Kabanata 8

24 1 0
                                    


Hindi ko talaga alam kung bakit ako pumayag sa alok niya.

Siguro ay dahil sa sinabi niya na may pag-asa pa ang nanay ko.

Na pwede pang bumuti ang lagay niya kahit tinaningan na siya ng doctor.

Alam ko na imposible pero kumakapit ako sa mga sinabi niya.

Na magpapadala siya ng mga mahuhusay na doctor para sa nanay ko.

Kaya siguro kahit nasaktan ako sa sinabi niya nung nasa bahay kami ay nilunok ko na ang pride ko.

Tama naman siya.

Sa ganitong pagkakataon...

Hindi dapat pride ang pinapairal ko.

"Magda, nasa labas iyong lalaking kasama niyo ni Tonyo." Tinignan ko si Tita Luisa ng magsalita siya.

Kapapasok lang niya sa kwarto ng aking ina para makipagpalit sa akin sa pagbabantay.

May trabaho pa kasi ako.

Tumayo na ako at naglakad palabas.

Tulad nga ng sabi ni Tita ay nakita ko siya na nakasandal sa pader na malapit sa pintuan.

Kumunot ang nook o.

Wala naman kasi siyang sinabi na dadaan siya.

Wala rin siyang sinabi kung kelan ako magsisimula.

Pero magaala-sais na.

Kailangan ko nang umalis at baka pagalitan ako ng big boss sa bar na pinagtatrabahuhan ko.

"Anong ginagawa mo ditto?" tanong ko sa kaniya.

Tinitigan ko siya pero biglang umiwas ng bigla siyang tumitig sa akin.

Ang hilig manitig ng lalaking ito.

Nakakalunod na.

"Sinusundo ka..." paninimula niya.

Kumunot ulit ang nook o sa sinabi niya.

Iniisip ko maigi kung may hindi ba ako narinig kahapon.

Wala kasi akong maalala na dadarating siya, ni hindi nga sinabi kung kailan ako magsisimulang magpanggap.

"May trabaho pa ako." Sabi ko sabay talikod sakaniya.

Hindi ko talaga kinakaya ang titig niya.

Ngayon lang kasi may tumitig ng ganun sa akin.

Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam dahil sa pagtitig niya.

Hindi ako sanay.

Nalulunod ako.

At tumitibok na naman ng mabilis ang puso ko.

"Hindi ka na magtatrabaho pa doon." Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako bigla.

"Anong hindi na? Hindi naman ako umaalis doon?" Bukod sa trabahong inaalok niya ay yung sa bar na lang ang natitirang pwede kong pagkuhanan ng pera.

Kailangan koi yon.

Hindi habang buhay na magtatrabaho ako sakaniya.

Hanggang lumitaw lang ulit ang tunay niyang fiancé.

"Hindi na."

Hindi ko maintindihan, paano ako mawawala sa bar?

Hindi ako paaalisin doon dahil ako ang bida, ako ang palaging tinitilian sa lugar na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MagdalenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon