001

40 0 0
                                    

Dalawang sundalong nag-uusap.
"Anu kaya yang bagay na yan?"

"Hindi moba nakikita? Sasakyan ng Alien."

"Alien kagad? Tsk... Malay mo sa America lang yan... Oh kaya sa China."

"Muka bang gawa ng tao yan?."

"Wag mo nang problimahin yan, sundalo tayo, mamaya maya lang sasabihin satin kung anu man yan."





Heneral Pelipe's Speech (0ct, 3, 2015 - Saturday - 5:00am)
"Magandang umaga mga sundalo, Ako si Heneral Pelipe, ako ang heneral na nakatoka na mamahala sa bagay na yan. Yang bagay na nakikita niyo ay tinawag na "UNKNOWN", bakit "UNKNOWN"? yun ay dahil sa wala pang nakakaalam kung anu man yang bagay na yan. Mission nating bantayan yan at ang mga ekspertong nakatoka para pag-aralan yan. Sana maging..."

Dwin POV
Dwin's Diary (0ct, 3, 2015 - Saturday - 6:45am)
"Ako si Dwin Zamora... Hahaha, ang corny... pero oo isa kong gwapong lalaking may diary, matangkad, matangos ang ilong, at higit sa lahat kulay kayumanggi. Ewan koba, feeling ko kelangan kong gumawa ng diary. Para san? Ewan ko din... Kaka18 kolang kasi at feeling ko dapat kong isulat ang lahat ng mahahalagang mangyayari sakin..."

"Zamoraa!!! Bumaba kanaa!!! Malalate na tayoo!!!" Pasigaw na tawag ni Jovan

"Nanjan naaa!!!"

"Anong plano pagkatapos ng klase? Birthday mo ngayon, oh ano? inuman ba?" Tanong ni Jovan

"Ay nga pala renspunsibilidad ko nga pala kayo tuwing october 3, sige sige, tayo tayo nalang nila Kiko para sakto lang sa buget." Pabirong sagot ko

"Sige sige..." Pasimangot na sagot ni Jovan

Happy Birthday sakin. Tapos na ang klase, tulad ng dati ehto, kaming tatlo nanaman ang magkakasama, si Jovan, ako at si Kiko. at buti nalang may kotse na tong si Kiko Hahaha. Mukang mapapalayo kami ngayon.

"Anong plano?... Ano?... Nga nga?" Tanong ni Kiko

"Tara sa iba naman tayo, para ma iba." Yaya ko

"Para ma iba?... Sige ganto... Inom tayo habang nagsuswiming tapus bukas na tayo umuwi... Ano?" Nakangiting sabi ni Jovan

Napaisip ako sa sinabi ni Jovan at parang nagustuhan ko yon.

"Ano Dwin? Para sakin ayos yon." Pagsang-ayon ni Kiko

"Sige sige maganda yan, nasan ang mapa? ng ma plano na."

Galing sa Taytay, pumunta kami sa Binangonan sa may tabing lawa. Dun namin napiling pumunta para mag inom, kumain at maligo at magpalipas narin ng gabi.

"Shit... Matindi to sarap ng View" Gandag gandang sabi ni Jovan

"Game labas mo yung lamesang de tiklop hahaha. Tara kain na." Yaya ko

"Teka... Pedi kaya dito? Legal bato?" Kinakabahang tanong ni Kiko

"Pedi yan!!... At saka liguan naman talaga to eh... May mga naliligo talaga dito mapa umaga o mapa gabi... Ewan ko lang ngayon kung bakit tayo lang ang nandito." Paliwanag ni Jovan

Si Jovan ang nakaisip ng lugar nato, nakapunta naraw kasi sya dito. Magdamag kaming nag-inom habang naliligo sa lawa, malinis naman ang lawa pero talagang nakakatakot lang, wala kasing ka tao tao.

"Ano lasing na?... Aba, Alas kwatro na pala ng umaga (4:00am)" Sabi ni Kiko habang nakatingin sa relo niya

"Hayaan muna... Matulog muna tayo tapus pag gising natin tyaka tayo bumiyahe pauwi." Sabi ni Jovan

"Minsan masaya rin tong ganto no? Tahimik, malamig, kayo lang kasama ko... Sarap" Madrama kong sabi sa dalawa

"Eh pano pag namatay na kami? Ehdi iyak ka?" Pabirong tanong ni Kiko

"Hahahaha ehdi maghahanap ako ng ibang mga kaybigan." Pabirong sagot ko

"Hahaha! Sama talaga neto oh... Tara lakad lakad muna tayo, pag balik tyaka tayo matulog" Yaya ni Jovan

Si Jovan ang taga plano namin sa mga lakad namin oh kahit pa sa bawat kilos namin, wala lang hindi naman siya ang boss namin, lagi lang talaga syang may naiisip na masayang trip.

Napasarap kami ng kwentuhan kaya ayun, mejo napalayo na kami. Ng may bigla kaming nakita.

"Ano yan?!..."

TATLO: Tatlo Lang DapatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon