12

20K 173 73
                                    

12

Minerva PoV


New names. New people.

Ano ba ito? mas lalo akong naguguluhan!

Why Im remembering all the wrong people!


Tumingin ako kay Carlo habang may kinakausap siya. Yung mga kweneto niya sa akin, bakit parang tumutugma siya sa panaginip ko..


Oh Lord help me.. I'm confused..


Pumasok ako sa loob para mag pahinga. Sumasakit na ang ulo ko sa kapipilit na intindihin ang mga bagay na nangyayari sa akin.

Nakita ko ang isang photo album sa coffee table. Lumapit ako at kinaha iyon.


Nakabukas ito sa isang family reunion picture.

How come I dont even know who I am.

Masaya akong tingnan sa larawan, katabi ang mga kapatid ko at, ang mama at papa ko...


Ilang buwan na rin mula nung aksidente. Wala pa rin akong naalala tungkol sa pamilya ko. Tapos nag iba pa ang pakikitungo sa akin ni Mika...


At, naalala ko ang mga taong, di ko kilala nuon. O , baka kilala ko sila dati, pero, ewan...


Sinara ko na ang album at tumayo. Nakita kong  pababa ng hagdan si Mika..

"Mika!"


Ang lamig ng tingin ni Mika sa akin... "Mika? Anong problema?"


Nagtuloy tuloy lang siya sa pag baba patungo sa labas.


Hindi man lang niya ako sinagot.


Sigh. Bakit kaya biglang nag iba si Mika.


Pumanhik nalang ako at pumasok sa kwarto ko...


Doon ko nalang ibubuhos ang sama ng loob ko, since, wala na akong taong mapagsasabihan nito.


________________________________________________________________________________________________

CArlo's PoV

"Kenji, bat napatawag ka?"


"Ah, kasi, may itatanong sana ako. May pasok kapa?"


Weird. Ano kayang kailangan nito. "Ah, wala, ano yung itatanong mo?"


"Pwede bang, pumunta ka nalang dito, baka kasi , di mo maintindihan."


"Ahhh.." lumingon ako sa likod. Wala na si Minerva. "Ah, sure, oo, pupunta na ako jan..."

"Sige, salamat, Carlo." binaba na niya ang tawag.

Asan na kaya si Minerva... NAkita kong lumabas si Mika ata, yung kapatid ni Shaura...


"Hi po.. Uhm, nakita niyo po ba si Ate Minerva?"


Tiningnan lang niya ako. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa tingin niya. Bakit ba may galit ito sa akin? Bakit marami atang galit sa akin ngayon?


Tumalikod siya ng hndi ako sinasagot. Pumasok nalang ako at nakita ko si Tita.


"Hi Tita...!"


"Hello, Carlo, ano, mag memeryenda kana?" tanong niya.


"Ahh, di na po, pinapapauwi na kasi ako... Eh, si Ate Minerva po ba, nakita niyo?"

Kumunot ang noo niya... "Hindi eh, diba , kayo yung nag uusap kanina?"


"Ah, may kinausap kasi ako kanina, pag katapos nung tawag, wala na siya eh.."

Ngumiti siya, "Ah, siguro pumunta sa kwarto niya. Sure kang ayaw mo nang mag meryenda?"


Umiling ako... "Sige, salamat nalang po.. Aalis na ako.. Pakisaboi na lang po ni Ate Minerva ah."


"Oh sige. " BUmalik siya sa kusina. Umalis na din ako sa bahay nila...


________________________________________________________________________________________________

Minerva's PoV

Naramdaman kong may umiiyak sa tabi ko Tapos, may nakatakip sa bibig at ilong ko... Ano ba ito.

"Athena yah.. wake up.. You’ve been sleeping for 3 days already..  Are you not excited about your wedding? We have to go to the dressmaker for your wedding gown, did you forget? You better wake up now.. Umma’s waiting..” 


naramdaman ko na may nag ayos ng buhok ko tapos may nagkiss sa akin sa cheek,


 “Kenji wants to talk to you. Don’t make him sad, ok?"

Huh? Athena? Hinde ako si Athena.

Taz, Wedding? Ikakasal ako? Kay Kenji? Naguguluhan na ako..

AT 3 days na akong natutulog? Teka asan ba ako?

"Athena.. gumising ka na.. pag hinde ka gumising.. makikipag away ulit ako.. ayaw mo ng nakikipag away ako diba? Kaya bumangon ka na.. Pati diba.. gusto mo mag propose ako sayo ng maayos? Pag gising na pag gising mo, dadalhin kita sa magandang lugar, isusuot ko ulit yung singsing sa daliri mo tapos formal kong sasabihin yung ‘will you marry me’.. luluhod pa ko kung gusto mo.. pero may expiration date yun.. hanggang bukas na lang yun pwede.."


Huh? Wait, andito nga si Kenji, pero, papakasalan niya ako? Parang... hindi ko ata... di ko maiintindihan ang mga pinagsasabi niya.


"Jagiya.. will you marry me?” naramdaman kong my tumulo sa kamay ko... Luha?


“Pag dumilat ka promise luluhod ako.. kahit na isang oras pa kong lumuhod.. gumising ka lang.."


NAguguluhan na talaga ako... Bakit parang nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko ang boses nila... At bakit, parang mabigat yung dibdib ko...

"YA! WAKE UP ALREADY!!! WAKE UP!!"


Napadilat ako sa sigaw.


Madilim na sa labas ng bintana... Ilang oras ba akong natulog?
Nasa kwarto pa rin ako...


 Lumingon ako sa gilid ko, expecting to see Kenji, pero wala. Ako lang magisa sa kwarto ko...

Wala na din yung nakatakip sa mukha ko, at yung bigat sa dibdib... Wala na....


It felt so real...

Bakit naman kaya ako mananaginip ng ganun?

Tumayo ako at lumabas muna ng kwarto...


"Oh, Minerva, halikana, mag didinner na tayo.." nakita ko si TIta namay dalang platter... Nagmadali akong bumaba para tulungan si Tita...


"Ako na po..."

"Ay, wag na Minerva.... Sumama ka na lang sa akin dun sa dinner room.." inilayo  niya sa akin yung dala niya... Pagpasok namin doon, nakita kong  kumpleto na yung family... Kaya pala busy si TIta kanina, kasi nakauwi na si Tito Shaun..


"Hello Minerva... How are you?"lumapit si Tito at nihug ako...

"I'm good, Tito, wala na po yung dizzy spells..." sabi ko. NAupo ako sa tabi niya...


"That's good..Err, yung memories mo?"


Hindi ko nasagot si Tito... Hinawakan niya ang kamay ko...


"It's okay Minerva.."


"Ahem, Dad, how are you po?" tanong ni Shara, pagkatspos niyang mag kiss sa Daddy niya.


Kwenento ni Tito ang mga nangyari sa kanya sa California.. Isa siyang Architect..

"Excuse me po,  pupunta na ako sa kwarto ko...Tito, Tita.."


Umalis na ako sa dinner table ...

Napatingin ako kay Mika...

I guess we're still not okay...

________________________________________________________________________________________________

Shes Dating the Gangster: One more Chance (FanFict)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon