Season 2~Part Four: Jamy's Senses

81 4 3
                                    

"Hoy lalaki! Ano'ng ginawa mo kay Jihamaru? Ha?" maangas na tanong ni Jamy kay Riji.

"Bakit na naman ba ha? Ano na naman ang ginawa ko?"

"Eh kanina pa yan tulala eh! Ano'ng ginawa mo sa kanya? Ha?!"

Sa sinabi niya'y natigilan si Riji.

"Hoy sumagot ka!"

"Alam mo, ang ingay mo! Pwedeng wag lang sumigaw? Pwede?"

"Eh hindi mo ako sinasagot eh!"

"Oo. Yan ang sagot ko. Pano, tayo na?"

Binatukan niya si Riji.

"Aray! Ano ba?!"

"Eh naglololoko ka pa eh!"

"Psh. Ewan ko sa'yo."

Tinalikuran siya nito at umalis. Lalong nainis siya sa inasta nito. Alam niyang may 'something' sa nangyari habang wala sila ni Yuji. Alam niya.

Sinundan niya ito.

"Ano ba kutong-lupa! Wag mo akong talikuran dahil kinakausap pa kita!"

Hinarap naman siya ni Riji.

"Eh ang ingay mo eh! Kita mong may iniisip ako!"

"Aba? Nag-iisip ka pa pala? Ano na naman yan, ha? Plano mo talagang sirain sila no?"

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Plano mong sirain sina Yuji at Jihamaru!"

"Pwede ba?! Nag-iisip ako kung pano ka magiging akin!"

Natigilan siya sa sinabi nito.

"Joke lang. kala mo naman totoo."

Mas lalo siyang nainis kaya kinurot niya ito sa tagiliran.

"Aray! Aray! Ano ba! Pasensya lang ha! Hindi ko alam na gusto mo pala totohanan!"

"Pwede ba! Wala akong plano sa mga katarantaduhan mo! Sagutin mo ang tanong ko! Ano ang ginawa mo kay Jihamaru?!"

"Tss. Wala nga eh! Bakit ba ang kulit mo?"

"Aba't---"

"Jamy! Riji! Ano ba yan! Ang ingay niyo naman!"

Napabitaw siya sa tagiliran ni Riji ng marinig ang boses ni Jihamaru sa likuran. Pagtingin niya'y nandun rin si Yuji.

At mukhang okay na sila dahil magka-holding hands na.

"Yuji? Jihamaru? Okay na kayo?"

"Ha? Nande?" (Bakit?) sabi ni Yuji.

"Ehh? Hindi na kayo magkatampuhan?"

"Ha?  Eh hindi naman kami nag-away eh." Sagot naman ni Jihamaru.

"Ha? Ahh.. ehhh.."

"TSs. Sabi na sa'yo eh! Ang kulit mo kasing bampira ka!"

"Heh! Tumahimik ka!"

"Hep-hep! Tama na nga yan! Don't be childish guys! Chill!"

"Chill? Pano ako magchi-chill Yuji kung ang hinayupak na 'to ang kaharap ko?"

"Aba't mas lalo naman ako sa bampirang 'to!"

ANIME STORIES (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon