Chapter 6

9 0 0
                                    

(Kim's Point of View)

5:30 PM na sa relo ko. Nag-text ako kay CJ kung nasaan na siya. Sbi nya kase kanina sabay kaming uuwi pero wala siya. Halos 1 hour and thirty minutes na rin akong nag-hihintay sa kanya. Nagreply siya pero busy daw kaya uwi nalang daw ako mag-isa. Medyo malungkot pero okay lang naman. So yun, bago ako umuwi nagpunta muna ako sa library para humuram ng mga libro. Buti nalang hindi pa umaalis yung librarian ^_^

"Oh, Miss Montez," sabi nung librarian. Kilala nya na ako. Suki nya ako eh hahahaaha..... "Why are you still here in school?"

"Ah, Ma'am," sabi ko sabay smile para hindi siya magalit "I'll just borrow some books sana."

"Okay," sabi nya naman. God relief!!!!! "You're lucky that i didn't go home yet."

"Thank you ma'am," sabi ko nalang sabay punta sa shelf.

Ang tagal ko rin hinanap yung books na kailangan ko. Taltlong book yun. Medyo mabigat nga eh kase puro makakapal. Kailangan ko na kasing tapusin yung research ko sa Advance English eh.

"Are you done Miss Montez?" tanong nung librarian nung lumapit na ako sa kanya para ibigay yung mga library cards.

"Yes Ma'am," sabi ko naman habang nakangiti ulit.

"Okay then," sabi nya "Be safe in going home okay."

"Sure Ma'am," sabi ko rin "Kayo rin po.."

Ngumiti lang sya saakin.  Marami pa namang mga studyante sa oras na to. Malapit na rin kase yung Sports fest kaya maraming naiiwan dito sa schoo; after class para mag-practice. Baka pati sila CJ. Remember MVP siya sa basketball? Hayyzzzzz...Okay lang yan kim. Uuwi ka lang naman mag-isa eh. Anong nakakalungkot dun? Ang bigat naman nitong mga libro. Buti nalang walang laman tong bag ko. Pinasok ko yung mga libro dito para mas-madaling bitbitin. So yun naglakad na ako pa-alis.

(Chris' Point of View)

Yes, tapos na ang practice. Sa wakas makakauwi na rin. Inayos ko agad yung mga gamit ko at lumabas na ng practice room. Napatigil lang ako nung nakita ko sa kabilang dulo si kim. Ang dami nyang mga libro ah. Pinasok nya yun sa bag nya. Siguro para hindi siya mabigatan. Teka....Lumingon lingon ako sa paligid. Bakit hindi nya kasama si Cj? Nasaan kaya yun mokong na yun?

Tumingin ulit ako kay kim. Saktong plabas na siya ng gate. Lalapitan ko kaya??Hindi ko pa man nasasagot yung tanong sa utak ko namalayan ko nalang na lumalapit na pala ako sa kanya.

"Kim,'' tawag ko sa kanya.lumingon siya tapos...

"Uy bestie," sabi nya sabay ngiti. Medyo napatulala ako dun ah. Ang ganda nya kase talaga pag ngumingiti siya. "Tapos na practice nyo?"

"Ah," sabi ko na parang naalimpungatan "Oo tapos na. Asan si Cj?"

"Ha? Busy daw siya eh," sabi nya. Napatingin ako sa bag nya. Siguro mabigat yun.

"Mukhang mabigat yang bag mo ah," sabi ko "Tulungan na kita."

"Ha?," sagot nya "Wag na bestie okay lang naman."

"Hindi," pangungulit ko "Akin na."

"Hindi na nga," sabi nya.

"Sure ka?" tanong ko ulit.

"Oo," sagot nya.

"Sure na sure?" sabi ko ulit.

"Oo nga," sabi nya na medyo natatawa "Ang kulit mo."

Ngumiti lang ako. Tapos may nakita akong nagbebenta ng ice cream.

"Gusto mo ng Ice cream?" tanong ko sa kanya.

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon