(Kim's Point Of View)
Tatanggapin ko yung advice ni Chris. Iintindihin ko muna sa Cj pero......
kailangan ko paliwanag mula sa kanya
nagmumukha na kase akong tanga eh.
sa school bukas.... i'll approach him....
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Uhmmmmm Cj," sabi ko "Pwede ba tayong mag-usap?" nakatingin lang si Sophia na parang nagtataka...."Tayo lang."
"Cgeh ba," sagot nya...tapos sumunod na saakin,,,,
sa rooftop...dun kame nag-usap
"Tayo pa ba?" tanong ko. Tapos nagbow lang sya. "Sabi nina Chris indindihin lang daw kita kase baka may mas malaki kang rson kung bakit si sophia ang lagi mong kasama."
"Ang complicated natin ngayon," sabi nya lang "Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sayo..."
"Ano ba kaseng meron?" tanong ko sakanya na medyo naiiyak na pero pinipigilan ko parin "Ipaintindi mo kase saakin...tatanggapin ko naman eh.."
"Si sophia,...." sabi nya "Siya yung.....ex ko."
"Alam ko," sabi ko "At naiintindihan ko yun pero, bakit kayo magkasama?Bakit??"
"Sorry kim," sabi nya lang... yun tumulo na rin yung luha nya...ako rin...nag-iiyakan lang kame dun.
Naguguluhan ako pero hindi ko na nagawang magtanong yun sakanya
Niyakap nya ako
Yung sobrang higpit
mahigpit na mahigpit...
nanghihina yung mga paa ko...
wala na akong nagawa kundi ang umiyak
"Tandaan mo lang na mahal na mahal kita," bulong nya "Mahal na Mahal kita kim."
tapos.....
*bogsh
"Anong ibig sabihin nito?" sabi nung boses...
bumitaw kame sa yakap tapos nakita namin si Sophia at yung tropa.
Lumapit saakin sina Chris, Justin at Mae.
"Kim, anong nangyare okay ka lang?" tanong ni mae
"Hoy babae, anong ginawa mo kay Cj," pasigaw saakin ni Sophia habang pinipigilan sya ni Cj "How dare you hug him huh?"
Hindi ako makapag-salita kase sobrang nanghihina ako...iyak lang ako ng iyak dun...Inaalalayan ako nina Justin at Mae.
"Shut up Sophia," biglang sigaw ni Chris..na kinagulat aming lahat. Pati si Cj hindi nakapagsalita "Hindi mo ba kilala kung sino si Kim sa buhay ni Cj Huh? Siya ang girlfriend ni Cj..Kung tutuusin nga ikaw ang walang karapatan dito ngayon!"
"Chris," sabi ni Justin "Tama na."
"At ikaw Cj," tuloy parin ni Chris "Ni hindi mo man lang nakayang ipag-laban si Kim. Oo naiintindihan namin yung sitwasyon mo. Pero kahit sana manlang...pinaliwanag mo sa kanya ng maayos..Sana hindi mo nalang pinatagal yung sitwasyon ng ganito. Kaya ka naman nyang intindihin eh."
"Cj," sabi ni Sophia "Is it true?"
Nagnod lang si Cj.
Tapos yun umiyak din si Sophia
"Itigil mo nga yang drama mo sophia," sabi ni Mae "Wala kang karapatan."
"Guys tama na," na manage ko paring sabihin yun. Pinunasan ko yung luha ko at lumapit kay Chris. "Tama na yan," bulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Missing You
RomansaSometimes we chose to be blinded by the situation because of the reason na "mahal ko kase siya." Pero pano mo pa ipaglalaban ang isang bagay na tadhana na ang naglalayo saiyo.