Putukan dito, putukan doon. Patayan dito, patayan doon. It's all that I can see here at my window. Kailan ba ito matatapos??
"Mahal na reyna, kailangan nyo na pong mag tago, napasok na po ng mga kalaban ang east wing!" sabi ng isang sundalo.
"Where's my husband??" tanong ko. Nasaan na ba siya? Iniwan na naman ako eh -_-
"I'm here wife" sulpot ng asawa ko sabay halik sa pisngi ko.
"Saan ka ba nagpunta ha?? Iniwan mo nanaman ako sa kwarto eh" nagtatampo na talaga ako para namang wala akong maitutulong
"I just have to protect my treasure, and it's you. You should go wife, it's too dangerous in here" sabi niya at pinagtulakan ako papalayo kasama ng mga sundalo.
" Saan ka pupunta??"
"Just go wife!" and then he vanished...
......
"Gising!!!!!" nagising ako dahil sa pagkakasampal sa'kin..
Ang sakit ng pisngi ko! Putanginang kamay na sumampal sa’kin!
"Mabuti at gising ka na." sino ba tong nananampal!
Tiningnan ko ang paligid ko.Nakagapos pala ako sa isang upuan. Mga kamay at paa ko mahigpit na ginapos.
"Si-sino ka??" tanong ko sa lalaking nanampal sakin
"Kuya vixx??" b-bakit?? Anong ibig sabihin nito??
"Kay ganda mo pa namang bata jhiane, sayang lang at magiging pag-aari kana ni Lord Haden" sabi niya sabay hawak sa baba ko.
"Wag mo ngang hawakan ang baba ko!" asik ko sa kanya
"Kung di ka lang importante kay lord haden ay matagal na kitang binaboy!" sabi niya at sinampal na naman ako.
Sino ba yang Lord Haden na yan!
"Bwesit ka! Akala ko pa naman mabait ka! Wala kang kasing sama! Kuya pa naman ang turing ko sa'yo.walang hiya ka mamatay ka na sana!!!!" sigaw ko sa kanya. Sasampalin na naman niya sana ako pero may biglang sumulpot.
"Don't you dare do that!" malamig na sabi ng lalaking nasa likod ni kuya vixx
"P-papa ronie??" siya ba ang may pakana ng lahat ng ito??
"Nasaan sila mama?! Si jared??" nag aalala na ako sa kanila di ko alam kung anong ginawa niya sa kanila!
"Nagising ka na pala mahal ko" sabi niya at sa isang iglap ay nasa harapan ko na siya.
"A-anong g-gagawin mo sa'kin?" takot ang bumabalot sa aking ngayon. Gusto kong umiyak pero dko magawa.
"Papakasalan ka, siyempre" sabi niya at sinubukan akong halikan pero umiwas ako.. Pakiramdam ko ay parang nagtaksil ako. Di ko alam pero yun ang pakiramdam ko bukod sa takot.
Nangunot ang noo niya pero binawi naman niya iyon at ngumisi ng pagka laki,
"Oh right! You can't marry an old man hahaha! Wait!" sabi niya.
Para siyang isang ahas na nagbabalat. Di ko magawang tumingin dahil nasusuka talaga ako. Para lang siyanng naghuhubad ng jumper pero balat ng tao ang tinatanggal niya sa katawan niya.
Ilang minuto rin ang lumipas pero natatakot akong tumingin sa kanya.
"Look at me my queen" sabi niya.
Umiling-iling ako dahil natatakot parin ako.
"I said look at me!!!!" sigaw niya.
Di parin ako tumingin sa kanya pero ang mga luha ko ay umaagos na sa mga mata ko.
Parang may kung ano na pumilit sa mukha ko na humarap sa kanya.
"S-sino ka??" ibang lalaki ang nasa harap ko ngayon. Matipuno, makisig pero mababakas mo sa mga mata niya, sa mga mapupula niyangg mata ang galit. b-bampira siya!
"N-nasaan si papa ronie?"
"Ronie?? The man that you have seen a while ago?? He's totally gone hahahah!!" sabi niya at kumuha ng upuan at inilagay sa harap ko.
"Vixx, a glass of blood please" agad namang sunod si kuya vixx sa sinabi niya.
"A-anong ibig mong sabihin??"
"My special ability is to clone vampires or humans. After I found out that you and mr. Ronie are too close to each other, I cloned him and make him gone forever! Hahaha!!" sabi niya at uminom ng wine
"P-pinatay mo siya??" umaagos na naman ang mga luha ko. Takot at galit ang nararamdaman ko ngayon.
"My talent is to kill, binubuhay nito ang pagiging bampira ko, perks of being a vampire! Hahaha and i'm loving it!!" sabi niya at hulakhak ng humalakhak
"Wala kang puso!!!!" sana pinatay nalang niya ako!
"Vampires don’t have a beating heart my dear, kaya masasabi mo naring wala kaming puso" sabi niya at uminom na naman ng wine.
"You're so beautiful even if you cry my queen" dagdag niya habang tinitingnan lang niya ako habang umiiyak.
Kung si Mrick ang nandito, siguro pupunasan niya ang mga luha ko.
"The Fvck!!!!!!!! Why are you always thinking of Mrick!!!! I'm here jhiane!! I'm here!!! Fvck!!" sigaw niya at nabasag ang baso sa kamay niya.
Panay iyak lang ang nagagawa ko. Di ko rin alam kung bakit naisip ko si Mrick.
"For hundreds of years you are always thinking of Mrick! Ako ang nandito! Ako ang nasa harapan mo! Kahit noon pa, you chose Mrick over me!!" sabi niya at sinuntok ang pader, sa lakas ng impact ng ginawa niya ay nabutas ang pader .
"Anong noon ang sinasabi mo???!!! Wala akong alam sa sinasabi mo! Kelan ko lang nakilala si mrick! Lalong-lalo ka na!! " Hindi ko maintindihn kung anong pinagsasabi niya. Sumasakit na ang ulo ko sa pag iyak.
Nahinto siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin tsaka ngumisi ng malaki.
"You don't remember anything?? Good for me" sabi niya at lumakad papalapit sa akin.
"W-wag kang lalapit sa akin!!!" sigaw ko sa kanya. Natatakot ako sa maaring gawin niya sa'kin.
Huminto siya sa harap ko.
"You're Lord Haden Andrei Ambroise's property, YOU ARE MY PROPERTY" sabi niya at mas pumula ang mga mata niya at lumabasa ang matutulis niyang mga pangil.
Tiningnan ko siya ng buong tapang na natitira sa akin.
"Walang nag mamay ari sa akin! Wala!" asik ko sa kanya pero ngumisi lang siya.
Doon ko lang naisip sila mama at jared.
"N-nasaan si mama??, nasaan ang kapatid ko?!!"
Imbes na sumagot siya sa akin ay lumuhod siya sa harap ko.
"They are in the good hands my queen" sabi niya at nag iba na naman ang kulay ng mga mata niya, galing sa pula ay naging dilaw at naging normal na ulit ang mga ngipin niya.
"Gusto ko silang makita, gusto kong makita ang kapatid ko." umaagos na naman ang luha ko. Si jared, gusto kong makita si jared
"Soon, after our wedding, then also after the ceremony, You can see them" sabi niya at hinawakan ang baba ko pero umiwas ako. Ayokong mahawakan ng madumi niyang kamay.
"Anong serimonyas ang sinasabi mo?" pakiramdam ko, isang masamang balak ang gagawin niya.
"Soon you will be the queen of the forgottens, you will be my queen" sabi niya at tumawa ng mahina.
"A-anong ibig sabihin mo??"
"Simple, we will be the most powerful clan of all times" sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang pisngi ko. Bumabaon sa pisngi ko ang mga kuko niya. Sumasabay sa agos ng luha ko ang pag agos ng dugo galing sa pisngi ko.
"You will be mine! Mine alone!!!!" at hinalikan niya ako. idiniin niya ang mga labi niya sa labi ko. Kinagat niya ang labi ko sa kadahilanang nagdurugo ako. Iyak lang ako ng iyak dahil sa ginagawa niya. Pakiramdam ko ay nagtaksil ako.
Mrick, tulungan mo'ko...
"Andrei!!!!!!!!!!" isang malakas na sigaw ang narinig ko....
Alam ko kung sino ang nag mamay-ari ng boses na yun.
"Brother" sabi ni haden ngumisi siya at naging pula na naman ang mga mata nito.
M-mrick, dumating ka....
***************
Hi chingus!!! Salamat sa pagbabasa ng story ko. Alam ko di siya maganda pero binabasa niyo pa rin.
Sorry for the errors!
Please read, vote and comment po kayo para malaman ko kung itutuloy ko pa po ang story na ito :'( .
Sana nagustuhan niyo. Salamat!
BINABASA MO ANG
Me Plus A Vampire In One Roof??
VampireTumira kasama ang isang bampira? Matatagalan ko kaya?? ------jhiane