Author's POV: Hello Readers!! kung meron man! First time ko gumawa ng Story dito sa wattpad. Sana magustuhan ninyo.... :)
Characters and their descriptions:
Kaye Dennese (K): 18 yrs. old Taekwondo master, loves adventure, theatre member. sweet and has a strong personality. Loving daughter.
Danielle Kate (D): 18 yrs old. Swimmer, Taekwondo master, Twin sister of D. Dancer, athletic. Sweet, loves to hang out with her sister. Sharpshooter.Loving daughter. & Secret agent.
Arthur Jade Duchess: Bestfriend ni D&K. Closet queen ( yup Bading sa loob ) with 6 packs abs. has a Lean body. Moreno... motor Racer. Nagpakalalake sa harap ng mga magulang pero bading sa harap ng kaibigan (D&K ONLY)
Brandon Vash Espinosa: Arogant, mahilig mag bar. Ultimte playboy palibhasa mala adonis ang mukha at katawan!.
[The stated descriptions are primary ONLY.]
Chapter 101: First Encounter
"Bilisan mo Art baka magsara na ang mall" Tiningnan ko ang cellphone ko. Nasa mall kami ngayun ng magaling kong kaibigan. Nagpasama akong bumili ng damit para sa bago kong mission.
"Sandalai lang naman D! Makahatak ka parang paper bag lang ako ah. Ang laks lakas mo pa!" Nakit kong namumula na ang palapulsuhan niya sa paghihila ko sa kanya."Sorry Babe, kailangan ko na talagang bumili ng mga gamit" Huminto kami saglit at umopo sa bench malapit sa department store. "Ano ba kasi ang bibilhin mo? Ang dami mo nang damit ah. Ang yaman mo n para may kulang pa sayo." Nilingon ko siya at nginitian ng matamis. Pag ganito na ang expression ko, alam ko-sigurado ako na hindi na siya papalag ha-ha-ha- "Sige na babe.... Ayan na ang store oh.. Please? " Pinapungay ko pa ang mata ko para mas effective. At nkita ko kung paano magbago ang expression niya! " Sige na nga. tara! baka wla ka nang mabutan" Kitams??? heheheh ko yata ang pinakamagaling na Agent ng Tito ko..Oooopss hindi pa pala ako nagkapagpakilala.
I'm Danielle Kate Legazpi, 18 years old. May kakambal ako si K Sobrang magkamukha kaming dlawa. Identical twins kami. Kapag kami ang magkasama hindi mo kami ma di- distinguish. Same ang hieght, Length ng hair, at complexion namin. We have the same eye color too... Pero kahit ganun, alam naman natin na walang magkakapareha sa mundo lalo na sa tao, maybe may mga magkakamukha pero may mga bagay parin na magkakaibi ang mga ito. Just like us. Ako, may nunal sa gilid ng bibig na hindin mapapansin kapag nag pupolbo ako samantalang si K ay wala. Si K may balat sa batok na hugis bwan samantalang sa akin ang hugis puso.. yan ang ilan sa mga pinagkaiba ko sa aking twin sister pero kahit ganun paman, I still and always love her. Kami lang ang anak ng mga magulang namin, hindi na kami nasundan pa. Pero ang mga pinsan namin ay puro- No _ I mean lahat ng pinsan namin ay lalake! Yup lalake! Both sides yun ah.. oh di ba ang galng? Well, medyo nalalayo na tayo sa storya kaya bumalik na tayo ha? :)
Nakabili na ako ng gagamitin ko sa aking mission. Papunta na kami ng parking nang may narinig kaming parang nag aaway sa madilim na parte ng parking lot. Agad kong hinila si Art at pinuntahan namin ang lugar kung saan sigurado akong nanggagaling ang ingay. "Sandali lang D! ang bigat neto ng mga pinamili mo ano ba to? bato?" Nagreklamo pa talaga! ang laki laki ng muscles, may abs pa tapos 3 paper bags lang nabigatan? Dalaga ka teh? Inirapan ko na lang siya. "wag kana magreklamo okay? ililibre kita sa starbucks mamaya" At ayun! ngumiti ang bruha!.
Nang makita ko ang grupo ng mga batang hamog na pinagtutulungan ang isang lalake ay agad na nakaramdam ako ng hero mode effect sa aking katawan. Yes, alam kong nakakatawa pero alam mo yung feeling na may nagangailangan ng tulong mo at alam mong kaya mo din siyang tulungan pero nag aalangan ka baka mas lalao lang siyang mapapahamak. Ah basta tutulungan ko siya. Nagmasid ako sa paligid. Inaalam ko kung may buck up ang mga batang hamog. nang tinawag ako si Art. "Pssst! D! ano kaba ang dami nila mapapasubo ka" Madami? eh lima lang naman sila at isa pa kawawa yung lalake parang takot na takot! Tara tulungan natin!" Lumakad na ako palapit ng hatakin ako si Art. "Ano sapalagay mo ang gagawin mo? maki-join? sa ayus mo na yan?" Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa."Naka Short Shorts, may dangling earings, nakalabas ang pusod at oh my! naka heels kapa! are you out of your mind? baka ma rape ka!" HHahahahhahahahaha Tumawa talaga ako ng malakas at dahilan upang magsilingunan ang mga batang hamog at tumigil saglit sa pam bu-bully sa kawawang lalake. "Ano ka ba Art, hindi mo ba alam ang kapasidad ko? iisa isahin ko na nman ba? I'm a taekwondo master, a sharpshooter, Magaling sa labanan lalo na sa bugbugan tapos kung makapag alala ka kala mo hindi ko kaya?" Natigilan siya at sabay ngiti.. yung ngiting aso.. "Oo nga pala.. pacenxia" nag peace sign pa! "Oh dalhin mo muna yang mga paper bags sa tabi at tutulungan mo akong makipag ramble dun. Kailangan ko ngayun si Arthur na lalake ang isip. Okay? Gamitin mo ang natutunan mo sa akin." Tumango siya at sinunod ang utos ko. Sabay na kaming pumunta sa pwesto ng mga nam bubully.