002

17 0 0
                                    

Jovan POV

Habang naglalakad kami sa gilid ng lawa may nakita kaming isang parang facilities mula sa malayo na ang nasa gitna'y isang kakaibang bagay oh sasakyan na tila pang tubig... Hugis oblong na parang isang malaking capsule.

"Ow... Anu yan?... Spaceship?... UFO?" Gulat na gulat na tanong ni Kiko

"Ewan"

Natahimik kami at pinagmasdan mula sa malayo ang facilities.

"Alien?... Dito muna tayo, minsan lang tayo makakakita ng ganyan." Sabi ni Dwin

"Oh sige... Basta ba handa kana na huling Bday mo to eh." Pananakot ko kay Dwin

"Hehehe... Tago tayo? gusto niyo?" Tanong ni Kiko na kinakabahan

Tumakbo kami sa batuhan para mag tago, at tila napalingon yung isang sundalo na nasa gate.



"Anu yong gumalaw don?"

"San?... Tao?... Ireport daw kagad kung may aaligid aligid."

"Itawag mo kay Heneral Pelipe."

*Cringg* Cringg* Cringg*

"Hellow... Heneral, may nakita po kaming kahina hinala mula sa malayo isang grupo po yata."

"Tignan niyo, magsama kayo."



Lagot... Mukang nakita na kami

"Guys!, guys!, Muka bang papalapit sila satin?"

"Parang..."

"Takbo! Takbo! Takbo!"

Dala ng kaba napatakbo kami at napansin kong magkakahiwlay kami ng dereksyon, ako papunta sa mga puno para magtago, si Kiko papunta sa kinalalagyan ng dala naming sasakyan at si Dwin ay papunta sa mismong facilities, bakit sya papunta don? Tsk, Nalilito kami, kinakabahan at idagdag pa na nakainom, hindi na namin alam ang gagawin.



"HULI KA!!!"

Nahuli si Dwin ng isang sundalo at yung isang sundalo, sinundan si Kiko...

Mula sa mga puno na pinagtaguan ko nakikita at naririnig ko si Dwin at ang mga sundalo, kitang kita ko si Dwin na takot na takot, gusto kog tumulong pero hindi ko magalaw ang mga paa ko, kinakabahan ako, hindi ko alam ang gagawin.

"Ano gagawin dito Heneral?"

"HANAPI NIYO YUNG DALAWANG TUMAKBO!!." Pasigaw na itos ng Heneral

"Ano?... papatayin niyo kami? Takot na takot na tanong ni Dwin

"Kelangan namin matiyak kung sino kayo... At tyaka namin pagdedesisyonan kung anung dapat gawin sainyo." Sagot ng Heneral habang nakatitig kay Dwin

"ISTUDYANTE LANG KAMI!!!" Sigaw ni Dwin habang nag pupumiglas

Biglang umilaw ang Capsule kasabay ng pagsigaw ni Dwin...

TATLO: Tatlo Lang DapatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon