Excited na sumama si Nica sa Maynila. Kaya naman mas nauna siyang nagising kaysa kay Ivan. Ipinaghanda niya ito ng almusal pati na rin ang damit na isusuot.
"You're glowing." Puna ni Ivan. Idinikit ang ilong kay Nica. Kinintalan niya ito ng magaang halik sa noo.
"Hmn... you smell sweet. And what's that smile for?" Hinapit niya sa bewang ang nakangiting asawa.
"Excited lang ako pumunta ng opisina mo."
"Hmn..." hinimas ni Ivan ang bigote na tila inaalam kung mayrong tumutubo roon.
"I'm sure, gaganahan ako magtrabaho having with my beautiful wife inside my office."
Mahinang sinuntok ni Nica ang matigas na dibdib ng asawa.
"Bolero, tara na nga baka abutan pa tayo ng traffic."
Inayos muna niya ang kurbata ni Ivan na bahagyang tumabingi dahil sa kakalikot.
Ivan looked at Nica and smile in the thought, inayos niya ang ilang hibla ng buhok nito na nililipad ng hangin sa mukha. She looks so cute in her get up, hindi niya aakalain na ang babaeng kinamuhian noon ay magiging ganito ka importante sa kanya ngayon.
Siguro kung hindi involved ang kayamanan ng abuelo sa pagpapakasal nila ay hindi ganoon ang naging trato niya rito.
Noon pa sana nakita at nalaman niya ang totoong pagkatao ni Veronica.Wala sa sariling niyakap niya ang asawa.
"I'm sorry." bulong niya.
"For?" Nawe-weirduhang tanong nito.
"For hurting you before. Can you please forgive this jerk?"
Sumeryoso ang mukha ni Veronica at umatras nang kaunti, hanggang sa bumitaw ito sa kanyang yakap.
Napako ang mata nito sa kanyang palasing-singan, kumislap iyon nang makita ang suot niya. Only then he saw her smiling.
"You're forgiven."
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, sinunggaban niya ito nang makaputol hiningang halik. Hindi alintana na nasa grahe sila at maaaring may makakita.
"I-Ivan, ssstop! M-mali-late na tay-uhmn..." She whimpered while gasping between their kisses. Saka lamang niya ito binitawan. Parehong habol nila ang hininga.
"I'm fully changed, let's go." Anya at binigyan ng nakakalokong ngisi ang asawa bago pinagbuksan.
Nahuli niya ang pamumula nito.
DAHIL walang traffic sa daan maaga silang nakarating sa kompanya. Sinalubong sila ng isang gwardya upang kuhanin ang susi ng kotse at i-park iyon.
Magkapasok ng lobby, halos lahat ng empleyado sa palapag ay napako ang tingin sa kanila. Lalong-lalo na sa asawa.
Naramdaman niya ang pagkailang nito. He held her close and wrapped arms around her waist.
Inilibot niya ang mga mata sa paligid. "All of you, go back to your work. Stop staring my wife!" Matigas at may pagka-istriktong utos.
Napasinghap ang ibang empleyado sa narinig, ang iba naman ay bumati sa kanila. Palibhasa, walang may alam na kasal na siya, maliban sa mga malalapit na kaibigan.
Tumuloy sila ng asawa sa presidential lift upang umakyat sa itaas kung saan naroon ang opisina.
"Hindi mo naman sila kailangan sitahin."
"They deserved it, nakita mo ba kung paano ka nila tingnan mula ulo hanggang paa?"
Nica touched his hands that embraced her waist.
BINABASA MO ANG
The Millionaire's First Love
RomantikIvan Paul Anderson,a man of every woman's dream,a successful young millionaires at the age of 25. Single since the time of his existence because he's waiting the only girl na pinangakuan niya noon. But those promised was made 17 years ago to 3 year...