The morning after that incident:
Nagkita sina Jihamaru at Yuji sa Canteen. Kasalukuyang nasa CR si Jamy kaya walang kasama si Yuji ng mga panahon na yun.
"Hey Yuji! Kamusta?" Ani Jihamaru.
"Just fine." Tapos ngumiti siya.
"Sana nag-absent ka muna. Mukhang nanghihina ka pa eh." Sabi nito na nag-aalala.
"I'm alright. I can handle mysellf, believe me. I can't be absent today. There is one thing so important with this day." Tapos ngumiti siya.
"Huh? Something important? Ano yun?"
"Just something special. Ah no, SOMEONE special."
"H-huh? Someone special? Sino?"
Ngumiti lang ito sa kanya. "Well, it's for me to know, and you to find out."
Tapos lumakad na si Yuji papunta sa room niya. Parang natulala si Jihamaru sa mga narinig niya. May someone special na daw si Yuji. Ewan lang niya pero nahiling na lang niya na sana siya yun. Kasi, kahit ganun pa lang kaikli ang pagkakakilala niya kay Yuji, mukhang gusto niya na ito. Well, hindi pa naman love. Love and like are two different things.
-----------------------------
"Jamy!" Kumaway si Jihamaru kay Jamy. Nakita niya kasi ito. Gusto niya sanang tanungin ito tungkol sa isang bagay na bumabalabag sa kanya simula pa noong nakaraang linggo. Tungkol dun sa sinabi sa kanya ni Yuji.
"Oh, hey there! Saan ka pupunta?" Ani Jamy nang makalapit na ito sa kanya.
"H-hindi mo kasama si Yuji?"
"Ah, eh naunang umuwi eh. Ewan ko nga ba kung bakit nagmamadali yun."
"Ah ganun ba? Mabuti kung ganun."
"Ha?"
"What I mean is, mabuti nang wala siya. May sasabihin kasi ako sa'yo. Ah, I mean, may itatanong lang ako sa'yo."
"Bring it on. Ano ba yun?"
"Uhmmm, K-Kilala mo ba..a-ang...someone special ni...Yuji?" Nagulat si Jamy sa tanong ni Jihamaru.
"Bakit mo naitanong?" Sabi naman ni Jamy.
"A-Ah... eh.. naitanong ko lang."
"Eh inulit mo lang eh. =__=. Pero, wala naman siyang nababanggit sakin eh."
"Ah.. ganun ba? Sige,thank you na lang."
"Bakit Jihamaru, nagseselos ka?" Ani Jamy, pagkatapos ay ngumisi.
"H-Ha? Nagseselos? Ofcourse not!"
"Sus! Itanngi pa daw?Haha!Eh obvious ka na eh!"
"A-Anong obvious ka dyan! Hindi no! Tsaka pano mo nasabi na obvious, aber?"
"Eh bakit ba yan ang pinag-uusapan natin aber?" Balik-tanong nito sa kanya.
"Ah..eh, naitanong ko lang. Nabanggit niya lang kasi sakin nung nakaraang linggo nang magkita kami."
"Eh bakit gustong-gusto mong malaman?" Sabi nito na nakangiti pa rin.
"Ah..eh.. Curious lang ako! Tama! Curious lang ako kung sino, kaya ko naitanong!"
BINABASA MO ANG
ANIME STORIES (ON-GOING)
RomanceA story inspired by the Japanese world... A story of love, hatred, jealousy, friendship and JAPANESE LANGUAGE!^___^