Prologue:
[Serenity's POV]
Patay na'ko. Pero hindi ko alam kung bakit nandito pa rin ako sa mundo ng mga tao. Patuloy akong naglalakad, nagmamasid at nabubuhay sa mundong kaming mga multo lang ang nakakaalam.
Ang mga ordinaryong mata ng isang simpleng tao ay walang kakayahan na makita ako. Tanging ang mga taong may ikatlong mata lamang ang tanging may kakayahan para makita kami, at yung iba pa nga ay nagagawa kaming hawakan.
Pero ang dating tahimik kong mundo ay napalitan ng gulo dahil sa lalaking pumasok sa buhay ko.
Nakikita nya ang lahat ng ginagawa ko. Wala akong takas sa kanyang pagiging suplado. Kung makaasta, akala mo kung sino.
Pero hindi ko akalaing sa ganung klaseng tao mahuhulog ang PUSO ko.
Dapat ko ba sa kanyang ipaalam ang nararamdaman ko?
Kahit na isa lang akong multo?
***
[Austin's POV]
Nakikita, nararamdaman, naririnig at nahahawakan ko ang tulad nila. Isa lang akong ordinaryong tao at ang aking mata ang nagpapabago sa takbo ng buhay ko.
Mayroon akong 3rd eye pero kahit ganun, wala akong pakialam sa mga multong nakikita ko.
Bawat isa kasi sa kanila, may hiling na dapat sundin ng mga taong kagaya ko.
Pero ang dating tahimik kong mundo ay napalitan ng gulo dahil sa babaeng pumasok sa buhay ko.
Kahit naiinis na ko, nananatili pa rin sya sa tabi ko.
Hindi ko alam pero sa tuwing kasama ko sya ay nakukumpleto ang bawat araw ko.
Kaya ang masasabi ko lang, "HOY MULTO! INLAB AKO SA'YO!"
BINABASA MO ANG
HOY MULTO! Inlab ako sa'yo
خيال (فانتازيا)Anong kayang gawin ng 3rd eye sa buhay ng lalaking nag-ngangalang Austin Culla? Isang lalaking may sexy na adams apple. Isang binatang matapobre, mayabang at makasarili. Isang tao walang ibang inisip kundi mabuhay ng tahimik at magkaroon ng pera par...