"Nakakainis talaga ang Brandon na yun! naku kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko kagabi nakatikim na sa yun!"
"What exactly happened last night D?" Tanong sa akin ni K. Nandito kami ngayon sa kwarto ko, ginising niya ako ng maaga para lang magpa kwento tungkol sa nangyari kagabi.
"He is a certified prude!! A Liar! a chauvinist pig! aaarrrrgghhh!! " himutok ko nang maalala ko na naman ang nangyari kagabi. "Pinahiya niya ako sa lahat!"
Tumawa lang ang kakambal ko nangmarinig niya ang mga negative names na tawag ko kay brandon."First time mo yata mawalan ng control sa pangyayari D?. Tell me... are you attracted to him?"
Namilog ang mga mata ko. Am I?No!!! "No. Definitely no!" hindi pwede!
"Then why are you acting like a school girl? Bakit nagkakaganyan ka? You're inlove D. I can sense it. We're connected eversince right? I can feel what you feel. but it doesn't mean I'm inlove with him too."
Bumuntong hininga ako at dumungaw sa bintana."I don't understand K. Kapag nakikita ko siya, my heart beats eratically. I know it's not normal, I've got easily loose my temper when it comes to him? Madali ako mapikon at magalit.?" Nalilito ako. ano ba tong nararamdaman ko. Is it really possible that I'm inlove with him?...
"D, what you feel is new to you. hindi mo lang siguro matanggap sa sarili mo na finally you felt romantically challange in our opposite sex. Maybe it's time to accpet what just happened. Let's see if Brandon is the one for you."
Napalingon ako sa sinabi ni K. Hindi ko yata ma imagine ang sarili ko na lumalabas kasama siya, na nagtatawanan kami, na sweet kami sa isa't isa. Shuckz!! Naalala ko na naman ang nangyari kagabi sa Party.....
*Flash Back*
Sinundo ako ni Brandon ng eksatong 6pm. Punctual din pala ang lalakeng ito kahit papano.
"You look......beautiful" Parang na engkanto yata ang isang to. Panay ang laki ng mata at buka ng bibig na parang may sasabihin pero wala namang lumalabas na boses.
"Hoy! isarado mo nga ang bibig mo diyan baka pasukan ng lamok." Sabi ko.. Naiilang na kasi ako sa paraan ng pag titig niya sa akin. Parang binabalatan na niya ako ng buhay.
"Sorry. I can't help but to stare.. you're perfect. everything to you is perfect.. from your nails up to your hair. wala akong maipintas" Hala ka? parang adik lang eh. Naka drugs ba to? pero parang imposible yata sa hitsura niya parang hindi naman siya naka drugs.
"Pwede ba umalis na tayo? kanina pa tayo nakatayo dito" Putol ko sa pag eexamine sa kabuuan ko. Namumula na ako sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Nakakailang.
Huminga ito ng malalim bago naging seryuso ang anyo."Danielle, can we try to be nice to each other? just give a try malay mo magkakasundo pala tayo."
"Yeah maybe we should. So,... Truce?" Nilahad ko ang aking kamay at nakipag hand shake.
"Truce" Pumunta na kami venue ng party pero bago nun may sinabi siya sa akin na nagpa putla sa maputi ko nang mukha.
"Ahhhmmmm Danielle, may ipapaalam sana ako sayo." Sabi nito at nagbuntong hininga.
"What is it?"kunot noong tanong ko.
"Alam kong ngayun lang tayo nagkakasundo pero kailangan ko lang talaga ng tulong mo."Lumunok ito.
"And?"
"Sinabi ko kay papa na dadalhin ko mamayang gabi ang aking Fiancee"
Napasinghap ako ng malakas. What the-- May balak pa yata ang Brandon na ito na magpanggap ako? Eh ano naman ngayon? marunong ka naman umarte di ba? at isa pa para saan pa't naging spy agent ka. Sabi ng isang bahagi ng utak ko. Kung tutuusin hindi na bago sa akin ang mag panggap pero ang maging fiancee? ano ba ang alam ko dun eh wala pa nga akong naging boyfriend dati.
"Are you out of your mind? Ako gagawin mong fiancee sa harap ng papa mo at katrabaho mo? Gagawin mo akong tanga?" Singhal ko sa kanya na ikinagulat niya. Ako na rude pero alam mo yung feeling na medyo kinilig ka pero gusto mong hindi malaman ng taong kausap mo na kinikilig ka kaya dinadaan mo s asungit? Oh well yan ang nararamdaman ko ngayun.. hahahaha
"Naiintindihan ko. Kung ayaw mo, ihahatid na lang kita sa inyo. Ako na lang ang bahala magpaliwanag sa kanila kung bakit hindi ko dala ang Fiancee ko." Hinatak niya ako ng marahan papunta sa parking lot ng company nila kung saan gaganapin ang party.
"Hindi naman ako nagsabi na ayaw ko diba?" On the last minute bigalang nagbago ang isip ko. Hindi naman masama kung sakyan ko ang trip niya di ba? afterall matagal tagal na din akong hindi binibigyan ng mission ni Uncle. At isa pa chance ko nang makilala ng mabuti si Brandon.
"Really? pumapayag ka?"
"Yup. but in one conditon."
"what is it?"
"Stay beside me. Dapat nasa tabi lang kita sa buong party, huwag mo akong iiwan. Mahirap na baka may makahalata na nagpapanggap lang ako."
"You bet I will. Hindi ako makakapayag na may kumakausap sayo na iba na hindi ko naririnig ang pinag uusapan ninyo. At mas lalaong hindi ko hahayaang may umagaw ng atensyon ng fiancee ko." Sabi niya sabay kindat sa akin. At pumasok na kami sa loob.
*End of flash back*
"Yun lang ang nangyari?" Tanong sa akin ni K matapos kong isalaysay sa kanya ang nangyari s aparty. Hindi ko na sinama ang pangyayari during the party. Ma bo- bore lang siya. Wala namang importanteng nangyari.Hindi ko na din sinabi na hinalikan ako ni Brandon after niya ako ihatid pauwi mas lalo lang siyang ma e-excite.
"oo."
Tinitigan niya ako ng mabuti. S***! hindi pala ako makapag sinungaling sa kanya. Kakambal ko siya kaya kilala niya ako. Pinamulahan ako ng mukha.
"No you're not. Come on D, sabihin mo na.." Tudyo pa nito at nilapitan niya ako saka kiniliti.
"hahahaha K tama na hahahhahah"
"Sabihin mo na D. Bilis. What is it?" Ang kulit talaga ni K.
"Okay! Okay!" tumigil siya at umupo sa tabi ko.
"We kissed" Namilog ang mga mata niya saka gumulong sa kama na parang masakit ang tyan. Kinikilig ba siya?
"Ayyyiiiiieeeee!! Ano ang feeling? masarap ba? matamis?"
"All of the above?" Sabi ko sabay gulong din. Hahaha nag asal bata na naman kaming dalawa.
"Finally, mag kaka boyfriend kana!"
"Hindi pa niya ako nililigawan remember?" Pero... may pag asa kaya na ligawan ako ni Brandon? Sana!!
"I'm pretty sure na liligawan ka niya. makikita mo." Sabi pa nito na parang alam na alam niya ang mangyayari.
Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa pinto.-Si mommy.
"D,K. it's time to go down stairs. Naghihintay na ang daddy niyo." Yaya sa amin ni mommy. While looking at her na realize ko na sa kanya pala kami nagmana ni K ng makinis na kutis. Kahit na 40 years old na sila ni Daddy ay hindi pa rin nabaabwasan ang kagandahan at kagwapuhan nila. and I'm proud of it.
"Sige 'my susunod na kami ni K." Tumayo na kami at bbumaba para sa hapunan"