandahan mo. Inside and out. And that's why I like you than the others."

Parang naheart-broken naman ako dun. Okay na sana yung "I like you" kaso may others pa. Binawi ko ang kamay ko kasi ang sakit! Oo! Crush ko si Sir pero, alam ko namang walang pag-asa. He's still attractive to sexy women.

"Hehehe. Thanks po Sir. Uhm, yun lang po ba ang sasabihin niyo?" Namental block ata siya ng ilang segundo bago magsalita.

"Yes yes yes! Yun lang. Uhm thanks again, Ma'am Mags." Ngumiti siya at tumango lang ako. Sabay na kaming tumayo at lumabas. We part ways at dumiretso na ako sa faculty. Naabutan ko dun si Trisha at nilapitan ako.

"Anyare Bes?" Tinignan ko siya. Napanguso ako.

"Nako. Masama ata nangyare.'' Tumawa siya tsaka nagpaalam na pupunta sa next class niya. Nilapag ko ang gamit tsaka kinuha ang books para sa next class ko. Lumabas na agad ako.

Nakarating ako ng class ko at nagsitayuan agad ang mga Grade 9. May humahagikgik pa sa dulo kaya napatingin ako. Laking gulat ko ng makita ko ang nakakabanas na mukha ng taong yun.

Cursed for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon