It’s been a week since I said yes to Brandon at isang linggo na din siya nanliligaw sa akin. Kaya nga lang ay hindi pa alam nina mommy at daddy ang “Panliligaw” niya sa akin. Tanging si K,Glenn at Arthur pa lang ang nakakaalam. Hindi ko muna pinaalam kay Mommy at Daddy kasi hindi pa ako handa. Hindi pa ako sigurado sa nararamdam ko towards Brandon.
Nasa ganon akong pag iisip nang makita ko si K papunta sa akin at umupo sa tabi ko.
“D, I think it’s time to tell our parents about You and Brandon.”
Nilingon ko siya saka ngumiti bilang pagbati. “You think so?” Tumango ito at sumandal sa balikat ko.
“Alam mo D, hindi naman sila magagalit eh. Matutuwa sila para sayo diba yun naman ang palaging expression nila kapag may napagdesisyunan tayo diba? Huwag mo na sanang patagalin pa baka magtampo si Mommy. Isang lingo na din nanliligaw sayo si Brandon.”
Tumingin ako sa kanya saka bumuntong hininga. “Alright. I’ll tell them later.” Nakakaunawang tumango naman ito. Minsan talaga ang kakambal niyang ito ang mas matured kung magi sip at mag analyze ng mga nangyayari sa paligid naming. Siya ang nagbibigay ng payo sa akin instead of me dahil ako ang mas matanda ng isang minute sa kanya.
“Ma’am D, Ma’am K, pinapatawag nap o kayo nina ma’am at Sir. Kakain na daw po” tawag sa amin ni yaya melly. Siya ang yaya naming ni K simula pagkabata naming kaya mahal naming siya kahit papano.
“Okay pupunta na kami sa dinning” sabi ko naman at saka tumayo na. inilahad ko ang kamay ko kay K at sabay na kaming pumasok ng bahay.
Kasalukuyang nag de-dessert na kami nang magsimulang mag tanong si mommy about sa weekend naming ni K. Nakagawian na niya na magtanong para makibalita na rin. Hindi kasi biro ang trabaho nina mommy at Daddy. Si Daniella Legazpi-Ayala ay CEO ng Legazpi group of companies companya ng mga food supplements na ipinamana pa ng great grandfather ko sa kanya samantalang ang aking Daddy na si Ismale Ayala naman ay nagsisimula pa lang ng pangalan sa business society at ang Ayala Malls and subdivision ang siyang pangunahing pinagkakaabalahan niya ngayon.
“How’s your weekend Twins?” Tanong ni mommy .
“So far ay Okay naman ‘My. D&K Bar is doing great! Nalagpasan naming ang forecast thi month and all of that is D’s effort.” Pagkkwento ni K.
Hindi ko nga din alam bakit bigla akong ginanahan mag trabaho this past few days. Siguro may malaking naiambag si Brandon.Because of him, I’ll be able to study the marketing sales for the previous month at natutunan ko din kung paano ang tamang computations on how to forecast the sales based on the demands and the supply D&K Bar have.
“How about you D?” tanong naman sa akin ni Daddy. Ito na siguro ang cue ko para mag open up sa kanila. Huminga ako ng malalim at saka tumingin s amga mata nila.
“Mom, Dad…. I have something to tell you” Medyo nanginginig pa ang boses ko nang magsalita ako. “paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi nanginginig ang boses ko? Bahala na!
“What is it Baby?” –Si mommy.
“Say it Doll, We’ll listen” –Pag-uudyok naman sa akin ni Daddy.
Pagtingin ko kay K ay tumango siya,
“Someone’s courting me…. Actually, one week na siyang nanliligaw sa akin”
^_^ Si Mommy.
@_@ Si K.
Si Daddy, walang reaksyon. Parang pina-process niya pa ang mga sinabi ko. Alam ko kapag ganon ang reaction ni Daddy, ay nag-iisip na siyang mga sasabihin. Napalunok. Baka magalit siya.