********
"Bakit sa dinami-dami ng tao sa mundo, dun ka pa magkakagusto sa taong may mahal ng iba?" Yan ung kadalasang tanong na maririnig mo sa mga taong nakakaexperience ng 'one-way love'. Un ung sila lang ung nagmamahal. Parang ganito lang, "Mahal mo siya, mahal niya iba."
Ang sakit isipin noh, kung sino pa ung sobrang mahal mo, sya pang sobrang inlove sa ibang tao. </3
Parang gusto mo ng dukutin ung puso mo at ihagis sa tao na alam mong kaya kang mahalin at alagaan. Bakit nga ba ang hirap turuan ng puso? Pwede mo namang piliin nalang ung tao na nagmamahal at naghihintay sayo, pero bakit dun ka pa nahulog sa taong alam mong imposibleng maging sayo. Mas malala pa, alam mo na ngang imposible, umaasa ka parin.
Pero hanga din ako sa mga ganitong tao kahit na minsan para na silang mga tnga. Ung alam na nilang masasaktan lang sila sa huli, patuloy parin sila sa pagmamahal. Ung alam nilang wala namang patutunguhan, patuloy parin sila. Ung alam nilang muka na silang tnga, tuloy parin sa pagmamahal sa taong un. Ang titibay ng loob nila. Ung kahit ang dami daming dahilan para sumuko at tumigil, meron silang isang dahilan na pinanghahawakan para patuloy na pumusta pa sa larong alam nila sa simula palang na sila ang talo. Ang dahilan na un, "MAHAL KO KASI SIYA EH!"
Pero hanggang kelan? Hanggang kelan mo ipaglalaban ung taong kahit kailan hindi naisipang lumaban kasama mo? Hanggang kelan mo sasabihin sa sarili mong "Kahit anong mangyari, nandito lang ako. Kahit masakit dito (--> <3) kakayanin ko para sayo." At hanggang kelan ka magtitiis? Hanggang kelan ka magpapakatnga?
[A/N: thanks for reading ツ]
BINABASA MO ANG
Anthology of peculiar thoughts
Random(HIATUS) Free writing about love. Some are based on experience, some are just thoughts, ideas, or opinion.