MPVOR 1:

53.7K 1.1K 77
                                    

Grabe nakakapagod talaga sa school haay.

Uuwi na ako tapos naman din ang trabaho ko dito sa library.

Miuna jhiane cruz nga pala. Isang working student ng Abraham University. Scholar lang ako sa school nato ,matalino eh. Hahaha ,joke! Ang yabang noh? Pero nagsusumikap talaga akong mag aral para makapag tapos. Mahirap lang kasi ang pamilya ko. Ako lang mismo ang nagtataguyod sa pag-aaral ko. Wala na kasi akong papa, ewan ko wala akong balita sa kanya, si mama naman kung sino-sino lang ang lalaking kasama. Sabi nga nila pokpok ang mama ko.

Hindi naman siya pokpok eh, tanga lang talaga siya. Tanga sa pag-ibig. Kung sinong lalaking nagugustauhan niya pakiramdam rin niya kasi mahal siya nung lalaking nagugustuhan niya. Assuming ng nanay ko eh no?

Wala rin naman akong magagawa kung ganyan siya. Gusto niya yun eh.

Halos na-arange at nalinis ko na ang mga kalat sa library, ang saya kayang mgligpit ng mga libro, nakakagaan ng loob!

"Jhiane? Paki lock nalang ng library pag uuwi ka na ha???" sabi ni mrs. Suarez na nag-aayos ng make-up niya. Ang tanda na ni Mrs. Suarez pero mahilig talaga siya sa make-up. Di naman sa nanglalait pero para na talaga siyang patay sa puti ng mukha niya dahil sa face powder. -_-

"Opo mam! Paalam ingat po!" sabi ko nalang at niligpit ko na rin yung sarili kong gamit. Di naman ako katulad ni mrs. Suarez eh, di ako masyadong nag-iinarte sa mukha.

Mas pinaniniwalaan ko yung, SIMPLICITY IS BEAUTY,

Charot!

"Ingat din hija! Mag gagabi na baka mapapano ka kai ganda mo pang bata baka madiskitahan ka ng mga palaboy sa tabi."

Aiiee hehe ganda ko (pabebe wave here). Chars lang, di naman ako mayabang eh, sadyang pinagpala lang talaga HAHAHAHA

"Wag kayong mag alala mam ok lang po ako " sabi ko, syempre mayumi tayo eh! Dapat di halata na lumalaki ulo naten hueheu

"O sya! Mauna na ako ingat hija!"

At umalis na talaga siya. May date siguro siya sa asawa niya..

Ako nalang mag-isa sa napakalawak na na library ng napakayaman na universiity na pag mamay ari ng napakabait na Mr. And Mrs. Abraham na nagka anak ng napakapangit na babae -_-. De joke lang maganda naman siya, ubod lang ng sama ng ugali..

-_-

******

Walking distance lang naman ang bahay namin eh.. Ayaw kong sumakay pa ng dyip aksaya ng pera.

I mean wala akong pera HAHAHAHA

Lakad lng ako ng lakad.. Ni nanamnam ang simoy ng hangin. Tingin tingin sa paligid na para bang artistang may photoshoot. Tingin-tingin lang hanggang sa napako ang mata ko sa mapupulang matang nasa gilid ng puno..

Di ako makagalaw dahil sa takot.

Teka?! Sino bang hindi matatakot sa mga mapupulang matang nakatitig sa'iyo?!! At ang nakakatakot pa ay dumami sila!!

"Si-sino ka, s-sino kayo?" at naglakas loob ka pang nagtanong jhiane!!

Ambobo Takbo!!!..

Pero yung mga paa ko... maygad!

Tinignan ko uli yung mga mata pero......

Biglang nawala ang mga mata..

Ampupu lord! Sana naman di kapre yun!! natatakot na ako!!!

Jhiane! Wag matakot love ka ni lord! LOVE TAYONG LAHAT NI LORD!

Nag patuloy lang ako sa pag-lalakad .. Alam ko may sumusunod sa'kin!... Lord please!! Help!! T_T

Me Plus A Vampire In One Roof?? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon