*******
Ang sarap ng feeling na alam mong merong nagmamahal sayo. Tapos ung taong un ay sobrang mahal mo din. Parehas kayong masaya pag magkasama. Walang tinatagong lihim sa isa't isa. Halos lahat ng tungkol sakanya alam mo. Ung mga past relationship niya, mga problema nya, paborito nia, ung everyday routine niya alam mo. Sa lahat ng trip kayo ang pakners.
️Ung kapag naboboring siya ikaw tatawagan/itetext niya. Tapos palagi siyang may time kapag kailangan mo siya. Halos buong buhay niyo magkasama kayo. Diba ang swerte mo kung may kakilala kang ganyan? Kaya nga i feel so blessed, kasi ako may kakilalang katulad ng taong naidiscribe ko sa itaas.
Kaso biglang nagbago ang ihip ng hangin. Dati nasa akin lahat ng atensiyon at oras niya. Dati ako lang tinatawagan niya sa kalagitnaan ng gabi. Dati ako lang ung kasama niya palagi. Dati masaya na kahit kami lang dalawa. Pero bakit ngayon parang iba na? Lahat nag-iba. Nabawasan ung mga araw ng pagba-bonding namin, nawala ung halos araw-araw na komunikasyon namin. Hindi na kami updated sa isa't isa. Nagtatanong ako ano ba talaga nangyare? Bakit bigla siyang nawala? May nagawa ba akong mali? O baka naman may iba na siyang napagtutuunan ng pansin?
Hanggang isang araw, bigla nalang siyang nagtext. Inaaya niya akong lumabas na kami lang dalawa. Ang saya ko nun. Kasi makakasama ko ulit siya. Makakapagkulitan na ulit na kami, babalik ung dating kami. Babalik na siya sa akin. Nung magkita na kami, ang laki laki ng ngiti sa mga labi niya. Namiss niya daw ako. Lokong toh, matapos hindi magparamdam sakin, sasabihin niya na namiss nia ako? Pero anyways, ang saya ko lang talaga na malaman na namiss niya ako, dahil ako, miss na miss ko ang dating kami. Pero ngyon, ok na kasi bumalik na ulit un. Gumala kami, tapos kumaen. Habang kumakaen, kwentuhan, update sa isa't isa. Nang biglang may isang babae na lumapit sa amin. Nakangiti, tapos biglang nagkiss sa kasama ko. Wala akong idea at napanganga talaga ako. Maganda, matangkad, maputi, sexy. Mas nagulat pa ako nung niyakap nia ako tapos sabi nia, "Finally nameet na kita. Madalas kang kinukwento ni babe sakin eh." </3 aray ko naman! Babe?!! :'(
Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. Tapos inintroduce na niya ung babae. "I want you to meet my girlfriend. :)" Suskopo! Guho naman ang mundo ko eh. Ansakit marinig mula sakanya. Ansakit makita silang masaya. Pero kelangan kong maging masaya at ipakita sakanila na OK lang ako.
Kaya pala nagbago na. Tama ako, ang sakit sakit na tama ung iniisip ko kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Pero wala na akong magagawa. Masaya siya eh. Diba dapat masaya ako para sakanya? Un naman ang role ng BESTFRIEND, dapat supportive. Kahit mahirap, dapat maging masaya ako, BESTFRIEND lang naman ako eh. At nag-assume lang ako na hindi lang bestfriend ang tingin nia sa akin kaya ako nasasaktan ng ganito. Kasalanan ko, nagpadala ako sa nararamdaman ko. Nag-assume ako, na-FRIENDZONE tuloy ako. </3
BINABASA MO ANG
Anthology of peculiar thoughts
Acak(HIATUS) Free writing about love. Some are based on experience, some are just thoughts, ideas, or opinion.