"Mey, mag 10pm na po, ihahatid ko na si Andi. " paalam ni Ford, Andi raw ang itatawag nya sakin, kasi nabubulol daw sya sa Axandra, ang ikli daw pero pag binangit parang ang haba, hahaha .
"Ok, see you later at home na lang.. ingat kayo ok.. " hinaplos-haplos pa ni tita ang buhok ko.
"I hope, makabisita ka rin sa bahay namin , every Saturday or Sunday, nasa bahay kami, family day namin yon, or ,labas tayo minsan.. "sabi sakin ni Tita.
"Hehe, family day rin po namin ang S.S. pero sege po, salamat po pala sa masayang dinner, ikinagagalak ko pong makilala kayo. ." sabi ko.
"Aah.. Ok, nag-enjoy rin kaming kasama ka, pag may time , invite namin kayo, ang parents mo, para naman mameet din namin, , sigurado akong masaya rin silang kasama at tulad mo mabait rin.." nahiya naman ako, kaya nag nud nalang ako.
"O hija, bantayan mo tong unico hijo namin ha, pero huwag mo ng gayahin ang tita mo noon sa mga pinag-gagawa sakin ha, kawawa naman si Ford..hahahaha"piningot ni tita ang tenga ni tito, natawa tuloy kami ni Ford.
"i hope to see you again.or as always." hinawakan saglit ni Trexiel ang balikat ko,. speechless ako, kasi ang tahimik kaya nya kanina, inisip ko tuloy galit sya.
"Aa.. su-sure.."nakangiti kong sagot sakanya, nag nud lang sya at umupo uli.
"Trex , thanks ha.." sabi ni Ford, tumango si Trex. " Ge."tipid pa nitong sagot.
"Sege na Dad, mom, hatid ko na po sya.." pakasabi nya non, inalalayan nya akong tumayo.
"Ok, ingat son sa pagdrive.. hija, thank you again.. till next time.." tumango lang ako at nagbiso sakanila.
Naiilang man ako ki Trexiel, nagbiso parin ako, at ganon rin sya.
Bat ang weird ni Trexiel?
.
..
"So.. till next time..^___^..?" sabi ni Ford ng makasakay na kami sa sasakyan nya."Ha? ." di ko gets kung anu ang tinutukoy nya. "Date uli tayo with my parents.."nakangiti nyang sabi.
"Sure.. "sagot ko. "Sorry ha , sabi ko date ,nakalimutan kong sabihin na family date .." tiningnan ko sya.
"Anu ka ba, nag enjoy kaya ako , tsaka hindi naman ako nag-expect na kung anung klaseng date ang ibibigay mo sakin, hummm.. Ford.." yumuko ako, nahihiya kasi ko.
"Yes?.."tanung nya.
"Masaya ako.." napapikit ako, nakakahiya talaga.
"No kaba, mas pinasaya mo ako, di lang ako ang pinasaya mo, pati parents ko.." nakahinga akong maluwag.. hoooo..
"Alam mo.. to be honest.. mas masaya pa tong date na to sa date na inaakala ko.."tumingin ako sakanya saglit, nakatingin pala sya kaya umiwas ako agad ng tingin.
Nakangiti sya.
"So ok lang din na sa Linggo, mag dinner date rin tayo with your family?.."
Ang gwapo..
"Para naman makilala ko naman ang parents mo, kung ok lang sayo.."
Naramdaman ko na parang naririnig ko na ang heartbeat ko, o my.. bakit?.. may sakit ba ako?..
"Woi.."napapitlag ako sa pagkakahawak sa dibdib ko, niyogyog kasi ako ni Ford.
"Ok lang?.." tanung nya.. "O-oo, ok lang ..ok na ok.."nauutal kong sagot..
BINABASA MO ANG
WEIGHT of Love or WAIT for Love?
RandomMataba vs Payat OPPOSITE TWO, nafeel mo na bang main-love sa MATABA? e sa HIPON/PAYATOT? E yong akala mong di ka magugustohan pero nililigawan ka or nagpapapansin sayo? mafo-fall ka ba? or ikaw ang pa-fall?. May FRIENDSHIP ba or may LOVE.?