Meow III "Cats to the rescue"

28 1 1
                                    


warning: this story contains gay sex story. this is not suitable for 16 years and below.

--------------------

Welcome to Earth! Sparks * sparks *

Nagising na lang ako ng marinig kong nagsalita ang meowship na yupi yupi at umuusok sa di kalayuan sa akin.

"Aaaargh meow!" Pasigaw na sabi ko ng makaramdam ako ng sakit sa tiyan. Yumuko ako at tiningnan ko kung ano ang bagay na nagpaparamdam ng sakit sa tiyan ko

"Oh meow! Tubo!"

Hindi ako makagalaw ng masyado dahil sa sobrang sakit at dumadaloy pa ang dugo ko.

"Mama, Papa huhuhuhu kuya!" Yan na lang ang mga salitang lumalabas sa aking bibig. Nagyon ko lang naramdaman ang masaktan ng ganito. Napapaluha na lang ako sa mga nangyayari.

"Sana panaginip lang ang mga ito"

Wala akong magawa kung di ay tumingala sa mga bituin habang pinapakiramdaman ang hangin sa aking mga balahibo. Hindi ko matigilang lumuha at makaramdam ng lungkot.

"Ma, Pa tulungan niyo ako, tulungan niyo akong hanapin si kuya. Tulungan niyo akong makaalis dito sa tubong nakasaksak sa aking tiyan. Ayaw ko pang mamatay hanggat hindi ko pa nakikita si kuya at nahahanap" ipinikit ko na lang ang aking mga mata at hinayaan ang katawan na humandusay sa lupa.

"Shhhhh! Shhhh!"

Nakarinig ako ng huni sa bandang itaas ko. Hindi ko maiangat ang aking ulo dahil sa sobrang sakit ng aking tiyan.

"Shhhhhh shhhhhh"

May narinig naman akong huni sa may bandang kaliwa.

"Shhhhh shhhh"

Sa kanan

Tanging nakikita ko lang ay ang maitim na langit.

"Parang awa niyo po, wag niyo po akong sasaktan" tanging nasabi ko sa sobrang takot.

Maya maya pa ay may lumapit at pumatong sa aking mga paa. Halos manginig na ako sa sobrang takot.

"Meow! Meow!"

Nagulat ako sa aking narinig.

"Kuya?" Pagatataka ko.

Marami silang naririnig kong humuhuni ng katulad ko.

"Meow meow meow meow...."
(Huwag kang magalala pareho mo kaming mga pusa, tutulungan ka namin bastat huwag ka lang magalaw)

Narinig kong sabi ng isang meowiens. "Ah si-sige" may halong kaba at takot na sabi ko.

Hindi ko man sila makita pero alam kong marami sila. May ibang pumapailalim sa katawan ko at may iba namang dinidilaan ang aking sugat kung saan nandoon nakatusok ang tubo. Ang iba naman ay dinidilaan ang aking mga maliliit na sugat. Dahan dahan nila akong inaangat paitaas at hinihila hanggang sa makawala ang aking katawan sa tubo. Masakit man pero pinilit ko dahil ito na lang ang huling paraan para maka alis ako sa tubong iyon.

Nailabas nila ang aking katawan sa tubo at sa ngayon ay nakahiga ako sa lupa. Patuloy pa rin sila sa pagdila sa aking malalim na sugat hanggang sa wala ng tumutulong dugo.

Mahigit dalawang oras akong nakahiga sa lupa pero nagagalaw ko na ang aking ulo pati ang dalawa kong kamay. Nakikita ko na ang aking mga tagapagligtas. Marami kaming pagkakahambing. Mula sa balahibo hanggang sa mata at tenga pati sa buntot. Ngunit maliliit lang sila at hindi nila kayang maganyong tao. Tawag sa kanila dito sa earth ay hayop na puwedeng alagaan at gawing kaibigan ng mga tao pero sa mga pusang nakapalibot sa akin ay mukhang wala sa kanilang nag aalaga. Namumuhay silang kumakain lang sa basurahan at palaboy sa kalsada. Wala silang bahay na paglulutuan o pagkakainan. Minsan man daw ay may kasamaan ang mga tao dahil pagnakikita sila ay inatakwil at binabato sila kung sakaling maghahanap sila ng pagkain sa basurahan. Naawa ako sa mga ka meowiens ko.

Im In love with a CATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon