Ishin Percival
"Juan, mahal mo ba 'ko?"
"Oo. Mahal na mahal kita."
"Gano mo 'ko kamahal?"
"Maha~l na ma~hal."
"*sinampal*"
"M-Magdalena, b-bakit?"
"Sabi ko, gano mo ko kamahal...?"
"Sinagot ko naman ng maayos ah!"
"Eh mali yung sagot mo! Juan, measurement ang tanong. Totoo bang anak ka ng mayaman? Wala kang kwentang boyfriend!"
Ano ba 'tong palabas na'to. Patawa o pa-korni? =_____=
Makaluma yung mga pangalan. Sabagay, black and white naman na kasi tsaka pelikula 'to. Bakit ba gan'to yung pinapalabas ng network na 'to?
Kinuha ko ang remote. Patayin ko na nga.
"Breaking news! Panandalian naming pinuputol...."
Teka nga....
"...inyong panunuod....."
Tagal magsalita ng newscaster. Why don't he just get to the point?
May picture na nakalagay dun sa may background ng newscaster na babae. Paki ko sa pangalan niya? Basta, kahawig nung picture yung resort namin sa Batangas: Sky Fly Resort.
"Isang resort sa Batangas ang nasunog sa di malamang dahilan. Narito si Katherine Cathy, live. Katherine...?"
["Maraming salamat, Mika. Narito ako sa Batangas City upang ihatid sa inyo ang isa sa mga nagbabagang balita...."]
May isang lalaking inilabas ng mga medic. Naka-stretcher siya. Cam....?
["Ito nga: isang lalaki ang inilabas muna sa nasusunog na dalawang-palapag na gusali. *lumapit sa isang medic* Sir, alam niyo na po ba ang pangalan ng biktima?"]
["Uh... Ayon sa uh... wallet niya, ang pangalan niya at Cambriel Grigori. Ang pagkakaalam ko, eh, siya ang OIC ng SPG Corporation..."]
What the hell...? Nasunog ang resort at napahamak si Cam?
["Nailigtas na rin ang kapatid ng may-ari ng resort na si Clarissa Lyrae Percival habang ang nagligtas naman sa kanya na si Ethan James Waber na anak ng may-ari ng CFF Enterprise na napilayan naman matapos tumalon mula sa ikalawang palapag upang sagipin ang naturang babae. Sabi ng guro ng mga bata ay dito sila nag-Field Trip at sa di malamang dahilan ay nasunog ang resort........
...
... Napag-alaman na po na ang dahilan ng pagkasunog ng resort ay isang sumabog na LPG sa kusina malapit sa gusaling tinutulugan ng mga estudyante. Naapela ang sunog sa loob ng dalawang oras. At yan ang latest sa........."]
Nag-impake ako. Malala na 'to. Hindi dapat magkasama si James at Clarissa.
****
Clarissa Lyrae Percival
Kasalanan ko 'to! Dapat hindi na lang ako pumayag na tumalon siya dun!
Ang buong klase ng IV-A ay nasa ospital. Nakasilip ako sa emergency room, bawal pumasok dun eh.
Nagkumpol-kumpol ang press sa labas ng ospital. Mabuti at di sila pinapasok ng guards.
I sighed. Kasalanan ko 'to lahat! Di mapipilayan si James at di mae-expose si Cam sa usok kung.... Kung ano?
Wala akong maisip. Basta lahat 'to kasalanan ko.
PAK!
"Napakawalang-kwenta mong fiancé, Clarissa! Hinayaan mong magkaganun si Kuya!" naiiyak na sumbat ni Yui. Oo. Sinampal niya ako.
Sinampal ko din siya. "Bakit, ginusto ko ba yun? Ako ba may hawak ng mangyayari? Mahal ko ang kapatid mo, Yui. Hindi ko gugustuhing magkaganun siya. Hindi ko gugustuhing magkaganun sila."
Natahimik siya bigla. Pero muling naka-isip ng pambasag sa'kin. "Alam mo, kung di ka sana mahal ng kapatid ko, di sana siya nagkaganito." Tapos umalis na siya.
Ba't di na lang kaya niya derechuhin na sana namatay na lang ako?
Lumabas na yung doktor. Paglabas niya, nilipat ng roon si Cam at naka-oxygen mask na siya. Sumunod sina Yui, Sasha, at Lorence. Siyempre, naiwan na ako. Baka kung ano pang magawa ko dun sa kontrabidang kapatid ni Cam. =____=
"Sino po ang kamag-anak ni...." Tumingin yung doktor sa papel na hawak niya. "...Cambriel Grigori..?"
Lumapit ako. "Ako po ang fiancé niya," sagot ko.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Hmm... Kung ganun, nasan ang kamag-anak niya?"
"Sinundan siya. Si Yui Larken Grigori ang kapatid niya," sabi ni Ma'am Heather.
"Siya ang kailangan kong maka-usap."
Leche. Ang sungit naman ng doktor na'to. Sabunutan ko 'to eh! "Doc, ako na yung nandito at nandito rin yung adviser namin. Bakit di mo na lang sabihin?"
"Sino ka ba, Miss?"
O________________O
Aba! Talagang may galit 'tong doktor na'to sa'kin ah! "Fiancé nga ako ng naaksidente, bingi ka ba?! Kapatid ako ng may-ari slash CEO ng SFCAF & SFCAF Corporation. Ako si Clarissa Lyrae Percival." Huminto na'ko at nag-cross arms. "May itatanong ka pa?"
Minsan, kailangang gamitin mo ang pangalan mo sa lipunan. Minsan, nakakainsulto ding gawin yun. Kaya minsan lang. ^____^v
Napa-blink siya. Halatang nagulat sa sinabi ko. Sino bang hindi magugulat kung ganunin ka ng isang high school student at mukha ka nang matanda? Siyempre alam ko na ang iniisip ne'to. Bastos akong bata. -3- Mag-cross arms ba naman eh.
"Ang------"
"Anong nagyayari dito?" tanong ng isang lalaking mukhang surgeon. "Doctor Perez?"
"W-wala..." sagot nung masungit na doktor.
"Anong wala?! Ayaw nga sabihin sa'min kung anong nangyari sa fiancé ko!" sagot ko. Nakakaasar na kasi eh.
"Ikaw ba yung fiancé ng pasyenteng dinala sa ICU? Yung Cambriel Grigori?" tanong nung lalaki. Tumango ako. "Kailangan niyang operahan, Miss....?"
"Percival."
"Miss Percival." Napabuntong-hininga siya at pinaalis si Doctor Perez. Humarap ulit siya sa'kin. "Nasira ang kalahating parte ng mukha niya dahil sa sunog. Pero pwede siyang magpa-plastic surgery pagkagaling niya--maybe after two to three weeks."
"What's his condition...?" tanong ko. Actually, ayokong malaman dahil mukhang malala na...
"50-50."
***************************
Sorry maikli lang. ^______^v

YOU ARE READING
Falling For A Heartless Princess
Teen Fiction[Slow updates] Maganda. Mayaman. Matalino. Sexy. Yan ang hinahanap ng karamihan ng mga lalaki sa mga babae ngayon. Perfect girl, kumbaga. Pero meet Ethan James Waber, isang ideal guy. Ideal dahil mabait at matulungin siya. Di siya yung typical dream...