Meow II "Hello Human"

15 1 1
                                    

warning: this story contains gay sex story. this is not suitable for 16 years and below.

----------------------

Nandito na kami ni mama sa systematic solutions company at papunta kami ngayon sa kanyang office kung saan doon naganap ang napakasagwa at napakahayop na ginawa ni papa at ni Aianna. hanggang ngayon ay hinding hindi ko pa rin mapapatawad ang halimaw na yun!

"ma matanong ko lang"

"ano yun anak?" tanong ni mama habang nakaupo at nagaayos ng kanyang mga gamit pang opisina.

"bakit hindi ka pa lumilipat ng ibang kwarto tsaka marami naman ditong magagandang kuwarto dito sa office"

tiningnan akong diretso ni mama sa mata at huminto sa kanyang pagaayos.
"Nak past is past wag mo ng ibalik ang nangyari, nandito tayo sa office para pagusapan ang papalit na CEO ng kompanyang ito hindi kung anu anong mga kademonyohang mga kuwento"

"ah ok ma, but i thought may bago ng CEO dito simula ng pinaalis mo dito si papa?" naguguluhang tanong ko

"wala kaming nakuha dahil walang deserving na mga empleyado at mga gusto mag apply bilang CEO dito sa ating company, ah basta hintayin na lang natin si Lolo mo" ang sabi ni mama na may halong kaunting pagkaexcite.

"knock knock" isang lalaking matanda na nakapormal at mukha pang bata.

"pa!" tawag ni mama

"Lolo!" sigaw ko at napatakbo papunta sa napakagwapo at pinaka the best lolo in the world! si lolo Mario.

"huwag mo naman akong sakalin apo ayaw ko pang mamatay" biro ni lolo

"eh namiss kita ng sobra lolo. hindi ka na pumupunta sa bahay, ang lungkot lungkot dun tsaka nakakabagot" ang sabi ko kay lolo habang yakap yakap ko pa rin siya.

"hehehe oh Nak nasabi mo na ba sa kanya?" ang tanong ni lolo kay mama.

bigla akong naguluhan. tiningnan ko silang dalawa sa mata. may tinatago itong mga matatandang to!

"ano yun ma at lo?" tanong ko

"its a surprise anak halika doon tayo sa meeting room" ang sabi ni mama na first time ko namang nakitang ngumiti.

pag ngumingiti si mama ay parang ang aliwalas at gumaganda ang araw namin. kung anu man ngayon ang nagpapasaya kay mama ay hindi ko ipatitigil bastat masaya lang siya forever.

"lets go!" sabi ni lolo habang yakap yakap niya kaming dalawa ni mama magkabilaan at nagalalakad papuntang meeting room.

pagbukas namin ng pintuan ay nakita ko ang mga clients at mga kasama ni mama sa kompanya na nakaupo at mukha atang hinihintay nila kami.

"Good morning!" ang sabi ni mama na nakangiti.

Lahat sila nagsitayuan at sabay na nagsabi goodmorning kay mama.

"Ok so we know that we're still at the top of all same business mapa local man or international and there are no complain sa mga customers natin including our priorities which is our employees. Now lets talk about leadership......." putak ni mama na para bang teacher kung maka asta.

Haist! Matagal pa ba ito? Makapaglaro na lang nga ng Pokemon Go baka may mahanap pa ako ditong poke monsters sa loob ng meeting area. Nakakainis bat ba ako dito dinala ni mama na wala naman akong gagawin dito kung di makinig sa kabobahan niya at kaadikan sa business. Marami na ata siyang nalalaman dapat ko na siyang patulugin. Hikhikhik

"And our new CEO will be my Son, walang iba kung di si Xavier" ang sabi ni mama at lahat ng mga client lumiko ang ula patungo sa akin ay nagsipagpalakpakan.

The Fudge!!! Ako?! C-E-O?! Ni hindi ko nga alam ang meaning niyan tsaka wala akong alam sa business! Ito ba ang surprise nila mama sa akin?! The Fudge natatae ako!

"Come here apo, dito ka sa harapan para makita ka ng buong clan" ang sabi ni lolo.

Nag alangin pa akong tumayo at hinayhinay na lumakad papuntang harapan. Takti naman oh! Pwede naman iba na lang ang magpasaya kay mama hindi lang to! GOD HELP ME!

"I know anak na kinakabahan ka pero masasanay ka rin" ang sabi ni mama. Ipinalapit niya ang isang lalaki na kasing taas ko pero mas gwapo ako at siyempre mas maangas pumorma. "Xavier this is June, he will be your buddy and trainer" ang sabi ni mama habang ipanapakilala niya sa akin ang kumag na June-july idagdag na rin ang month ng august.

"Nice to meet you mr. Xavier, I-I mean boss Xavier" ang sabi niya na gusto makipag shake hands.

Hindi ako nakikipagshake hands sa mabaho ang hininga at pasmadong kamay. Ang pangit niya talaga! Binale wala ko lang ang offer niya at humarap kay mama.

"Ma hindi ko naman kailangan ng trainer tsaka ok na ata yung nalaman ko sa aking course about sa pagiging CEO" ang sabi ko kay mama habang inaangasan si tukmol.

"I know pero wala ka pang alam sa pagpapatakbo ng ating kompanya anak. Kailangan mo ng sapat na kaalaman tungkol sa ating kompanya at kung paano ito palaguin. Inirekumenda ko si June na siya ang magtuturo sayo dahil matagal ko na siyang kalihim dito" ang sabi ni mama.

Natapos na ang meeting at nagpaalam ako kay mama na aalis ako ng sandali dahil magcecelebrate kami ng barkada ko sa natanggap ko na trabaho. (Makasinungaling lang ako noh parang walang bukas na darating. Hahahaha evil laugh)

Buti naman at pumayag si mama. Ipinaharurot ko kaagad ang aking kotse at kasalukuyang inililimot ang buong nangyayari nagyong araw na to.

"Xavier wag magpaka stress sayang ang pogi points"

Madilim na nang makalabas na ako ng office. Sa totoo lang ayaw kong magcelebrate, gusto ko munang magliwaliw ng sandali at magisip isip ng mas makakabuti na makakapaglimot sa mga bagay bagay na hanggang ngayon ay isinisigaw pa rin ng utak ko.

Ipinara ko ng sandali ang aking kotse sa dulo ng tulay na aking dinaanan at minamasadan ang tubig na bumabangga sa pangpang at sa tore ng tulay. Niyayakap ako ng lamig ng hangin na para bang may ikinukiwento tungkol sa kung paano maging malaya at masaya. Nakikita ko ang buwan na napakatahimik at ang mga bituin na kusang kumikinang para lang mapansin ni buwan.

"Ano ba ang gamot sa kalungkutan?"

"Hello po!"

Sa kalagitnaan ng aking pag eemote ay nagulat ako sa aking narinig at nakita.

Hugis tao pero ang tenga niya ay matulis. Ang kanyang nga mata ay malaki at kumikinang. Maputi at mukhang bakla. At ang nakakatakot pa ay may BUNTOT!

BUWAAAAAAAAH Halimaw!
-----------------------------------------------------------

Guys sorry sa talaga sa delay!

Huhuhu sana mapatawad niyo po ako.

Pakivote na pang po at comment
Sorry din kung maikli kasi anong oras ko na napagisipan na magsulat ulit eh may duty pa ako mamaya.

Sorry po talaga ng marami

Lovelots muah

Si June po yung nasa pic

Im In love with a CATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon