Chapter 1
[Austin’s POV]
Tss. Wala na talagang magawang matino ang mga multo na to. Pati mga walang kamalay malay na tao pinagdidiskitahan.
Palibhasa hindi sila nakikita ng karamihan eh. Pero ako? Bawat galaw nila, kitang-kita ko. Tsaka bakit ba nandito pa sila sa mundo namin? Bakit hindi pa sila umalis? Palagi ko na lang itong itinatanong sa sarili ko kahit alam ko ang sagot. Syempre, may mensahe pa silang gustong iparating sa mga mahal nila sa buhay, may misyon pa silang hindi natatapos o kaya naman ay masyado silang makasalanan at kahit langit ay hindi sila magawang tanggapin.
Kung ayaw nilang tanggapin sila sa langit, mas mabuti pang tanggapin na lang nila ang katotohanang hindi na sila para dito sa mundo ng mga tao at dumiretso na lang sila sa ibaba.
Yung isang bata, walang kamalay malay na nakikipaglaro sa multo. Tawa pa ng tawa, akala tuloy ng iba nababaliw na sya. May 3rd eye din siguro ‘tong batang toh. Tsk tsk. Kawawa naman, magiging katulad ko pa syang miserable ang buhay. Naalala ko tuloy ang pangyayaring yun nuong 6 years old pa lang.
[Flashback]
“Hahaha! BALIW! BALIW! Nagsasalitang mag-isa.” sigaw ng babaeng kaharap ko dito sa playground.
Ano bang problema nila? Naglalaro lang naman kami dito ni Keana. Hindi nga naman sila kinakausap man lang o pinapakialaman.
“BALIW! Hahaha!”
Napatingin ako kay Keana. Tumatawa lang sya. Bakit naman parang tuwang tuwa pa sya sa ginagawa sa’ming pang-aasar? Napagkakaisahan yata ako.
Tumayo ako mula sa buhanginan at lumapit kay Keana. Inabot ko sa kanya ang kamay ko para makatayo na din sya. Mas lalong nagtawanan ang mga batang nasa harapan ko.
“Sinong kinakausap mo dyan?”
“Si Keana, yung kaibigan ko. Mag Hi naman kayo sa kanya!” sabi ko. Sana
Nagtinginan sila na parang natatakot na at bigla na lang namutla. Tumakbo sila paalis at iniwan ako. Ano bang problema ng mga yun?
Muli kong tiningnan si Keana. Nandun pa din sya, nakangiti sa’kin na parang nananakot.
Isa lang ang narealize ko. Hindi sya isang normal na bata na kagaya ko. Kabilang sya sa mga taong tanging kaming mga may 3rd eye lang ang nakakakita.
[End of flashback]
“Hoy! Austin! Hoy! Tulala ka na naman.”
Bumalik ako sa pag-iisip at tumingin muli sa paligid. Masarap pala dito sa Batangas. Hindi gaanung masakit sa ulo ang mga multo.
BINABASA MO ANG
HOY MULTO! Inlab ako sa'yo
FantasíaAnong kayang gawin ng 3rd eye sa buhay ng lalaking nag-ngangalang Austin Culla? Isang lalaking may sexy na adams apple. Isang binatang matapobre, mayabang at makasarili. Isang tao walang ibang inisip kundi mabuhay ng tahimik at magkaroon ng pera par...