Chapter 11

132 9 0
                                    


Alexa's POV

Haaay... Ang bigat ng mga pinamili namin

Mag lalakad pa naman ako tapos bibitbitin ko pa...

Di bale... hindi naman ako pina contribute ni Yoda kaya ayos na ito....

Ngayon ang araw na mag be bake kami..

"Pssst"

Napatigil ako sa pag lalakad nang makita ko si Kris na lumabas sa isang bahay..which is yung katapat ko lang na bahay.... patakbo siyang lumapit sa akin

Ako: uy uy.. anong ginagawa mo sa bahay ng kapit bahay ko?

Pinitik niya ang noo ko

Ako: aray!

Kris: bahay namin yun

Ako: eh di sorry-----ba-bahay? BAHAY NINYO?!

Kapit bahay ko siya?!

Anak ng--!

Kinuha niya yung dalahin ko at siya ang nag bitbit

Kris: kawawa ka naman.. mukha ka nang manang pag dating sa school

Dinilaan ko na lang siya.. pasalamat siya!

ako: gaano kana katagal dun? Sa pag kakaalam ko, iba ang nakatira doon

Kris: amin talaga yun.. care taker lang ang nandoon... sa Belemnite Subdivision kami pero lumipat ako dito

Ako: at bakit naman lumipat ka dito?

Tanong ko na parang nag dududa

Kris: malapit ang school

Ako: weh? Eh may kotse naman yata kayo.... madali lang pumunta ng school

Pinanliitan niya ako ng mata

Kris: ano bang gusto mong palabasin?

Nginitian ko siya nang nakakaloko

Ako: sinusundan mo ako

Pinitik na naman niya ang noo ko

Ako: aray ko!!

Kris: bagsik ng imagination mo...

Ako: nag krim stick ako eh.. haha

Nakarating kami ng school at pinag titinginan kami..

Nga naman... makita ba naman nila ang EXO's KRIS na may kasamang NOBODY eh hindi sila mag tataka??

Pag dating namin sa class room, saktong dumating si Ms. Ramos...

Aba.. himala... hindi late si Yoda? Tss..

Ms. Ramos: class... tara na sa kitchen..

Pumunta na kaming lahat sa kitchen at nag ayos ng mga gamit

Pumunta ako kay Kris at bumulong

AKo: uy.. salamat kanina ah

Kris: may bayad yun

Ginulo niya yung buhok ko..

Aish..

Ms. Ramos: okay class... you may start...

Ako: hmm.. ano bang gagawin-----

Chanyeol: ako na mag hahanda ng mga ingredients... ikaw sa mixtures... ako mag lalagay sa cups tapos ikaw mag design...

Okay okay... wala na akong masabi!

Tapos ang mixture mga 20 minutes.... tiyagaan to mga bordge! Sa baking, maraming maarte.. dapat perfect ang mga calculations... walang labis walang kulang.. kung hindi, palpak ka!

Genie Academy | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon