Dwin POV
Umilaw ang capsule... sobrang lakas, yung tipong puti nalang nakikita ko at ng mawala ang liwanag, ng makakita nako napansin kong nasa ibang lugar nako at ng biglang isang boses ang narinig ko.
"Dwin..."
"Hi??"
"Sa likod mo."
Sa pag harap ko, ay isang muka ang nakita ko... Isang muka... Isang muka na kamukang kamuka ko.
"Dederetsyohin na kita, ako ay ikaw... ako ay ikaw pag lipas ng dalawangpung taon."
Seryosong sabi ng lalaking nasa harap ko. Ako ba talaga sya? Naniniwala ba ako sa kanya? Ou naniniwala ako... Sobrang sobrang kamuka ko siya... naniniwala ako sa kanya.
"Uh okay?... So ikaw ang future na ako?" Nakangiti at nagtataka kong tanong.
"Tatlong araw na kitang hinihintay... Alam kong pupunta ka dito sa ika labing walong gulang mo, dahil nung ika labing walong gulang ko nagpunta rin kami dito nila Kiko at Jovan."
"Edi Wow?... So ano to? time machine?"
Nagtataka ko at naguguluhan pero naniniwala ako sakanya na siya ay ako... kamukang kamuka ko siya at ang lugar nato... Ang lugar nato'y hindi normal... siguradong hindi to biro biro lang... Totoo to.
"Ou isa tong time machine, may dapat magbago sainyo... may dapat kayong makuha ng mas maaga kaya ako nagpunta sa panahon niyo."
"Kami?... kaming tatlo? mas maaga? anung mas maaga?" Punong puno ng tanong ang isip ko
"Oo, may makukuha kayo na isang bagay na magpapabago ng buhay niyo, makukuha niyo to sa susunod na sampung taon mula sa panahon niyo... Pero dahil sa may problema sa hinaharap ay dapat niyo nang tong makuha kaagad..."
"Okay? Akina?"
May kinuha siya at ibinigay sakin, nakalagay to sa isang kahon, bakal na kahon.
"Ehto, isa tong gamot, At nga pala wag na wag mong sisirain ang pagkakaibigan niyong tatlo."
"Okay gets kona kung anu nangyayare, pero ano bato? para san ba to? anong mangyayare pag ginamit namin to? at anong bang nangyayare ngayon sa future? at bakit ko naman sisirain ang pagkakaybigan naming tatlo."
"Isang minuto nalang ang natitirang oras at babalik nako sa future... Inaasahan kona to... Ehto ang flash drive nandito ang impormasyon, mga sagot sa tanong mo at mga dapat niyong gawin... Sa oras na mawala nako dito wala narin kayong tatlo dito sa lawa nasa kani kanila na kayong bahay... Pag uwi mo magsama sama kagad kayong tatlo at basahin niyo ang mga file na nasa flash drive, at ngapala may balak pumatay sainyo mula sa panahon ko at pupunta siya dito anumang oras, kaya kelangan niyo nang mag madali, babalik kaming muli sa panahong to para..."
Nagliwanag ang paligid katulad ng liwanag kanina at nang mawala ang liwanag ay nasa loob nako ng kwarto ko, muka bang biro yun? Hindi... Totoong totoo ang nangyayare, naniniwala ako sa lahat ng sinabi niya, ewan koba pero tiwalang tiwala ako sa kanya.
"Uso papala Flash Drive sa future."
BINABASA MO ANG
TATLO: Tatlo Lang Dapat
Science Fiction"Para san ba tong kapangyarihan nato? Para makaangat sa iba? Para makatulong? Para manalo sa gera? Bakit po Dr. Franko? Bakit ka gumawa ng gantong klaseng kapangyarihan?" "Para to sa.. sa mundong gusto ko Dwin, para to sa mundong walang natatapakan...