Chapter 4
[Austin’s POV]
“Aalis ka ba, o hindi?”
Nakita ko namang napasimangot sya sa sinabi ko. Sino ba sya para sumama hanggang dito? Tss. Hindi nya sya tao para manirahan sa condo, matagal na syang patay kaya hindi sya nababagay dito. Kung makapagsalita naman ako, akala mo akin ‘to.
“Sino ka ba para paalisin ako dito?”
Tumayo sya mula sa pagkakahiga nya at umupo sa sofa ng kwarto ko. Mas malala pa pala sya saking umasta. Daig pa nya ang lalaki dahil sa tigas ng mukha nya.
“Hindi mo ba alam na akin ‘tong pamamahay na toh?”
“Mr.AA, alam kong hindi sa’yo ‘to. Kay Lily ang unit ‘to kaya pwede bang wag kang umasta dyan na parang sa’yo ‘to?”
“Siguro narinig mo kahapon sa bus na naninirahan lang ako dito. Wa’g kang mag-alala kasi kitang kita din ng mata ko kung pano mo ko pagnasahan kahapon.”
Kita ko naman ang biglaan nyang pamumula at waring hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan. May mga multo pa palang nahihiya?
“A-anong pinagsasasabi mo dyan? A-anong p-pinagnanasahan ka?”
“Hindi mo ko magagawang tanga, pwede ba! Tsaka anong Mr.AA? Galing mo ring mag-imbento ng palayaw.”
Kungyari akong nag-isip kahit alam ko naman ang ibig sabihin nun. Adams apple. Tss, sinong babae naman ang hahanga sa isang lalaki ng dahil lang sa adams apple?
“H-hoy! Humahanga lang ako sa adams apple mo! W-wag ka nga dyang feelingero!”
Ang galing ring mag-deny e. Patay na nga, galing pang mag-deny.
“Humahanga ka lang sa adams apple ko? Talaga? Kaya pala binalak mong halikan ako ng dalawang beses?”
“H-HOY! Kung ano ano ang sinasabi mo, sinungaling kang mokong ka!”
“Alam kong alam mo na hindi ako nagsisinungaling, wa’g ka ng tumanggi pa.”
Uneasy na sya. Hindi nya alam ang gagawin nya. Para syang natatae na ewan. Akala siguro nito di ko nakikita ang mga ginagawa nyang kalokohan. Ganyan ang napapala ng mga babaeng walang kahihiyan sa katawan.
“H-hindi ko sabi ginawa yun eh. Kayo talagang mga tao! Porke’t nabubuhay pa kayo akala nyo palagi na kayong tama!”
Ano namang connect nung sinasabi nya? Huling huli na nga, ang dami pang palusot na sinasabi. Tsk tsk.
![](https://img.wattpad.com/cover/7872595-288-k883984.jpg)
BINABASA MO ANG
HOY MULTO! Inlab ako sa'yo
FantasyAnong kayang gawin ng 3rd eye sa buhay ng lalaking nag-ngangalang Austin Culla? Isang lalaking may sexy na adams apple. Isang binatang matapobre, mayabang at makasarili. Isang tao walang ibang inisip kundi mabuhay ng tahimik at magkaroon ng pera par...