Chapter 22

8 0 0
                                    

(Kim's POV)

After ng dalawang araw na iyakan. Buo na yung decision ko na...Hindi na si Cj ang Mahal ko.

Time na rin siguro na ibuhos ko na talaga yung buong attention ko kay Chris.

Tutal minsan, feeling ko mahal ko narin naman sya.

Nung nasa school kame...

"Hey," bulong ni CJ habang nag pra-practice kami sa presentation namin sa prom. Hay partner ko nanaman sya. Alangan sya lang naman talaga partner ko eh. Mga kaklase ko kase eh, ayaw papigil..psh

"Bakit?" bitter kong sagot.

“Ano bang nangyare satin?” tanong nya

Hindi ako sumagot kase parang, nakakadepress or sadyang pagod narin ako. Akala ko ba okay na ako?

“Alam mo,” sabi nya ulit “Mahal parin kita.”

Hindi ko alam ang magiging reaction ko pero nagkaroon ako ng lakas para itulak sya palayo saakin at nagexcuse sa teacher namin kung pwedeng pumunta sa CR. Naiinis ako na nalulungkot. Bakit nya ba kase sinabi yun. Ang tagal na rin ah. Tapos bigla bigla nyang sasambitin yun. Ulol nya. Hindi na ako babalik sa kanya as in ever....Pero mahal ko pa sya..Eh pano si Chris??Ayoko syang masaktan... at saka sabi ko itutuon ko na yung attention ko kay Chris.

Kim, kalimutan mo na si Cj. Hindi na pwede.

Naiyak nanaman ako dun.

Ano bang problema ko??? Napaka-iyakin ko naman :( pasensya na ha....

Nung medyo nahimasmasan ako...Nag hilamos muna ako bago lumabas.

"Uy," biglang may boses lumingon ako at nandun si Chris. "Nakita kitang tumatakbo kanina,,, may problema ba?"

Napayakap nalang ako sa kanya.

"Chris ang sakit parin," sabi ko habang hinahaplos nya yung likod ko.

"Ganun mo ba talaga siya ka mahal?" tanong nya.

Napatigil ako sa pagiyak at tinignan sya.

hinay hinay nya pinunasan yung luha ko sa pisngi. "Naiintindihan ko naman eh," sabi nya.

Oo na shock ako dun...pero naglalaban ngayon yung utak ko...

Bakit ba hindi ko marealize na si Chris talaga yung laginng nanjan para saakin.

Saktong aalis na sya.... pero hinawakan ko yung kamay nya....

"Chris," hindi ko alam ang sasabihin ko. Basta ang gusto ko lang ayoko syang mawala saakin. Ang gulo ko noh?...And somehow selfish..... "Dito ka lang.... "

Nakatingin lang sya saakin na medyo na bigla....

"Hindi ko alam pero....siguro mahal na rin kita.." sabi ko "Bigyan mo lang ako ng oras para kalimutan sya...."

Lumapit sya saakin at niyakap ako ng sobrang higpit....

dun...

doon ko na naramdaman yung

Spark

si Chris na nga siguro yung para saakin.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(Cj's POV)

Ang tagal na nya....kaya naman nagdecide na akong sundan sya

"Chris," narinig ko yung boses nya...at nakita kong kasama nya si Chris. Hawak hawak nya yung kamay nya..... "Dito ka lang.... "

Missing YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon