warning: this story contains gay sex story. this is not suitable for 16 years and below.
----------------------
"haaaaaay... so refreshing! ang sarap talaga maligo sa maligamgam na tubig"
sarap na sarap ako sa aking posisyon dito sa aking bath thub. napakasarap kasi magbabad sa tubig lalo na kung maligagam,. relax na relax ako pati mga mata ko dahil may nakatakip pang dalawang hiwa ng pipino. at tska saturday ngayon kaya walang pasok yes! hehehe... i love my life!
"bag! bag! bag!" malakas na katok sa pinto.
"Mr. Xavier Don Johnson! kanina ka pa diyan hindi lumalabas sa napakabaho mong kuwarto tinatawag ka na sa baba para kumain ng pananghalian mag aala-una na hindi ka pa rin lumalabas diyan!?"
"now my life is ruined"
ang ate kong putak ng putak!wala ng ginawa kung di makialam sa may buhay ng iba.
"oo na naliligo lang ako!"
"nauubos na ang pasensya sa'yo ni mama baka gusto mong si mama pa ang pumunta dito para ihatid ka pababa?!"ang sabi ng napakaingay na bruha ng aming pamilya.
"diba sabi ko naliligo nga ako?gusto mo ba akong pababain na dala dala ang bath thub sa ibaba para makita niyo lang ako?!"
kung hindi maingay mga tanga naman. siyempre naliligo pa ako dito at tsaka buhay ko naman to bakit ba sila nangingialam?!
"bahala ka! basta sabi ni mama bumaba at kumain ka, pag di ka pa raw bumaba within 10 mins alam mo na kung ano ang mangyayari sayo"
narinig ko ang pag alis ni ate na siya naman ang ikinapayapa ng aking buhay. nakakainis ang mga tao dito sa loob ng bahay! putak lang ng putak parang mga manok! but anyway kailangan ko na talagang bumaba dahil nawarningan na ako ni ate hehehe ayaw kong dumating pa ang oras na si mama na ang umakyat dito at kaladkarin ako pababa hehehe mapaparami na naman ang bukol ko nito sa ulo.
--------------------- ...
"bakit ang tagal mo anak bumaba?" mahinahong sabi ni mama
"naligo po kasi ako ma"
"ah sige tamang tama pagkatapos mong kumain sasama ka sa akin sa opisina ok?" sabi ni mama
"ah eh may lakad po kami ng mga barkada ko ma"
"hindi, sasama ka sa akin sa ayaw't sa gusto mo kaya kumain ka na diyan" ang sabi niya habang hinihiwa ang steak na nasa kanyang plato."Manang!"tawag niya kay manang.
"Po Ma'am?" ang sabi ng isa sa aming katulong
"bigyan mo ako ng maiinom"utos ni mama sa isa sa mga katulong namin
"ah eh white or red wine po ma'am?"ang sabi ng aming katulong
"red para hindi ako kaagad malasing"ang sabi ni mama
"ah ok po ma'am saglit lang kukunin ko po ito sa kusina"
si mama talaga hindi matigilan ang paginom ng wine.umaga hanggang magdamag wine lang talaga ang inaatupag.naging ganyan lang talaga yan simula nang maghiwalay sila ni daddy.at natatandaan ko pa iyon...
⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦⇦
Pauwi na ako galing sa school ng tinext ako ni mama na pumunta daw ako sa office nila daddy para kunin ang kanyang bag, naiwan niya daw kasi ito.sumakay agad ako sa kotse at pinaharurot ko na ito.wala pang ilang minuto ay nasa office na ako nila mama at daddy.pumunta na ako sa 20th floor kung saan nandoon ang main office nila daddy at mama. Wala ng mga tao dahil sa mag aalas otso na ng gabi. bubuksan ko na sana ang sliding door ng bigla akong nakarinig ng ungol ng isang babae. Binuksan ko ng konti ang pinto para silipin kung sino iyon.
BINABASA MO ANG
Im In love with a CAT
Fiksi PenggemarPaano kaya kung ikaw ay isinumpa ng tadhana na mapunta sa isang lalaking pusa? Oo! mismong lalaking pusa! hehehehe... gusto niyo ba malaman? halinat basahin ang nakakakilig, nakakaiyak at nakakatawang kuwento ng dalawang lalaki na parehong umibig at...