Moving On

11 0 0
                                    

Araw araw iba't iba ang nararamdaman natin. Minsan may araw na masaya, may araw na kinikilig ka, araw na sana hindi na matapos, araw na hindi mo maipaliwanag nararamdaman mo, araw na malungkot ka, at araw na nasasaktan ka na. Mixed emotions ba, sabi nga nila. Ngayong araw na ito, nalulungkot ako na nasasaktan. Lungkot kasi parang isang iglap lang, nagbago at nawala lahat. Sakit kasi nalaman kong hindi niya naman pala ako kayang mahalin pabalik. Alam niyo naman ung ganung pakiramdam diba. </3
Umpisa palang sana sinabi na niya diba, na hanggang ganito lang kami. Hanggang gusto lang at hindi na aabot pa sa mahal, kasi magkaiba un. Sinabi niya din kasing nahuhulog na siya kaya hinanda ko ang sarili kong saluhin siya. Ngayong ako naman ang nahulog na, sinalo nga niya, binitawan din naman kaagad. Mas ok pa kung hindi nalang niya sinalo at least nahanda ko sarili ko na bumagsak, kesa naman ganito diba. Kesa naman ganito kung kelan naman naiisip ko na ung mga umaga na magigising ako sa tabi niya, ung mga gagawin namin sa tuwing magkasama kami, at higit sa lahat kung kelan naman nakikita ko na ang sarili kong kasama siya. Kaso, bakit ba ako nag-iisip ng ganun, ni hindi ko nga alam kung anong iniisip niya sa tuwing magtetext ako. Kung masaya din ba siya katulad ko kapag nababasa ang mga simpleng text galing sa kanya. Hindi ko alam kung nagmumuka na ba akong t*nga sa paningin niya sa tuwing susubukan kong maglambing. Kung totoo bang gusto niya din ung ginagawa ko o sinasakyan niya lang ako. Pero syempre, dahil mejo t*nga at martyr, iniisip ko na totoo lahat.
Isang araw, lumabas kami ng bestfriend ko, kumaen, naggala. Na-open ko ung nararamdaman ko tungkol dun sa lalaking tinutukoy ko. Wala lang, out of the blue, alam naman lahat ng bestfriend ko eh, so un ang topic namin, bigla nalang niya sinabi sakin na, "tama na, wake up to the reality that you and him will never gonna happen. It's just you thinking you can spend everyday of your life with him." Juice colored! Ilang gabi din akong hindi pinatulog ng mga sinabi niyang un. Kahit nga nasa school ako, o sa bahay lang, iniisip ko un. Bakit nga ganito? Ung palagi kong payo sa mga kaibigan ko na magising sila sa katotohanan at realidad na mali sila. Hindi dapat nila sinasayang ang oras nila para sa mga bagay o tao na alam nilang hindi para sakanila. Tapos ako pala ung ganun. Ako pala ung patuloy na nananaginip.
Ngayon sobrang nagpapasalamat ako sa bestfriend ko na sinabi niya ung mga salitang un sakin. I'm trying my very best para hindi na masaktan pa ung sarili ko. I'm trying to avoid him, to not think about him. Sobrang mahirap kasi iniisip ko palang na imposibleng mangyari ung gusto ko, nasasaktan na ako. Pero mas maigi na siguro un, panandaliang sakit kesa lokohin ko ang sarili ko.

At this point of time, I can say that I'm still in the process of sinking everything to my brain. The "words of wisdom" from my bestfriend, the decisions I have to make, the possible consequences that could come with it, and sending that message to my stupid heart. It might take time, but I know that eventually, as day passes by, and as I try my best to help myself forget about this stupid feelings, I will have the guts to finally say that "I HAVE MOVED ON and I AM HAPPY FOR WHAT I HAVE BECOME."

Anthology of peculiar thoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon