Meow IV "How we Met"

15 1 0
                                    


warning: this story contains gay sex story. this is not suitable for 16 years and below.

.......................

Someone's POV

Halos limang dekada na akong namamalagi dito sa planeta ng mg tao. Marami na ring pagbabago ang naganap sa mundong kinabibilangan ko. Giyera, Bagyo, Uso, pananalita, mga advance na teknolohiya at kung anu ano pang mga nagawa at nasakatuparan para sa aking kalayaan at kagustuhang maging normal at makibagay sa naayon dito sa planet Earth. Sa totoo lang ay miss ko na ang lugar kung saan ako nanggaling. MEOWANGGA kung saan ako ipinanganak. Meowiens ang tawag namin sa aming species na kung tawag dito ng mga tao ay Pusa. Oo mga pusa kami na pinagpala at ginawa sa ibang planeta para mamuhay at tumuklas kagaya ng ginagawa ng mga tao dito sa planet Earth. Hindi naman sa ipinagyayabang ko ang aming planeta ngunit mas mapayapa at mas makulay ang pamumuhay ko doon kumpara dito sa planet Earth. Matagal na akong nagtatago bilang isang tao at nagagawa ko iyan dahil isa sa kapangyarihan namin ang magshape shift o mag anyong hayop o tao. May siyam kaming buhay at siyam na kapangyarihan. Una; ay ang telekinesis o magbasa ng mga mensahe sa ulo ng ibang tao at kumontrol. Pangalawa; mabilis tumakbo. Pangatlo; matalas na pang amoy, pandinig. Pang-apat; tumawag at makipagusap sa mga hayop. Panglima; pag aanyong tao, alien o hayop. Panganim; flexibility o kayang dumaan sa mga makikitid/masisikip na lugar. Pangpito; matulog ng isa o dalawang taon. Pangwalo; maglakbay sa panaginip at ang Pangsiyam ay magbigay ng buhay sa kapwa meowiens ngunit kapalit din nito ang iyong buhay. Kung pwede lang magpagawa ng spaceship para lang makapunta sa aming planeta pero imposible. Walang advance na material dito sa planeta ang kayang lumakbay sa ibat ibang galaxy sa labas ng earth. Kung mayroon lang sanang meowiens na pupunta o bibisita sa mundo ng mga tao ay agad akong sasama ng walang alinlangan. Sana....

---------------------

"Dali pasok na sa loob ng kotse para madala kita sa ospital" ang sabi ng taong tumulong sa akin.

Hindi niya alam na nahulog siya sa aking patibong. Ginamit ko ang utak niya upang matulungan niya akong mapagamot at manatiling buhay. Pero nakita niya ang aking anyo bilang meowiens kanina nang binati ko siya. Buti na lang nagamit ko agad ang aking abilidad upang malimutan niya kung ano ako. Kulang na ako ng isang buhay at walo na lang ang natitira. Pinakamasaklap pa ay nawala ang aking abilidad sa pagtulog ng isa hanggang dalawang taon. Iyon ang aming pang pitong kapangyarihan BADTRIP!.

"Taga saan ka ba ha bat ka sugatan?" Ang sabi ng tao.

"Wala, wala akong tirahan. Binugbog ng mga masasamang tao" ang sabi ko habang nakaupo sa tabi ng tao.

"Bat ka ba nila binugbog?!" Tanong niya habang nagmamaneho ng mabilis.

"Hindi ko alam, basta bilisan mo kasi sumasakit na ang aking katawan! Aaaah" pagiinarte ko. tiningnan ko ng maigi ang tao. Kitang kita ko sa mga mata niya ang takot at kaba at nararamdaman ko ang kanyang puso na kulang na lang ay lumabas ito at tumakbo papalayo sa kanyang katawan. Naaalala ko tuloy ang aking kapatid. Kailangan ko siyang hanapin at kailangan naming umuwi sa aming planeta para hanapin si Mama at Papa.

"Ano nga pala pangalan mo?!" Tanong ng tao habang tuloy sa pagmamaneho.

"Fitah" ang sabi ko habang nakatingin lang sa daan at sinasariwa ang mga nangyari bago kami tuluyang nahulog sa lugar ng mga tao "ikaw tao ano pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Xavier tol" ang sabi niya.
************************************

"Pano mo nalaman ang pangalan ng aming planeta?" Nagatatakang tanong ko sa kanya.

Habang nakatingin ako sa kanya ay sinariwa ko ang kanyang nakaraan. Ang pangalan niya ay June kung tawagin siya sa bahay nila ay J, mabait ang mama ngunit wala na siyang ama (in short patay na). Nagiisang anak. May mga nakita akong ala ala na napakasaya at may masasakit at malulungkot din. Karamihan sa mga ito ay kalungkutan. Naaawa ako sa kanya.
Habang binabasa ko ang kanyang nakaraan ay may bigla akong nakita sa kanyang isipan.

Isang napakagwapo at mala anghel na mukha. Magkasing taas sila ni June at sa pagkakaalam ko ay magiging CEO siya sa isang kompanya. Wala akong alam sa salitang CEO pero wala akong pakialam. Ang gwapo niya. Guwapo naman si June eh pero mas hot at wafuuuu siya at nalaman ko rin na Xavier ang kanyang pangalan.

"Sana magkita tayo kahit papano..."

"Hooooi! Nakikinig ka ba, taong pusa?!" Pasigaw ni June habang nakatayo sa taas ng kanyang meowship.

"A a a wala akong narinig, sorry, bumaba ka nga diyan sa meowship mo. Hindi naman ako nananakit!" Ang sabi ko sa kanya.

" meowship? Hindi ito lumilipad. Kotse ang tawag dito. Ito ang ginagamit ng mga tao pantransportasyon tulad ko" ang sabi niya na animoy bata na nakikipag away.

"Oo na, oo na, kotse ang tawag diyan basta bumaba ka na diyan at tulungan mo ako" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Oo bababa ako diyan, pero kung sasaktan mo ako. Siguraduhin mong patay na ako dahil kung hindi, puputulin ko yang buntot at tenga mo. Wala akong pakialam kung cute ka basta pagsinaktan mo ako, sasaktan din kita" animoy nagsasalitang bata habang dahan dahang bumababa sa kanyang kotse.

"Hello! Mabait kaya ako hindi ako nananakit at sa sinabi mong cute ako, well thank you dahil alam kong cute naman talaga ako. Basta wag kang magalala, hindi kita sasaktan basta bilisan mo na at tulungan mo na ako" ang sabi ko sa kanya.

Matapos ang limang minuto ay bumaba din siya sa wakas. Ayaw pa nga niya sanang isakay ako sa harapan ngunit nagpumilit ako kaya ayun katabi ko siya. Haaaaaisssst ang cute niya talaga at ang bango bango niya pa.

Habang nasa loob kami ng kotse ay bigla siyang nagsuggest...

"P-p-pwede ka bang mag anyong tao? D d dahil s-s-sa totoo lang ay natatakot akong makita kang nakaganyan" utal utal na sabi niya habang hawak hawak ang manibela at nakayuko na parang hindi niya gustong makita ang napakaganda kong mukha.

"Ay hehehe sorry, sige wait..."

So ayun pinalitan ko ang aking mabalahibong katawan sa normal skin kagaya ng tao, inalis ko rin ang aking tenga at buntot. Pinaliit ko ang aking mata at pinatangos ang ilong.

"Oh ayan na, pwede ka ng makatingin sa akin, hindi na ako meowiens" ang sabi ko na lang habang nag aayos ako at inaalis ang nga nakadikit kong patay na balahibo.

Habang busy ako sa pagtanggal ng mga balahibo sa katawan ay bigla na lang akong napalingon sa kinaroroonan ni June. Animoy parang statuwa siyang nakatingin sa akin.

"Hoi! Takot ka pa ba kahit nagmukhang tao na ako?" Panggugulat ko sa kanya

Bigla naman siyang naalarma at pinaandar na ang kotse.

"Aaah sorry sige pupunta tayo sa kaibigan kong kagaya mo" Ang sabi niya habang pinapaandar na niya ang kotse.

----------------------------
June's POV

"Lalaki ba siya? Bakit ang ganda niya?, Hindi eh mukha siyang babae pero sa pagakakaalam ko lalaki siya" iyan na lang ang umiikot ikot na tanong sa aking isipan. Sa una ay natakot ako nang biglang may halimaw na nagpakilala sa akin at humihingi ng tulong. Akala ko binibiro lang ako ng kaibigan ko na totoo daw ang meowiens at minsan nga natatawa na lamang ako pagnakikita ko siyang taong pusa dahil sa isip ko costume niya lang iyon. Pero totoo pala talaga. Totoo pala ang meowiens. Sa totoo lang hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala. Akala ko sa comics ko lang siya makikita at sa mga kinukuwento sa akin ng aking kaibigan na si Freddie. Siya rin ang nagsulat ng "Melon and friends: a Meowiens Adventure" na sumikat hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa sa ibat ibang country na rin. Ibat ibang lingguahe at kanya kanyang pictures and comics na rin ang nakopya dahil sa kuwento niya. Namangha ang mga magbabasa dahil sa napakaganda na kuwento ni kuya Freddie. At ngayon, akala ko isa lamang itong kuwento na sa imahinasyon lang ng tao, ngunit totoo pala ang lahat at ang ganda niya...

Napapatitig ako sa kanya, Napapasmile. Parang may sparks ngayon sa dibdib ko na lumalagablab.

"No June! He's a man katulad mo, you're not gay, wake up!" Ang sabi ng aking isipan.

Ah basta ang sa ngayon na dapat kong solusyunan ay kung pano ko tuturuan ang hambog na anak ni boss na si Xavier at kung paano ko tutulungan si Merwin.

----------------------
Sorry usad pagong ang kuwento but promise this time gagawin ko ang lahat ma update lang tong kuwento ni Merwin!

Meownight everyone muaaah!

Im In love with a CATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon