Chapter 9

5 0 0
                                    

Hahahaha enough muna kila kim guys. I know naman na love nyo sina Mae and Justin diba??? Gusto nyo bang malaman yung love story nila??? I co-cover ko na yun dito...eto na ha....

Wait, wag nyo munang kakalimutang i follow ako and like my story, vote na rin para masaya ^_^ hahaha salamat ulit

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------(Mae's Point of View)

"Mae,"  sabi ni justin habang umuupo siya sa tabi ko "Kilala mo na si Andrea Christoff?"

"Bakit?" sabi ko. Mukhang  may gusto nanaman siya. Siguro nag break nanaman sila nung grilfriend nya na last week nya lang SINAGOT (caps lock yan. oo siya yung nililigawan. kakahiya naman diba??) "Kilala ko siya pero hindi kame ganun ka-close medyo mataray kase eh."

"Palakad naman ulit oh," sabi nya sabay nag-puppy face siya. Akala moo naman bagay sa kanya yung ganun.

"Ayoko nga," sabi ko "Inechos-echos ako nun nung isa noh.Ayoko na."

"Hindi naman siguro ganun si Andrea," sabi nya.

"Teka nga," sabi ko  "Akala ko ba sila yung nanliligaw sayo?"

"Ah eh," sabi nya sabay kamot sa ulo "Basta. Iba kase siya."

"Lagi mo namang sinasabi yan eh. Tapos pagkatapos ng 1 week "She's just the same" sabi ko sa kanya na medyo naiinis na.

"Ahhhh, cgeh na Mae," sabi nya. Medyo masakit na yung ulo ko. Kaya kinuha ko na yung bag ko para pumunta na nga room.

Mahal ko kase si Justin at sa totoo lang sobra akong nasasaktan ngayon...Palagi naman eh..Ano lang ba ako sa kanya? Taga lakad kung may type siyang babae.... Hahaha..Ang martir ko noh?? Pinipigil ko na actually yung luha ko habang naglalakad. Siya naman hinahabol lang ako at nagu-ngulit. Ewan ko ba, sinubukan ko namang sagutin yung isa sa suitors ko eh pero, si justin talaga yung gusto ko. Siya kase yung reason kung bakit pa ako nandito....

(Flash Back)

Noon, Victim ako ng bullying sa school nami. Walang pumapansin. Walang nakikipag-kaibigan. Total loner ako.

Hanggang sa isang-araw........................

Kinuha ko yung ipod ko sabay tumakbo na palabas ng bahay. Sakto lng pala nandito na yung school bus namin. Sinuot ko muna yung ipod bago pumasok.

"Aray," binabato nanaman ako ng mga classmates ko. Palagi naman eh. Sanay na ako, binabato nila ako pero yung mali-liit lang para hindi ganun kalaki yung sugat.

Umupo ako sa pinakalikod. As usual. Nung nakarating na kame ng school. Pagkababa ko, may bumangga saakin.

"Tignan mo nga yang dinadaanan mo wierdo." sabi nya sabay nagtawanan sila. Pinunasan pa nga nya yung balikat nya na para bang nakahawak ng germs. Mas mukha kaya siyang germs kaysa saaki. Kahiya siya ah.... :P

"Shut up," sabi ko. Pero alam ko namang hindi nila narinig yun eh.

Yun, so naglakad na ako papuntang classroom. Siyempre walang nakapansin saakin. Dumeretso na ako sa upuan ko sa likod pinapanood ko lang yung mga naglalandian kong mga kaklase.

*RING!!!!! RING!!!!

Announcer: Everyone plese go back to your respective classrooms and leave the school quadrangle. It's already 7:30 in the morning, the classs will already start.

Sakto namang pumasok na yung Adviser namin.

"Good Morning Class."

"Good Morning Ma'am."

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon