James's POV
"DOTA tayo, pre!"
"Sige ba! Pustahan?"
"Oo! P2,000 pusta ko!"
"Ayus ah! Big time ka! Call ako jan!"
"Tara, James! DOTA tayo!"
Inaalok nanaman ako nila Ren. Katatapos lang kasi ng 1st quarterly exam ngayon kaya kung makapag-aya, wagas-wagas na.
Umiling ako. Ang normal na lalaki sa panahon ngayon ay marunong nang mag-DOTA, at siyempre, isa ako sa kanila, pero itinigil ko yun nang makilala ko si Clarissa Lyrae P. Percival.
Naaalala ko pa, pagpasok niya sa room namin noon, emotionless siya. Siyempre nga naman, nasa bago siyang school eh, natural lang yun. Pero as days passed by, naging mas madalas pagiging ganun niya. It bothered me dahil araw-araw niyang ginagawa yun.
Active siya sa mga recitations and activities sa school, pero yung mga sinasalihan niya eh yung di masiyadong kailangan ng energy. For example, essay writing. Poster and slogan making. Radio broadcasting.
Ako nga pala si Ethan James P. Waber, 4th year high school student sa G.E. High. Ang cliché na ng greeting diba?
Ano nga bang ibig sabihin ng G.E. High? Ewan ko. Di ako descendant ng founder nito eh. xD
"Sus! Yan ka nanaman eh! Good boy ka talaga kahit kelan. Sige na, sige na, alis na kami. Bukas na lang ulit, 'tol." Tumalikod na si Ren at inakbayan ang ka-tropa naming si Lorence.
Oo, sikat kaming tatlo sa G.E. High. Si Lorence ang pinakasikat: Heartbreaker and player. Ang cliché na rin, diba? ^^
Naiwan nanaman akong mag-isa. Di bale, mas tahimik naman.
Pumunta ako ng parking lot para makauwi na since tapos naman na yung test. May lumapit na babae sa'kin. Naka-braces siya, tapos naka-varsity jacket. Brown yung buhok na naka-pigtails. May inabot siya sa'king sketch pad at binuklat niya yun. Tumambad sa harap ko and isang sketch nung nasa bleachers ako sa soccer field at nagre-review para sa test. Kahapon pa yun ah? =.=
Medyo nakaka-flatter na nakakahiya. =.=
"Paki-sign naman, Noble Prince," sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Nag-flinch ako kasi nailang ako. "Matagal mo na akong tagahanga eh."
"A-ah? O-oo. Sige. May ballpen ka ba?" tanong ko habang kinakapa-kapa ko yung bulsa ko gamit yung right hand ko. May inabot siyang ballpen nang mahugot ko na yung ballpen ko sa bulsa ko. "Yung akin na lang gagamitin ko para mas memorable sa'yo." Nginitian ko siya.
Parang may nag-spark sa mga mata niya at napangiti siya ng mas weird nang sinabi ko yun. "S-salamat, Noble Prince! Ang bait-bait mo talaga! Pwede ba magpa-picture?"
Pinirmahan ko na yung sketch niya (kung siya nga yung nag-sketch nun) at nang nilabas niya yung phone niya, ayun, nag-picture na kami. Di naman big deal yun sa'kin eh. =)))
Nakita ko si Lyra sa parking lot using my peripheral vision. Lumapit siya sa isang customized black Lamborghini car at dali-daling sumakay. Pinanuod ko siya palayo. Nang wala na siya sa paningin ko, tumingin ako dun sa babaeng fan ko daw.
"Sige, Noble Prince. Salamat talaga ng marami ha? Una na'ko, baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko." Nakangiti siyang tumalikod at nagmadaling naglakad.
"Teka," pigil ko sa kanya. Lumingon siya at lumapit ako para iabot yung sketchpad niya. Nginitian ko siya. "Nakalimutan mo."
Kinuha niya ang sketchpad at nagpasalamat. Tapos, nagmamadali siyang naglakad. -.-
Pamilyar ang pangalan niya. Nakita ko yun sa bandang ibabang bahagi ng sketchpad niya sa cover page nito.
Zoe Michelle Delos Santos.
Kung hindi ako nagkakamali, siya yung----
*PEEP* *PEEP* *PEEP*
"HOY! Daanan ng kotse, haharang-harang ka!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko. "Kung ayaw mong umalis jan, ako magpapaalis sa'yo!"
Lumingon ako at nakita ko si Ren Corpuz, yung ka-tropa ko. Ngumiti siya. "Alis na jan kundi sasagasaan kita."
Tumabi ako sa dadaanan ng red Porsche niya at ngumiti pabalik. "Sorry, 'tol. May nagpa-autograph kasi ng sketch niya."
Pinaandar ni Ren yung kotse niya sabay hinto sa harap ko. "Aba! Yumayabang ka na rin tulad ni Lorence ah?" Tumawa siya. "Baka sa susunod, hindi ka na si Noble Prince. Baka heartbreaker ka na rin tulad niya."
"Grabe ka. Hindi naman ako nagyayabang!" sabi ko sabay batok sa kanya. Naka-open kasi yung roof ng kotse niya. "Sinasabi ko lang yung dahilan, 'nu."
"Sige na, sige na," sabi ni Ren, "magd-DOTA na kami ni Lorence. Susunod na lang siya, pinaligiran kasi ng chicks eh. Di makaalis agad. Haha!"
"Ge, ingat na lang kayo, pre."
Umalis na si Ren at dumerecho naman ako sa kotse ko. Kailangan ko nang makauwi nang mapakain ko na yung aso kong German Shepherd na si Khan.
YOU ARE READING
Falling For A Heartless Princess
Teen Fiction[Slow updates] Maganda. Mayaman. Matalino. Sexy. Yan ang hinahanap ng karamihan ng mga lalaki sa mga babae ngayon. Perfect girl, kumbaga. Pero meet Ethan James Waber, isang ideal guy. Ideal dahil mabait at matulungin siya. Di siya yung typical dream...