Una si Zen na makikita, kaya rinig niya ang sigawan nilang lahat.
Maganda naman si Zen at may katawan din, maliit lang ito ng konti sa kaniya.
Sumunod siya at lalong nagpadagundong ng sigaw ng mga lalaki.
Bachelor Party, puro lalaki.
Tumingin siya mula likod at nakita si Zen na dahan dahan sumasayaw.
Mukhang nahihiya pa ito.
Naalala niya yung usapan nila kanina.
First time mo? Tanong sa kaniya kaya umoo na lang siya.
Sinabi din nito na first time niya.
First time naman talaga, ngayon lang kasi siya naimbitahan sa isang Bachelor party para mang-aliw.
Iginiling niya ang kaniyang katawan at kitang kita ang mga lalaki na parang gusto maglaway sa nakikita nila.
Pero hindi naman sila ang pakay niya, hindi naman sila para sa kanila.
Binayaran sila para aliwin ang lalaking nakaupo at nakatali sa isang silya.
May nakatakip pa sa mata nito na mukhang kurbata.
Sumilay sa mukha niya ang mapang-akit na ngiti at dahan dahang lumapit sa lalaki.
Halos yugyugin na ng mga katropa ang lalaking nakaupo.
"Putek! Ang swerte mo naman Nico!" Sigaw ng lalaki sa kaibigan.
"Parang gusto ko rin magpakasal kung ganito lang din naman mangyayare sa party ko." Sigaw pa ng isa.
Tawanan sila ng tawanan kahit na sinisigawan sila ng gago ng lalaking nagngangalan ng Nico.
Diretso lang ang tingin ni Magda sa kaniya. Hindi niya alam dahil nakapiring ang kaniyang mata.
Pero kita mon a natutuwa siya sa sigawan ng mga kaibigan niya.
Lumapit si Magda sa kaniya at nagsimulang igiling ang kaniyang balakang.
Sinasadya nitong banggain ang mga braso niya't katawan.
Nagsigawan ang lahat dahil biglang pumatong si Magda sa hita ni Nico. Napangiti ng maigi si Nico dahil sa nangyayare.
Naamoy niya ang bango na nagmumula sa babae.
Naramdaman niya pang dumausdos ang mga palad nito sa braso nya pababa at paakyat papuntang leeg niya.
Naramdaman niya ang pagyakap nito.
Unti unting lumuluwag ang kaniyang piring at unti unti niyang nasilayan ang kulot na buhok ng babaeng nakapatong sa kaniya.
Humarap si Magda sa lalaki at napatigil ng makita ang titig nito.
Titig na titig ang lalaki sa kaniya, Tila ba hinihigop ang bawat kalamnan niya.
Tila kinokontrol nito ang bawat galaw niya.
Ang lalim ng titig nito, bagay sa makapal niyang kilay at manipis na labi.
Gwapo ang lalaki, sa sobrang gwapo ay hindi na niya kayang idescribe ang features nito.
Tila siya nahiya sa ginawa niyang pagpatong, napailing si Magda sa kawirduhang nangyare sa kaniya.
Tumayo siya mula sa pagkakapatong at sinimulan na lang ang trabaho.
Pero ramdam niya, ramdam na ramdam niya ang pagsunod ng mata ng lalaki sa bawat galaw niya.
Gumiling siya paikot ditto hindi siya mapakali, hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali.
Umupo ulit siya sa hita ng lalaki at iginiling ang kanyang katawan.
Pero walang nagging reaction ito, bagkus ay tinitigan lang siya.
Nagsisigawan pa din ang mga lalaki sa paligid.
Sinisigaw nila kung gaano kaswerte si Nico, nab aka hindi na nito ituloy ang kasal ng dahil sa nangyayare ditto.
Napangiti si Magda sa sinisigaw nila, na bagay na ikinangiti din ng lalaki.
Gumiling pa siya na halos parang sila lang dalawa ang magkasama, na bawat ritmo ng musika ay naayon sa kanila.
Ni hindi na niya pinagbigyan si Zen na sumayaw, alam din niyang nahihiya ito kaya siya na lang ang gagawa.
Ganun din naman, maghahatian pa rin naman sila sa sweldo.
Tinanggal na ng mga lalaki ang tali na nakatali kay Nico, dahilan para mahawakan niya ang bewang ng babaeng nakaupo ulit sa hita niya.
Lalo tuloy nagsigawan at nagasaran ang mga kaibigan niya ng dahil sa ginawa niya.
Tila ba sinakyan ni Magda ang ideyang hindi niya naman alam.
Sumasabay ang lalaki sa bawat paggiling niya.
Tumagal pa iyon ng ilang minute, hanggang sa matapos ang kanta.
"Thank you." Yun lang ang sinabi niya bago sila nagmadaling umalis ni Zen.
Hindi na niya tinanggal pa ang damit na ginamit niya, ipinaloob nalang niya ito sa t-shirt at pantalon niya.
Ibinigay ni Zen ang parte niya at nagpaalam na din.
Nagmamadali pa rin siyang umalis, hindi niya alam kung bakit.
Pero sa buong araw na iyon...
Tibok ng puso niya lang ang naririnig niya.
BINABASA MO ANG
Magdalena
RomanceSi Magda, Magdalena Rivas sa totoo niyang pangalan. Dahil sa hirap ng buhay natuto siyang tumayo sa sarili niyang paa, kumayod mag-isa para mapagamot ang nanay niyang may-sakit. Tuwing gabi ay laman siya ng beer house hindi para maaliw kundi magbiga...