Chapter 3

14 0 0
                                    

(Kim's point of view)

Nagstart kami ni Cj sa ganyan.Text text pag may time. Pasyal pasyal pag pinapayagan, syempre kasama yung buong barkada. Nung una hindi ko pa masyadong pinapansin yung mga efforts nya hanggang sa talaga na siyang nagsimulang ihatid ako at minsan pa nga sunduin.

Isang araw, pagkalabas ko ng gate nandun na sya nakasandal s may pader. Ang cool nya ngang tignan eh.

"Uy," sabi nya

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ihahatid ka," sabi nya "Tara sabay na tayong pumunta ng school.

Okay lang sya kila mama. Sabi ko naman sa kanila kaibigan ko lang sya. Nakilala narin naman nila yung buong barkada at natutuwa daw sila at meron agad akong mga bagong friends mula sa school ko.

"Teka nga," sabi ko "Bakit mo ba ginagawa to?"

""Ang alin?" sagot nya

"Eto," sabi ko "Lagi ka nalang nandito sa bahay tuwing umaga at hinihintay ako. Tapos pag hapon kahit na may ginagawa pa kami sa arts club hinihinay mo parin ako."

"Hindi ba obvious?" tanong nya "Nanliligaw ako."

"Ha?" sabi ko "Baliw ka ba?" sabay batok sa ulo nya.

"Oo," sagot nya "Baliw ako sayo."

"Manahimik ka nga." sabi ko nalang saka ko binilisan ang pag-lalakad.

"Uy,teka lang naman," pahabol nya sabay hawak sa kamay ko. Pinilit kong tanggalin pero mas hinigpitan nya pa. Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero alam nyo yun may biglang ackward feeling na dumaan saamin. " Sana kim kahit nalaman mo nang may gusto ako sayo, walang magbago."

Napa tigil ako dun. Oo nga naman diba??? Kaya ngumiti ako sa kanya "Oo naman." Ngumiti rin sya at naglakad na kame papuntang school.

Maaga kaming nakarating konti palang yung nandun. Pagkalapit ko sa upuan ko.

"Ano toh?" may isang white teddy bear sa upuan ko at may letter pa.

binuksan ko yung envelope at eto yung nakasulat:

August 3, 2009

-Eto ang start ng panlilligaw ko sayo ^_^

 -Cj

Ano ba yan kinikilig ako. Ngumiti lang ako at tumingin sa direksyon nya. Thank you sabi ko. Tapos ngumiti lang sya. tapos Sbi nya i love you.

Umiwas nalang ako ng tingin. Baliw talaga yun... Hahahahahah...Pero inaamin ko sweet  sya. Yun nagsimula na ang Klase. First ang Mathematics, next ang Science tapos english tapos break.

"Ei," sabi ni cj "Hindi muna ako makakasbay may pinapagawa pa sakin yung adviser ko sa club namin eh."

"Ah ok lng bro," sagot naman ni justin.

"Kim," sabi ni Cj "Maya nalang."

Tumango lang ako. Nag-uusap usap kami noon sa may same place namin. Actually si Justin at mae lang tapos lumapit saakin si Chris.

"Anong meron sainyo ni Cj?" tanong nya. Echosero din pala tong lalaking to. "Kayo na ba?"

Uy first time ko lang nakausap si Chris ah, minsan kase tahimik lang sya or natutulog. Minsan binabasa nya lang yung mga letters na binibigay sakanya nung girls tapos binibigay nya saamin yung chocolates nya. Ewan ko ba, ang bait pala nya. Kase diba pag hearthrob ang isang tao tinatapon ya lang yung mga love letters nya. Pero iba si Chris binabasa nya ito at pagkatapos basahin nakikita kong pinapasok nya sa bag nya..saan nya kaya dinadala yung mga yun?

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon