Chapter 7: An Invitation For A Truce

274 9 0
                                    

"W-wala. Sumakit lang ulo ko," excuse ko. Wala na kasi akong magandang maisip. ^____^

Sa last scene na nakita ko sa visions ko (or naisip ko lang? Ewan. I can't decipher what it really is.), pure white. Yung tipong wala talaga akong nakita. Narinig ko lang yung boses na alam kong narinig ko na somewhere. Hyu~ Wag na nga pilitin kung di ko talaga alam. XD

Biglang huminto yung kanta. Nakapatay na yung DVD player nang tingnan ko. Di kaya masira yun na bigla na lang pinatay ng di tinatanggal yung CD?

Nakita namin ni Lorence si Yui na hawak sa kanang kamay niya yung remote ng DVD player. Sa kabilang kamay niya ay may isang card. Isa ba yun o dal'wa? Ewan. Lumalabo na ata mata ko. XD Basta, nasa likod niya si Cambriel.

"Clarissa, I'm sorry for what happened at the cafeteria last time," sabi ni Yui with sincere eyes. "Di ko alam na si Cambriel pala yung pumayag sa kasunduan nila ng Kuya Ishin mo. Sana okay na tayo. Friends?"

Tumango ako at napangiti. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. Tapos, pagkatapos ng aming yakapan ay may iniabot siya sa'king card. Yung card na hawak niya. Isang invitation card para sa isang fashion show. "I'm inviting you to go with my brother at this fashion show greatly sponsored by the SPG Corporation."

"Are you one of the models?"  tanong ni Lorence.

Umiling si Yui. "No. You're my date on that occasion."

Hindi na pinansin ni Cam ang sinabi ni Yui. Instead, lumapit siya sa'kin at tinanong, "Okay lang ba sa'yo na ako ang date mo?"

"Sure," mabilis kong sagot. "You're my fiancé. We'll be married soon."

Napangiti siya sa sinabi ko. Sino bang hindi mapapangiti dun? Ikaw ba, kung sasabihan ka ng taong mahal mo ng ganun, di ka matutuwa? Abnormal ka kung hindi. =_______=

"The Programme is written inside the card. The venue will take place at The Magnus, a large buffet restaurant ran by the ubiquitous CFF Enterprise (Cuisines and Fabrics and Fibres Enterprise)," Yui explained. Lumapit siya kay Lorence at humarap ulit sa'kin. "We'll be expecting you at 6pm on Monday."

Monday? Half day lang kami nun kasi may seminar na pupuntahan ang faculty members. Saya, 'no? ^____^

"Dun ka muna mag-stay sa guest room.Pahihiramin na lang kita ng damit, tutal mukha namang magka-size lang tayo eh."

"Um... ano... Wag na lang. I'll buy my own clothes. Nakakahiya na sa inyo." Nakakahiya naman kasi talaga. Actress siya eh. Singer-model pa. Wala akong panlaban dun. =___=

"Okay lang yan! Halika!" Hinila ako ni Yui paakyat. O____________O

Ang bilis niyang amglakad kahit na 6 inches ang takong niya! Well, tancha ko lang naman yun. Malay mo, 5 inches pala. 3 1/2 nga lang kaya ko eh. XD

Pagpasok namin sa kwarto niya sa taas, nasilaw ako. MOMMY! Her room is painted pink! Ang kama, cabinet, cushions, at blanket niya ay pink! Ang kurtina ng bintana niya ay pink! And I hate pink! >_________<

Lord, please, sana hindi pink ang ipahiram niyang damit sa'kin. T3T

"Wag mo ngang takpan yang mata mo," sabi ni Yui habang inaalis niya ang kamay ko sa mga mata ko. Nang maalis na niya, ihinarang ko naman ang card na binigay niya sa'kin. "You hate pink?"

"Yeah," matipid kong sagot.

"Okay. Hindi naman pink ang ipapahiram ko sa'yo eh, don't worry."

Falling For A Heartless PrincessWhere stories live. Discover now