Nasa tapat sila ng hospital na pag-aari ng pamilya Anderson. Ang tiyuhin ni Ivan ang namumuno sa naturang pagamutan.
"Gusto mong samahan na kita sa loob?" Ivan asked.
"No, thanks. Kaya ko na'to, mag-aapply lang ako. Hindi mo na ako kailangan samahan."
Ivan held her hands, dinala niya iyon sa labi upang gawaran ng halik. His almond eyes were full of unknown desires for his wife.
Hinaplos niya ang malambot at makinis na kamay nito. He stared the wedding ring on her finger, natigilan siya nang maalala na hindi pala niya isinuot ang wedding ring simula nang hubarin iyon pagkatapos ng kanilang kasal. Sa katunayan, basta na lamang niya iyon hinagis sa sulok ng silid.
Umangat ang ulo niya sa asawa, hindi man nito sabihin alam niya kung ano ang nasa isip nito. Gaya niya nakatingin din ito sa palasing-singan na may lungkot sa mga mata. Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib.
Tumikhim siya upang burahin ang bara sa lalamunan.
Pasimpling hinila ni Nica ang kamay mula sa kanya.
"Sige na, bababa na ako, mag-ingat ka daan."
Pinigilan niya ito sa akmang pagbukas ng pinto ng sasakyan at muling ipinaharap. Dumukwang siya para bigyan ito ng goodbye kiss.
"Take care, baby. I'll see you, later." Anya sa pagitan ng halik.
Sumagot ng tango si Nica. Bumitaw na ito at bumaba na nang tuluyan sa kotse.
Pagtapos mawala ng asawa sa paningin, ilang sandali pa ang hinintay niya bago binuhay ang sasakyan.
Hindi niya maiintindihan ang nararamdaman, naguguluhan siya sa sarili.
Palaging hinahanap-hanap ng kanyang paningin ang presensya ng asawa. Ang maamo nitong mukha at mga ngiti na nagpapawala sa pagod.
Nakarating siya ng kompanya bandang 11 am, dumiretso siya ng opisina upang umpisahan ang trabaho.
Naiiling siyang binuksan ang email na ipinadala kay Brent na hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring reply galing sa lalaki. Marahil ay abala ito sa kung ano mang bagay na pinagkaka-abalahan.
Hindi mawala-wala sa isipan niya ang nangyari noong gabi ng kaarawan sa condo. Nahihiwagaan siya sa babaeng nakasiping, bakit hindi nito hinintay ang pag-gising niya? Basta na lamang ito lumisan.
Ipinilig niya ang ulo at sinimulan na ang trabaho. He has a lot of work to do. Sa trabaho na lang muna niya ibubuhos ang gumugulo sa isip.
"IHA, narito ka na pala. Mag-a-apply ka na ba?" Tiyuhin ni Ivan, na isang doctor at ang namamahala sa hospital.
Alanganing ngumiti si Nica dahil nahihiya siya.
"Ah... eh, oho sana."
"Sinabi ko naman sayo na hindi mo na kailangan pang mag-apply baka nakalimutan mo asawa ka nang pamangkin ko."
Napakamot si Veronica sa ulo."Nakakahiya naman po kasi sa inyo."
"Ikaw talagang bata ka, tara sa opisina ko doon tayo mag-usap. At bukas din kung gusto mo pwede ka ng magsimula dito."
Ngumiti si Veronica at sumunod na sa paglakad.
Tumagal ng ilang oras si Veronica sa hospital dahil nawili sila ng matandang doctor sa kwentuhan. Naka off duty kasi ang doctor pero pumasok pa rin ito ng opisina dahil tumawag daw si Ivan na darating siya sa hospital. Nahiya siya dahil naabala pa ito pero binaliwala naman iyon ng matanda.
PAGOD niyang ibinagsak ang katawan sa malambot na kama. She didn't bother to take off her shoes. Nakasayad sa sahig ang mga paa niya, pumikit siya upang damhin ang malakas na tibok ng puso. Hindi niya alam kung bakit sobrang pagod ng katawan niya at tila ba antok na antok siya ng mga sandaling iyon.
BINABASA MO ANG
The Millionaire's First Love
RomanceIvan Paul Anderson,a man of every woman's dream,a successful young millionaires at the age of 25. Single since the time of his existence because he's waiting the only girl na pinangakuan niya noon. But those promised was made 17 years ago to 3 year...