Panimula

35 1 0
                                    


Suot ang dalawang maninipis at maliit na saplot ay iginiling niya ang kaniyang bewang ng pakanan at pakaliwa.

Ganito lang ang kaniyang ginagawa, isang nakakaakit na sayaw na halos magpabaliw sa mga manunuod.

Dalawang saplot na nagpapakita sa lahat ng kaniyang kurba at alindog.

Hindi na siya nahihiya, hindi na niya kailangan pang mahiya.

Makapal ang kanyang kolorete sa mukha kaya hindi mo masasabi kung anong totoong itsura ang itinatago niya.

Ganito si Magdalena sa gabi hanggang ala-singko ng umaga.

Gumigiling para kumita, nagbibigay aliw para magkapera.

Hindi niya man hangad ay kailangan.

Kailangan niyang kumita para mabuhay sila ng kaniyang ina.

Naririnig niya ay nakababastos na sigaw ng mga tao sa kaniyang harapan.

Ganito araw-araw, ganito palagi kapag siya na ang lumalabas.

Umikot siya sa bakal na nakatayo sa kaniyang harapan at mapang-akit niya itong hinawakan hanggang sa dumulas siya pababa.

Para pagbigyan ang mga lalaking gusto makita ang bagay na hindi dapat niya ipinapakita.

Sanay na siya, bakit pa siya mahihiya.

Tumayo uli siya at mapang-akit ulit na iginiling ang kaniyang katawan, mabuti na lang at mananayaw siya sa kaniyang paaralan noon kaya hindi na bago sa kaniya ang kanyang ginagawa.

Nagsigawan ulit ang mga lalaki na kaniyang manunuod, aliw na aliw sila sa kanilang nakikita.

The best kasi si Magdalena sa ganito. Kaya siya talaga ang inaabangan sa lugar na ito.

Napapangiwi siya kapag may lalaking umaakyat pa papunta sa kinaroroonan niya para bigyan siya ng tip.

Ipapadausdos muna nito ang kamay sa kaniyang braso at sasadyain na banggain ang maalindog niyang dibdib bago iipit ang pera sa strap ng kanyang suot.

Hahalikan pa siya bago ito umalis.

Sanay na siya, ito palagi ang sinasabi niya sa kaniyang isipan.

Sanay ka na, hindi na kailangan mahiya pa.

Marami pa ang gumawa ng ganoon sa kanya.

Maraming lalaki ang gustong hawakan siya.

Binata, matanda, kahit may-asawa na.

Pero wala siyang magagawa, trabaho niya ito at ito lang ang tumatanggap sa kaniya.

"The best ka talaga, Magda!" Magiliw na sabi ng baklang namumuno sa kanila.

Marami pa ring sumisigaw para lang makita siyang sumayaw pero tapos na ang oras niya kaya bumaba na siya sa stage para magpalit ng damit.

"Ang dami mo na namang nakuhang tip niyan."

Napatingin siya ng blangko sa baklang kumakausap sa kaniya, kinapa niya ang mga perang ngayo'y namumutiktik na sa dami dahil sa mga mahihilig na maglustay ng pera para sa kaniya.

Ngumiti siya ng tipid at isa isang kinuha ang mga bilot na papel  na nakaipit sa kaniyang damit.

Palaki ng palaki ang kaniyang ngiti ng makita niyang puro kulay ginto ang mga nakasukbit sa kaniya.

Kumuha siya ng dalawa at binilot ito ng maliit. Pasimple niyang inilagay ito sa baklang nasa harap niya at bumulong ng mahina.

"Para kay Ysa yan, ha." Mahina pero puno ng pagaalala ang kaniyang tinig.

Halos maiyak ang baklang kaharap niya. Nagpapasalamat na kahit masungit at masama siyang tao ay may tulad ni Magda na hindi nagdadalawang isip na tulungan siya.

Walang may alam sa kasamahan nila na magkaibigan talaga sila, hindi nila sinasabi dahil ayaw nila na ma-issue sila na may favoritism siya.

Yung nakakataas talaga sa kaniya ang may gusto na bigyan ng sariling show si Magda sa bar.

Nakita kasi nito ang potensyal na magpapaangat sa kanilang negosyo ng dahil sa kaniya.

At totoo nga, dalawang taon na din na nagtatrabaho si Magda pero sunod sunod na kita ang pumasok sa kanila ng dahil sa kaniya.

Napansin niya ang masasama at inggit na tingin ng ibang kasamahan nila.

Maraming ganun, hindi na bago.

Sa mundo kasi nila kailangan kaya mong sikmurain ang lahat para sa pera.

Para kumita ka ng malaki at hindi lang kakarampot.

Karamihan ay menor de edad pa, pero hindi halata dahil sa kanilang mga itsura.

Nagpunta na siya sa dressing room para magpalit, kailangan niya ng umuwi.

Umaga na, walang magbabantay sa nanay niya.

Unti unti niyang tinatanggal ang makapal na kolorete sa kaniyang mukha.

Sa sobrang kapal, hindi mo iisipin na sa likod ng matapang na mukha ay nagkukubli ang isang babaeng takot sa mundong kaniyang ginagalawan.

Pero wala na ang dating Magda na mahinhin at maamo.

Nasira na ng mundong hindi niya pinangarap tirhan.

Ito ata ang parusa sa kanya ng tadhana.

Ito ang parusa sa kaniya.

At isang luha ang tumulo sa kaniyang mata habang nakatingin siya sa sarili niyang repleksyon.


MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon