"Katapos lang po naming magmerienda, magbibihis po muna ako mmy. " tiningnan ako ni mmy n parang nangingilatis.
"Nagda-diet na sya.." pang-aasar nya.
Si kuya ,tumakbo na pababa ng marinig na may pizza.
Naglakad na ko papuntang room ko, sumunod si mmy."Nak, pansin ko, sobrang close nyo ni Renz. humm " nginitian ko sya, at kumuha ng pamalit ko sa cabinet.
"Close daw, awsos.. kakampi nyo yon sa pang-aasar sakin e, tapos-" tinulongan ako ni mmy na hubarin and uniform ko.
"Talo pa nya kayo ni Dad, sobrang istrikto nya sakin , pero syempre-" tinulongan uli ako ni mmy na isuot ang t-shirt ko.
"Hindi na kayo mga bata na magkikilitian pa, lalo pa't di naman kayo magka-anu-anu , kaya kung pwede sana, bawasan mo ang pagiging sobrang malapit sakanya, kahit na parang kapatid lang ang turingan nyo.." Natawa naman ako.
"Hahaha, si mommy talaga, pinsan ko kaya yan si kuya, diba kapatid ni Dad ang mom ni kuya, at ikaw talaga mmy, tingnan mo nga ko, tingin mo, magugustohan ako non? tsk.. kuya ko na yon.. '' pinisil ni mommy ang pisngi ko.
"di mo pa kasi naiintindihan nak, lika na, baka maubos nila ang pizza, nga pala asan si Drea.. " naglakad na kami palabas ng kwarto ko.
"Nagbike po, kasama yong bestfriend nya." sagot ko, sabay na kaming bumaba.
"E ,ikaw nak, may bestfriend kaba..? "oo nga, may bestfriend ba ako?.
"Aaay.. pano yan.. naubos na namin yong pizza?.." sigaw ni kuya habang pababa kami ng hagdan ni mmy, pinakita pa nito ang box na wala ng laman.
"Ok lang ,naiintindihan naman kita e, onggoy ka kasi.." pang aasar ko.
"Anung connect?.." tanung nya. "Ang onggoy, madamot, kaya naiintindihan kita.. blee.. papadeliver ako, di kita bibigyan bleew.." sabi ko, at pagkababa ko ng hagdan, pumunta ako sa may telepono.
"Awsos.. tampo agad.. meron pa , andon sa dinning table.. " ngumiti ako ng malapad, hehe bumibuli kasi sila mommy ng pizza laging tatlo, yong isa sa mga maids namin, tapos yong dalawa saming lima.
.*TERENCE POV*
Terence Roel Jordan, 18, nasa 1st year college Medisina ang kurso ko, anak ako ng kinakapatid ni Tito Rodel na si mommy Cora, anak si mommy ng ninong ni tito, dito ako sakanila lumaki, kasi kinopkop ako ni Tito nong nabuntis si mommy habang nag-aaral ng abogarsya, sa takot daw ni mommy na malaman ng parents nya ang pagbubuntis nya sakin dahil paniguradong di matatanggap yon nga parents nya, nakiusap siya kina tito Rodel na noon mahigit isang taon nang kasal na hindi pa nagkakaanak.
Tinulongan nila tito si mommy na ilihim sa parents ni mommy ang pagbubuntis nya sakin, naitago naman nila dahil sa nasa ibang bansa naman lagi ang parents ni mommy, at tuwing uuwi ang parents ni momny, hindi sya umuuwi sa bahay nila, kundi man para makipagkausap sya sa parents nya ay nag-susuot sya ng dress ,dahil sa maliit lang daw ang pagbubuntis sakin ni mommy, kaya hindi nahahalata na buntis sya pag maluwag ang damit.

BINABASA MO ANG
WEIGHT of Love or WAIT for Love?
RandomMataba vs Payat OPPOSITE TWO, nafeel mo na bang main-love sa MATABA? e sa HIPON/PAYATOT? E yong akala mong di ka magugustohan pero nililigawan ka or nagpapapansin sayo? mafo-fall ka ba? or ikaw ang pa-fall?. May FRIENDSHIP ba or may LOVE.?