Chapter 9

27.8K 679 21
                                    

"Ivan, 'di ba 8 months na tayong kasal, at a-ahm..." biglang napalunok si Nica nang tapunan siya ng mapanuring tingin ni Ivan. Wari'y hinihintay ang susunod na sabihin. "4 months na lang ang natira, ahm... p-pwede bang maging mabait ka sa a-akin." Nalukot ang mukha nito sa kanyang sinabi.

"I mean, pwede bang maging civil tayo sa isa't-isa." Mabilis niyang dugtong.

"Tungkol sa properties, hindi naman ako maghahabol. I mean ayoko na ang mansyon lang ang kunin mo, plano ko kasi talaga na ibalik iyon lahat sa'yo. Wala akong karapatan sa properties ng lolo niyo, I even confronted him about it but he didn't gave me a valid reason why he gave all of it to me. Ang sabi niya lang na ipinagkasundo daw tayo nila; 'yong lolo mo at lolo ko. I'm sorry..."

Lihim na humugot ng malalim na paghinga si Nica. Sa wakas ay nasabi na rin niya ang nais sabihin kay Ivan.

She rubbed her palm under the table again to lessen the nervous. She was waiting him to speak up, ayaw niyang tingnan ang kaharap. Baka mapaso lamang siya sa nagbabagang mga mata nito.

"Its up to you, but I still want to give you, your share..." ibinaba nito ang kubyertos sa plato. "You still have the right sa ibinigay ni lolo sa'yo, hindi ko rin iyon kailangan, what I need is only this mansion."

Inilibot ni Ivan ang paningin saka tumayo na. Mayamaya'y ibinalik nito ang mga mata sa kanya.

In her peripheral vision, nakita niyang ipinasok ni Ivan ang dalawang kamay sa bulsa.

"Fine, pagbibigyan kita sa hiling mo."

Dahan-dahanng umangat ang ulo niya upang salubungin ang titig nito. Ingat na ingat pa siya na tila papagalitan.

Sa huli, binigyan niya ng kiming si Ivan, kahit ang totoo'y parang sasabog na siya sa sakit. "Salamat, don't worry after 4 months hindi mo na ako makikita..." ayaw niyang umiyak kaya pinakalma muna niya ang sarili, "hindi na ako mangangambala pa sa inyo."

"Good. Then, it settled..." pormal ang mukha nito, "tell manang, na maglilibot ako sa buong hacienda, just incase na may tumawag sa akin." And with that, tuluyan na siyang iniwan ni Ivan.

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatulala sa harap ng mesa. Kung hindi pa tumukhim ang isang katulong ay hindi niya namalayan na may tao siyang kasama.

"Okay lang po kayo, mam?"

Ngumiti si Nica ng pilit sa babae.

"Oo, okay lang. Nasaan ang iba mong kasama? Kumain na kayo habang mainit pa itong ulam."

"Nakakahiya naman po mam, niluto niyo po iyan para kay sir."

Itinaas niya ang kanyang kamay sa ere, "okay lang, tapos na rin si Ivan kumain. Pakiligpit na lang nang pinagkainan niya."

"Eh mam, kayo ho, hindi niyo yata nagalaw ang pagkain niyo."

Tumayo si Nica mula sa pagkakaupo. "Busog pa ako, mamaya na lang ako kakain uli, sige ha? maiwan na kita."

TUMUNGO si Ivan sa kwadra kung saan naroon si Mackey, ang kanyang kabayo. Kapag nasa hacienda siya si Mackey ang kasa-kasama niya sa paglilibot.

Lumapit siya sa kabayo at maharahan na hinaplos ang ulo. The horse move his head acknowledging the presence of the owner.

"Sir, katatapos ko lang sanayin si Mackey. Pwede niyo na siyang gamitin." Ani ng tagapangalaga ni Mackey.

"Thanks. Kumusta? Hindi kaba pinapahirapan nitong si Mackey?" Muling hinaplos ni Ivan ang ulo ng kabayo.

"Naku, hindi naman ho sir, mabait itong si Mackey." Sabay haplos ng lalaki sa kabayo.

Lumingon si Ivan sa nagsalita at ngumiti,"good, how about the other one, sinong gumagamit niyan?"turo niya sa isang kabayo na nasa bandang dulo.

The Millionaire's First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon