Chapter 6: Can I court you D?

5 1 0
                                    

It’s been a month since I go out on a Date. Nakakaboring din palang ma stuck sa bahay at mapapalibutan ng mga gwapong boys. Na mimiss ko na si K. Nasa Hong Kong siya ngayon kasama si Arthur at ang bakla tuwang tuwa! Syempre makapag ladlad siya dun ng bonggang-bongga!. Salamantalang ako nandito lang sa bahay naghihintay ng assignment galling kay uncle. Balak ko sanang mag aral ulit kahit short course lang pero ayaw nina mommy, marami na daw akong na achieve.

*Poke.Poke*

Lumingon ako at nakita ko si Glenn na sinusundot ako sa tagiliran.

”Wala akong kiliti diyan Glenn”

“I know. I just want to catch your attention”

“Why?”

“Alam kong na bo-bore kana dito sa inyo kaya yayayain sana kitang mag bar mamaya.Yun ay kung gusto mo”

Napaangat ako sa inuupuan ko. Himala yatang nagyaya ang isang ito? Alam kong siya ang number one kuripot sa mga pinsan ko. Tumaas kilay ko “Really? Ikaw magyayaya?”

Napakamot siya sa kanyang ulo.”Basta ililibre mo ako?”

“Sinasabi ko na nga ba!” Tumawa ako saka tumayo. “Sige, magbibihis lang ako.”

“Ah siya nga pala K, isasama ko ang mga kaibigan ko.”

“I’m D. Glenn. Si K ang umalis ng bansa”.

“Owwss? Di nga?”

“Gusto mo sample?” Iniangat ko ang buhok ko ang tumalikod ako sa kanya. Pinakita ko ang balat ko sa batok.

“Sorry my bad.” Hug na lang ang ibabayad ko pwede?”

“Hmmmmnn,…. How about be my date?”

“Sure! Sigurado akong malalaglag ang mga panga ng mga barkada ko pagnakita ka nila. At maiinggit na naman Silas a akin. Ayos!”

“So, I d-display mo lang pala ako? ‘Wag na lang kaya ako sasama?”

“Hindi naman sa ganun D.” Lumapit siya sa akin sabay yakap at halik sa pisngi. Bakit pa kaya ako naghahanap ng boyfriend eh sa mga pinsan ko pa lang solve na ako?. Hindi naman sa Gusto ko na ang mga pinsan ko ha. What I mean is, bakit pa ako mag hahanap ng taong pwedeng manakit sa akin kung meron naman akong mga pinsang handa gawin ang lahat para mapasaya lang kami ni K. At alam namin na hinding-hindi nila kami sasaktan.

“I just want them to…. You know the boy thing?”

“Fine Glenn. Aakyat na ako”

Umakyat na ako sa kwarto ang naligo. Ano kaya ang isusuot ko?.Pumasok ako sa dresser at pinili ko ang blue cocktail dress na may gold linning sa bandang neckline at bewang. Sinukat ko at humarap ako sa salamin. Bagay!! Kumiha ako ng four inch heels with diamond beeds at bumaba na ako ng sala at naabutan kong naglalaro si Glenn sa Xbox.

“I’m ready!!” Tumingin siya sa akin at napa nganga.

“Oh, ang bunganga baka mapasukan ng langaw.”

“Wow!!! You’re such a goddess D. You and K are the perfect lady every guy wants. Sexy, Matalino, Adventurous, Brave…and a beauty to die for!”

Exagerrate naman masyado ang isang ito. Palibhasa ililibre. “I know Glenn. Ikaw din naman, Gwapo, Matalino, Matipuno kaya lang…..” Sinadya ko talagang ibitin ang huling adjective na para sa kanya…

“Kaya lang.. ano D??”

“Kaya lang Kuripot!!!” hahahhahahahahhaahah

Umasim bigla ang expression niya. “Hindi ako kuripot! May pinag iipunan lang ako. Itanong mo pa kay K. Alam niya kung ano yun.”

How do I love "D" (FirstNovel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon