Chapter 2 [HMIAS]

13.8K 443 34
                                    

Chapter 2

                                                                                                                                                                  

“Lumunok ka ulit katulad nung kanina please...” Napalunok naman ako dahil sa kaba kaya tuwang tuwa sya. Langya naman! “Mr. AA, pagdating natin sa Maynila, sa’yo ko sasama hah?”

Bigla akong pinagpawisan ng malamig dahil sa lumabas na salita sa bibig nya. Ano bang sinasabi ng babaeng toh? Sya? Sasama sa’kin? Letse! Balak pa ata nitong guluhin ang buhay ko ah. Tsk. Kailangan kong gumawa ng paraan para layuan ako nito.

Hindi ko naman sya pwedeng kausapin at sabihing lumayo sya sa’kin dahil wala naman syang mapapala. At isa pa, kapag kinausap ko sya ay malalaman nya ang tungkol sa 3rd eye ko.

Langya Austin! Bakit ka pa ba sumama kay Lily sa Batangas para lang kamustahin ang lolo’t lola nya? Kung sana ay naiwan nya na lang ako sa Maynila ay hindi magkakaganito, gusto nya palagi magkadikit kami. Tss! . Tsaka  Ano bang tumatakbo sa isip ng babaeng toh at sa’kin pa sya sasama?

Multo na nga, naghahanap pa ng lalaki. Naga-gwapuhan lang ata to sa’kin eh, virgin pa siguro to hanggang sa namatay.

 

“Hoy Gwapo! Bakit mukha kang suplado? Ganyan ba dapat pag may itsura? Kailangang snob?”

Hindi ko alam kung tatawa ba ko o maiinis sa kanya. Gwapo? Oo. Snob? Tsk. Boring lang talaga yung mga kumakausap sa’kin gaya ni Lily. Tsaka hindi ko naman kilala yung mga lumalapit sakin kaya bakit ko papansinin? Wala naman akong mapapala sa kanila. Kahit sex pa, hindi ko sila kakailanganin. Ako yung tipo ng lalaki na nire-reserved ang una at huli para sa mapapangasawa ko.

Tumingin uli sya sa mga upuan, alam kong naghahanap sya kung meron pang bakante.

“Ano ba yan! Ngalay na ko, wala man lang gentleman na magpa-upo sakin. Sabagay, wala namang nakakakita sa’kin.”

Lumapit sya sa’kin tsaka tinusok tusok yung pisngi ko. Kanina adams apple ko, ngayon naman pisngi. Ano bang problema nito?

“Lambot ah! Pwede ko ba syang i-kiss?”

Nag tiptoe sya dahil mas matangkad ako sa kanya, pero ang tadhanda na ang nagsabi na hindi nya ko pwedeng halikan.

“Para po!” Pumara yung katabi ni Lily kaya naman nakaupo na ko. Nice timing!

Sa wakas, masusulit ko ang bayad ko dito. Hindi naman ata tama kung hanggang maynila ay nakatayo ako.

“Buti ka pa! Nakaupo na. Kainis naman! Ako na lang ang nakatayo? Spell Out of Place, S-E-R-E-N-I-T-Y”

Hmmm, so Serenity pala ang pangalan nya? Nice. Pang mahirap yung pangalan nya, pwe! Dapat lang naman sa kanya ang nakatayo, hindi naman sya nagbayad.

HOY MULTO! Inlab ako sa'yoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon