Chapter 3: Deep Emotions

322 15 5
                                    

Ang maganda kong braso~! T3T

Nandito ako sa isang lugar kung saan lahat ng bagay ay mala-anghel. Nasa langit na ba ako? Eh nararamdaman ko pa yung sakit ng braso ko. Dahan-dahan, iniangat ko yung braso ko para tingnan yung sugat. Nandun pa rin siya--pati yung tinidor. =.=

Isang lalaking nakaputi ang lumapit sa'kin at nagpakilalang si Pedro. Oo. Siya nga si San Pedro! Nasa langit na ako~! ^___^+++

Wala na 'kong po-problamahin! ^_______^ Pwera lang 'tong tinidor. =__=

Dinadala pala pati tinidor sa langit? =.=

"Kamusta na siya, Doc?"

Cambriel? Doc? You mean nasa hospital ako? NOOO~! >.<

"Maayos naman siya. Kailangan na lang turukan ng anaesthesia ang kanang braso niya para matanggal na'in yung tinidor." Tiningnan ni Doctor Pedro ang braso ko. "Malalim ang pagkakabaon ng tinidor sa braso niya. Nang i-X-ray na'tin siya, halos dumikit ang tinidor sa buto niya. Baka pag hinila na'tin ng mabilisan, may magalaw na nerves." Umalis na siya pagkatapos niya magsalita. Epic. =__=

Gaaahd. Doctor Pedro talaga? HAHAHAHA! XD

Napa-tsk si Cambriel. Nakita niya akong nakatingin sa kanya at ngumiti siya. "Hey, Sleeping Beauty. So, who finally kissed you awake?"

"I woke up on my own," I answered sarcastically. "What am I doing here?"

"Dinala kita dito because you lost a lot of blood. Why is James with you? Are you cheating on me?"

"Possessive," sambit ko. Tiningnan ko yung tinidor. Halos dumikit sa buto ko? Sobra naman ang galit ng kambal ni Cambriel sa'kin. T___T

"You think you can bear the pain when the doctor pulls the fork out of your arm?" tanong ni Cam. Tumango na lang ako.

Hindi ko alam kung anong kasalanan ko kay Yui. If she thinks na inagaw ko yung kapatid niya sa kanya, edi ibabalik ko! In the first place, hindi naman ako yung lumapit sa kapatid niya. Si Cam ang lumapit sa'kin. Grabe siya magalit. Napaka-simpleng problema, pinapalaki niya. Hindi ako papayag na masaktan niya ako tas siya carefree lang. Kapal ah?

****

Hinatid ako ni Cam sa bahay, hindi sa condo ko. Pagpasok namin ng pinto, nakita ako ni Kuya Sheen with a surprised look on his face. Sinong kapatid ang di maso-sorpresa kung ang kapatid niya ay umuwing may benda sa kanang kamay? =_____=

Napatayo si Kuya Ishin sa upuan niya at tumakbo papunta sa'kin. Sa tapat kasi ng front door ay yung dining area/kitchen. Sa left side ay yung leche naming hagdanan at sa right side yung living room. Sa pagitan ng front door at dining area ay blank. Walang laman eh, tiles lang. xD

"What the hell...?" sambit ni Kuya Sheen. "What happened, Rayne?"

Bago pa'ko makapagsalita ay si Cam na ang sumagot. "I'll take responsibility to what happened to Clarissa, Ishin," sabi niya. "It was my fault I wasn't thereearlier to protect her from my own sister."

"Zoe was also there," dagdag ko. "Galit na galit siya sa'kin, Kuya. Ang dahilan? Yung aso niya at yung condominium."

"At ano namang ginawa mo? Imposibleng wala," sabi ni Kuya.

"Ipinunas ko yung chocolate cake sa damit niya. And I spat on that Sasha's face," sabi ko. Hindi ako nakatingin kay Kuya.

Tuloy-tuloy naman ang pagi-eavesdrop ng mga maids namin na kunwaring nagpupunas ng TV set, nagwawalis, naghuhugas ng plato; you know the drill. =)

"Stay here, Cambriel," Ishin commanded. Pina-akyat na ako ni Kuya sa taas para makapagpahinga. Mag-uusap si Kuya at Cambriel. I don't know what and I'm too tired to care.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dahan-dahang humiga matapos kong isara ang pinto. Pinlay ko ang 'Hear Our Prayer' instrumental ng Tsubasa Chronicles animé sa phone ko habang china-charge ko. May naaalala kasi ako kay Syaoran dun. Si James.

Mabait si James. Sobra. At sa sobrang bait niya eh maiinis ka. Bago yung quarterly exam ay may kaklase akong naglasing dahil di daw siya mahal ni James. Eh friends sila. Sabi daw ni James, gan'to: "Ba't ka ba naglasing? Diba sabi ko wag?" Ganyang-ganyan. Sinabi niya yan sa pinaka-malumanay na tono. Minsan, ang mga babae, gusto nilang magalit sa kanila ang taong mahal nila. Dun nila nararamdaman ang importance nila sa guy, lalo na pag sobrang bait nung guy. Nakakainis kasi na, diba, naglasing ka tas ang purpose mo is magalit yung guy sa'yo, tas yung outcome eh mas gugustuhin mo pang maglasing kaysa makinig ng isang kalmadong sermon. =___= Epic.

Nilipat ko ang instrumental sa kantang Ring Your Song by Kajiura Yuki.

/Now we've come so far from darkness,

and we'll never be apart.../

(Multimedia on the side. Paki-play para maganda ambiance. xD)

Two images flashed in my mind. Cam and James. Is it possible that I've fallen in love with James in a very short time? Ang korni, diba? Ang plano ko nga ay mainlove kay Cam. But the real question is, is it possible that I've fallen in love with two guys? Napakalayo nila. Gwapo si Cam. Siya yung dream guy ng halos lahat ng babae. Si James is just a simple guy. Alam niyo na ibig kong sabihin dun. Isang over-protective bastard and the other one is a calm-to-the-point-that-it's-so-irritating kind of jerk? What a mess. =___=

So this is the kind of mess I'm talking about.

****

Maikling update. xD Si Lorence Natividad yung nasa piktyur. ^_^

Falling For A Heartless PrincessWhere stories live. Discover now